IS IT A DATE?: PART 1

Start from the beginning
                                        

At pina andar na nga niya ito.

Kung iniisip nyo na may pahawak hawak ako sa likod nya effect, nagkakamali kayo! Marunong kaya akong umangkas ng motor no! Aaminin Kong mabilis at matulin ang takbo namin at pansin Kong malayo na nga kami. Di ko na kasi kabisado ang lugar na tinatahak namin.

"San ba kasi tayo pupunta? E tatanan mo ba ako?"

'Screeetch'

"Ano ba yan Joseph! Bat ka pumepreno bigla? Para paraan ka rin no para mapayakap ako sayo? "

"Eh sinong di makakapreno kung yung kasama mo eh kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig. Tumahimik ka na lang Jan pwede?"

"Wow? Eh sinong Matinong tao ang tatahimik kung di nya naman alam kung saan siya dadalhin ng mga taong pangit huh? Aber? Kung tutuusin kidnapping na to eh."

"Kidnapping? Eh kusa ka namang sumama sa akin. "

"Che!! Eh kung di ka lang talaga brutal eh malamang di ako sumama sayo no!! Cge na mag drive ka na nga dyan ng makarating na tayo kung sang lupalop ng empyerno yang pupuntahan natin"

"Empyerno pala huh? Tignan lang natin kung di mo kakainin yang sinabi mo"

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko maganda kaat pina andar nyang muli ang motor nya'.

Nag hintay ako ng kasunod na ' joke lang sa sinabi niya'  pero wala talaga. Tahimik lang syang nag da-drive.

Alam Kong ang o.a pero di ko talaga mapigilang mamula ang mukha ko.

~~~

Alam Kong malayo na talaga kami dahil pansin Kong lubak lubak na ang daan na tinatahak namin. Ang nakakabwisit pa eh palagi na lang akong dumadaos dos sa pwesto ni Joseph . Kung bakit ba kasi Hindi plain tong upuan niya, nasisiksik tuloy ako sa kanya. Pinipilit ko talagang umusog sa medyo hulihang parte ng motor niya kapag feel ko na wala ng gap sa aming dalawa. Alam Kong napaka epic na ng mukha ko kapag may part na padausdos yung daan , di kasi ako makausog kaya nasisiksik talaga ako sa kanya . Para tuloy akong nakayakap sa kanya ngayon. Yung pabango niya, napakatapang pero mabango. Nakaka in-... INIS . tuloy. Sus akala nyo ano huh.  Wag nga kayong ano.  XD..

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now