IS IT A DATE?: PART 1

Start from the beginning
                                        

Nang nasa patag na daan na kami ay umusog na ako. Akala ko pa naman mahaba yung padaosdos na daan, nakakabit-... Naku buti na lang talaga.

"Ano ka ba Jenny, kanina ka pa kilos ng kilos gusto mo bang matumba tayo? Para kanamang sumasakay ng kabayo nyan eh!"

"Eh kasi nasisiksik ako sayo! Kaya umuusog ako!"

"Bakit pinapausog ba kita? TssPanira ng moves"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko isang usog mo pa, ihuhulog na kita!"

-_-... At dahil dun, buong byahe akong nagtitiis na masiksik sa kanya. XD..

••••
"NAY!! NANDITO NA PO SI KUYA SEPOY!!" Tawag ng isang batang babae na naglalaro sa walo o siyam na taong gulang and edad ng makarating kami sa isang payak ngunit presentableng bahay. Di ko na din masyadong naaninag ang kabuoan nito dahil sa gabi na kami nakarating.

"HA? ASAAN ? UY SEPOY ANAK BUTI NAMAN AT NAKARATING KAYO! Naku iha mabuti naman at nakasama ka, naku kumain mumuna kayo at mamamasyal tayo sa plasa mamaya!"

Teka. Kilala ko to ah. Tama eto yung kasambahay nila. Si...... Aling Trining.  Tama. Siguro yung bata kanina eh yung anak niya na c Chloe. Nginitian ko na lang siya at nagmano ako kasunod ni Joseph..  Hahaha.  SEPOY pala ah.  XD.   Ang sagwa. XD

Pumasok na kami sa loob at......
HEAVEN!! ANG DAMING PAGKAIN!!!!

May lechon, adobo, sinigang , papaitan, bulalo, inihaw na pusit, pansit, barbeque, sugpo, mango float , at buko. Numnumnumnum...ANSEREEEEP!!!

"Ang saya mo ata sa napuntahan nating impyerno ah?"

Inirapan ko na lang cya at kinuha ang platong binigay ni aling Trining at umupo na ako sa may mesa nila, tumabi naman si Joseph sa akin habang kaharap naman namin c Aling Trining.

Nung una eh nag aalangan akong sumandok pero tong katabi Kong impakto eh parang nasapian ba naman ng masamang eapiritu, pinag sandok ba naman ako eh kaya yun pinigilan ko, ako nalang yung kumuha ng pagkain ko. Nakakailang kasi para tuloy kaming mag-........... M-mag kaibigan.

"Kain lang kayo ng kain, wag kayong mailang , tapos na kasi kaming kumain eh ba't ba kasi kayo gabi na dumating?"

"May pasok pa kasi kami ya"

"Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Naku buti nalang at biyernes ngayon . Dumito nalang kayo, gabi narin naman at medyo malayo layo rin tong lugar namin. Tsaka marami pang masasayang aktibidad bukasBukas talaga kasi ang pista dito sa amin, ngayon lang ginawa ang misa."

"Naku aling Trining mabuti po sanang alok yan, kaso po wala po talaga sa plano tong pagpunta ko dito, naka pambahay nga lang ho ako eh, wala po akong extrang damit, eh eto po kasing alaga niyo sinama ako na wala sa plano. Di ko nga po alam na dito pala nya ako dadalhin eh. "

"Haha. Iha pagpasensyahan mo nalang yang si Sepoy , mahiyain kasi yan. Baka nahihiya lang yan na ayain kang mag-"

"Manang!!!"

"Oh sha! Oh sha! Basta iha wala nang pero pero. Tutal nandito na kayo eh hindi ko naman hahayaang di nyo masulit ang pag punta nyo dito sa lugar namin no! Wag mo nang problemahin ang damit na isusuot mo! Maraming damit yung anak Kong si Claire na Hindi pa nagagamit. Tsaka mag kasing katawan lang naman kayo nun."

"Claire po? Yung bata po kanina?"

"PffffftHahahahahahahaha!"
'Bakit ? Anong mali sa tanong ko at lakas atang makatawa nitong katabi ko?'

Tinaasan ko siya ng kilay at tumigil na cya. Yun nga lang halata pa ring nagpipigil cya ng tawa.

"Naku Hindi iha, c Chloe yung kanina, c Claire eh yung pangalawa Kong anak di Bali uuwi yun bukas ipakikilala kita."

"Sige po"

At nagpatuloy na nga kami sa paglamon.

****

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now