"Che!!!" At isinarado na nga niya ang pinto ng kwarto.
' gosh!! May problema pa ako!! Naku naman to!! Ba't ba kasi yun ang nireply ko?! Argh!! Kainis!! Nakakawala ng pride! Baka ...., baka isipin nya na .... Na.... Nagseselos ako?? No!! No!nooooo!!!!'
Malapit na sanang maubos ang kuko ko sa kamay sa kakakagat ko (syempre joke lang) ng biglang nag vibrate muli ang cellphone ko.
Humiga ako patalikod habang tinabunan ko ng unan ang bibig ko . Actually kinagat ko na yung unan. Mabuti na yung handa ako sa mangyayari baka mapasigaw na naman ako dahil sa reply nung Josempaktong yun. Ayoko pang tumikim ng kakaibang martial arts mula Kay Jasmine no!
Unti - unti ko nang nilalapit sa mukha ko ang screen ng cp ko. Gosh!! Babasahin ko ba?? Kaloka to .. Eto na... In 3......
2.......
1.....
1 new message
From: Baklang asul
"Uy manang bukas nalang kita sisingilin sa libre mo may lakad ako ngayon!!!"
"AY LET---hmmmmmmm!"
Ay TAKTE!! MUNTIK NA AKONG MAPASIGAW DUN AH!!! Buti nalang talaga madali Kong naisubsob muli ang mukha ko sa unan!!
'Langhiyang Blue yun!! Kahit kailan talaga !! Napaka wrong timing!! Grabe! Ang hilig ko atang pumili ng mga kaibigang wrong timing ah!! Tsss.. '
'Bzzzzzt. Bzzzzt. Bzzzt'
Nag vibrate na naman ang mahiwagang cellphone ko.
'So this is it seLF !! Kaya natin to!! Laban!!!'
1 new message
From: J.Pangit
"Lumabas ka."
Huh?? A-ako lalabas?
B-bakit?
Wala naman sigurong mawawala pag lumabas ako di ba?
Edi lalabas.
"Oh? Anong masamang hanging ang nag tulak sayo para lumabas ka ng kwarto aber?"
"Sshhh!! Wag kang maingay Jasmine, may multo akong nakita dun sa kwarto kaya lumabas ako. Wag kang gumalaw! Baka masagi mo cya!"
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A TEXT
RomanceTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
IS IT A DATE?: PART 1
Start from the beginning
