1

500 8 7
                                    

"Ang cute ni papa varsity jacket! Gwapo niya. Haaaaay, kelan pa kaya ako magkakaboyfriend ng katulad niya? Mahged! I know, I am so ambitious, but please, just lemme. Kuhang-kuha niya looks ni Coco! I think I'm in love once again. Lalo na sa boses niya! (sa mga kaibigan niya) Hoy! Kilala niyo ba siya? Pakilala niyo naman ako oh. Malay niyo, makatsamba ako? Pleaaaaase." --Nene.

"Hoy Nene, ang bata-bata mo pa. Lumalandi ka na dyan. Gwapo nga siya at cute, eh mas matanda naman siya sa'yo noh. 3rd year high na yan, eh ikaw? 1st year pa lang. Di kayo bagay teh." -- sabi ng bestfriend niyang bakla, si Maureen. True name niya--Mauricio. At pinakaayaw niyang tawagin siya sa totoong pangalan niya. Nandidiri daw siya.

"Whatever Mauricio! Take note: Age, height, distance, and looks doesn't matter if it comes to love, it's just the weight that does. Oh? Ansaveh ng quote ko? :P"

"Tseh! Bahala ka nga diyan, umaasa ka lang sa wala teh. If I know, di ka nya type."

"Hmp. Sabagay, may point ka. Baka nga di ako ang tipo niyang babae, simple lang kasi ako. Di masyadong kagandahan. Ikalawa, baka mayro'n nang nagmamay-ari sa kanya. Hay, mabuti pang balewalain ko na lang siya. Back to zero."

"Ayan, good girl! ^______^"

Wondering saan sila? Nandoon sila sa campus nila -- Central Luzon State University Science High School. Nutrition month celebration kasi sa school nila kaya may talent showdown. Kasali doon si Alex a.k.a. papa varsity jacket.

Ilang araw din ang lumipas at kinalimutan nga ni Nene si Alex. Pero bumalik lahat ng alaala niya nung pauwi na sila ng mga kaibigan niya. Dumaan kasi si Alex sa harap nila.

"Uy, alam niyo sino trip ko ngayon? Yun oh, si Alex. Gwapo niya kasi, kaya lang, di ako masyadong seryoso sa kanya." --Rikka.

"Alam niyo ba, naging crush ko din siya. Cute kasi siya." -- Venny.

"Ah, Alex pala pangalan niya. Hoy mga dalagita, akin na yun please. Ako nakauna eh, ngayon ko lang sinabi. Yiiiiiiie <3 Kinikilig ako." -- Nene.

"Sayo na 'yun, advance birthday gift." -- Rikka.

"Oo nga. Hehe." -- Venny.

"Salamuch mga frens. :D"

"Sige, alis na kamii. Bye!" -- Rikka at Venny.

"Hoooooooooy Nene, wag mo 'kong iwan. By the way, punta muna tayo sa isang net cafe doon banda pakanan. Saglit lang, may ipapaprint lang ako." -- Dave, kapitbahay  ni Nene. Umuuwi sila magkasabay tuwing hapon.

Dumating na sila doon, ilang minuto at lumabas na din si Dave. Wow, nasa loob din pala si Alex doon, at sabay silang lumabas. Nakalingon si Alex kay Nene at nagsmile siya. Ang di lang malaman ni Nene, nag-uusap ang dalawa--si Dave at Alex. Yun pala, nagtanong lang ng name niya. Sus, kaya nun, mamula-mula pa rin ang cheeks ni Nene pagdating sa bahay nila.

October 5 na. World Teachers' Day. Ano pa bang aasahan natin sa araw na 'yan? Walang iba. lagi naman eh. 

--May program.

--Pakulo for teachers.

--Shadow teachers. Meaning, chosen students in higher years ang magsa-substitute sa teachers.

   Eh, sadyang tadhana nga naman. Si Alex at yung isa pa niyang kasama ang na-assign na maging shadow teacher sa section ni Nene.

Kaya yun, todo paimpress si Nene. Napansin niyang madumi ang chalkboard kaya yun, pumunta siya sa harapan at binura ang mga nakasulat dun.

    "Ako na" -- Alex.

    "Wag, ako na. Ako nagsimula." -- Nene.

    "I insist." -- Alex.

   Kaya binigay ni Nene ang eraser at ngumiti din si Alex. <3

Love Story ni NeneWhere stories live. Discover now