8

99 1 0
                                    

Akalain mo? Aabot pala talaga sila ng isang taon--isang taon ng pagsasama, pagmamahalan, paglalambingan, pag-iingatan, pagyayakapan, paghahalikan at kiligan. 

Weyt weyt weyt.

Nasabi ko ba ang paghahalikan? 

*rewind rewind*

Aba oo nga! HAHA. Di nyo alam yun noh? Ako alam ko. XDD Haha! Di naman kayo mabiro. Aba! Di ko pinapayagan si Nene na gawin yan, kaya di totoo yan. Joke joke lang yan. ^_______^

Kahit gaano niya kamahal si Alex ay di pa rin niya nilalabag ang batas na siya mismo ang gumawa.

              HUWAG.MUNANG.PAPAHALIK.SA.LIPS.SA.CHEEKS.LANG.BATA.PA.AKO.

Haha! Of course, bakit niya ginawa yan?

Eh kasi, sa pagkakaalala ko, di ko pa nasabi sa inyo na pinagbabawalan siya ng mga magulang niyang pumasok sa mga commitments dahil naniniwala silang isa lamang itong aksaya sa oras at disturbance o bad influence para sa kanya at pag--aaral niya. Talagang dapat niyang unahin ay ang pag-aaral niya.

Eh aba ang bait ni Nene eh, nakaka-LIMANG BOYFRIENDS na. XDD

Kasi nga, para naman kay Nene, nangako siya na kahit ilan man ang madaanan niyang lalaki basta di nito maapektuhan ang pag-aaral niya at hinding-hindi din siya paaapekto.

Isa pa, isa rin itong Preparation Stage para sa maturity niya o adulthood niya na maging handa o ihanda ang puso at mga emosyon niya para sa isang napakaseryosong commitment sa buhay na dapat ay kilatisin muna ang bawat anggulo ng kanyang desisyon; hindi siya dapat magkamali sa pagpili at ito ang tinatawag nating "PAGPAPAKASAL O PAG-AASAWA".

Kaya, dahil lumabag siya sa batas ng kanyang mga magulang ay dapat wag niyang abusuhin ito. 

Okey, nasaan na ba tayo? Yes, Happy Anniversary Nene at Alex! ^_______^

Eh ano bang ginagawa pag anniversary ng nagmamahalan? Ano pa, di gumagala. HAHA!

So, para sa mahalagang araw nilang dalawa ay obvious naman na magkasama sila. Hehe. Problema nila? Di alam kung sa'n pupunta. Tsk tsk. XDD

Kaya naman, sa simbahan sila dinala ng mga paa nila.

Hoy hoy hoy~

Di sila nagpakasal dun ah, nagdasal lang. Hihi.

Ipinagdarasal nila na sana magtagal ang relasyon nila at hindi na sila magkahiwalay pa, dahil mahal na mahal na mahal nila ang isa't isa. :))

Love Story ni NeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon