Chapter 24: Feelings

6K 192 3
                                    

Natapos ang klase pero di pa din dumadating si Aleister. Hahanapin ko sana sya kaso narinig ko na magkasama sila ni Kristine kaya dumeretso na ako sa Dorm ko.
Nag ayos na ako at humiga sa kama, tumanganga at tumitig ako sa Kisame.

Ano ba to? Bakit ako naapektuhan? Kaibigan ko lang naman si Aleister diba? Grrrrr! Kaibigan? Kaibigan nga ba? O ginagawa niya ang responsibilidad niya sa akin?

Tumayo ako at binuksan ko ang bintana malapit sa kama ko. Pagkabukas ko ay sumalubong ang malakas na hangin na nanggaling sa garden.

Binaba ko ang tingin ko labas ng garden at nakita ko dun sina Kristine at Aleister.

"So, Confirmed. Magkasama nga sila." Bulong ko kasabay ng pagbuntong hininha

Nakita kong paalis na si Aleister ng bigla syang higitin ni Kristine at mabilis na hinalikan

Sa pagkabigla at agad kong sinara ang bintana at humiga sa kama para alisin sa isip ko ang nakita ko.

Aleister's Pov.

"Hoy. Mag usap nga tayo." Mataray na sabi sa akin ni Kristine

"Wala tayong dapat pag usapan. Umalis kana."

"Pag di tayo nag usap papatayin ko si Aurelia. Alam mo naman siguro sa ginawa ko kay Jenny diba?" Ngumisi siya

Napaharap ako sa kanya at tiningnan ko sya ng masama.

"Ano bang kailangan mo?!" Galit kong turan

"Ikaw" natawa siya.

Hinigit ko sya sa garden para dun kami mag usap.

"Oh. What now?" Seryoso kong tanong.

"Gusto kong maging akin ka." she sounds desperate.

"Paano kung di ako pumayag?"

"Edi papatayin ko si Aurelia."

Tatalikod na sana ako ng bigla nyang hihigitin at mabilis na hinalikan.

Agad ko naman syang tinulak.

"Ganyan ka ba talagang kadesperada?!" singhal ko sa kanya

"Paano kung sabihin kong oo?" Natawa na naman siya.

Humakbang na siya paalis at naiwan akong mag isa dito sa garden kaya umalis na din ako at nagpunta na sa dorm ko.

Aurelia's Pov.

Di ako makatulog dahil sa nakita ko, kahit anong gawin ko hindi ko rin iyon maalis sa aking isipan kaya lumabas muna ako sa dorm ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko sina Draven at si Bryan na nag uusap kaya nilapitan ko sila.

"Anong pinag uusapan nyo?" Singit ko sa kanila.

"Boys talk to ate." napatingin ako kay Draven

"Okay fine. di na ako mangingialam." Inirapan ko sila.

"Ate. Tabi tayo matulog." Sabi pa ni Draven

"Sige. Dun ka muna sa dorm ko."

"Ate ayoko. Dun sa dorm ni Bryan matulog para tabi tabi tayo."

"Ha?!" Nanlaki ang mga mata ko.

Natawa naman si Bryan. "Okay lang sakin yun. Sa amin kana matulog best"

May tiwala naman ako kay Bryan kaya pumayag ako. "Sige na nga. Intayin nyo nalang ako sa dorm nyo kukunin ko lang ang unan at kumot ko."

"Okay ate!" masiglang sabi ni Draven.

Bumalik ako sa dorm ko at kinuha ang unan at kumot ko. Pagkatapos ay lumabas na ako pero habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Aleister at nagtama ang mga mata namin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Kina Draven."

Napatingin naman siya sa mga dala ko. "Matutulog ka kasama sila?"

"Pake mo?" inirapan ko siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pumasok na ako sa dorm nina Bryan.

"Ate!" maligayang tawag sa akin ni Draven

"Dito ka daw sa gitna namin matutulog"

I sighed. "Oo na"

Inayos ko na ang unan at kumot ko at humiga na din sa kama at natulog.

Aleister's Pov.

Nasaktan ako sa sinabi ni Aurelia kanina na matutulog sya kasama sila.What the hell is happening to me? Umiling ako at naglakad na patungo sa dorm ko para makapagpahinga.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon