6

144 3 9
                                    

ALEX's POV

Monday. Balik-eskwela. 4:00 P.M.

Parang date na rin yun. Nasa outdoor stage kami, nakaupo sa gilid. Ito namang si Maureen, kinuha yung kamay ko at ipinahawak sa kamay ni Nene, kaya nagholding hands kami, ULIT.

Talagang itinadhana na yung music na na-play ng operator ay "PERFECT TWO by Auburn", at naka-relate kaming dalawa. Sumabay kami sa tugtog at kumanta kaming dalawa. Parang feel ko talaga na PERFECT talaga kami. 

 Ito namang si Venny ay tumititig kay Nene at ngumingiti, kumakanta at parang may ipinapaliwanag. Kasunod ay lumipat kami sa bandang likuran ng library . Doon, marami kaming pinag-usapan.

NENE's POV

"Hindi daw tayo bagay, sabi ng mga kaklase ko, kasi nga 1st year ka at ako, 3rd year."

Nasaktan ako nang husto nang narinig ko ang mga salitang iyon, at nalungkot ang puso ko. Kinabahan ako at ito lang ang nasagot ko, "TAPOS?".

Iniisip ko baka makikipaghiwalay siya. Pero hindi pala.  

 Nabuhayan talaga ang loob ko nang lumabas sa kanyang bibig ang, "Magpapatuloy pa rin."

Hay, salamat.

"May tamang panahon at ipapakilala kita sa ama ko dahil sabi ko sa kanya na kung sinuman ang magiging girlfriend ko, ipapakilala ko sa kanya. Hindi naman maaaring sikreto na lang habangbuhay ang ating relasyon at may tamang panahon para maging malaya tayo."

Nginitian ko lang siya. Hanggang sa umuwi kami, holding hands pa rin. Umuwi na siya at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Love Story ni NeneWhere stories live. Discover now