Chapter 10: First Training

9.1K 296 0
                                    

Kinabukasan, nalate na naman ako ng gising. Pero laking pasasalamat ko dahil hindi ako kinatok ni Aleister sa dorm. Nang makarating naman ako dito sa training room ay hindi na niya ako binungangaan.

"Umpisahan na natin." Yan ang sinabi niya pagkapasok ko.

Lumapit ako sa kanya at tinuruan na nya akong humawak ng espada, pero paranf ayaw matuto ng mga kamay ko. Wala ngayon si Bryan, dahil ayon kay Aleister. Tulog pa raw ito.

Nang matapos ang training ay dumeretso kami sa cafeteria para kumain.

"Ang weird. Ang dami nating ginawa kanina sa Training Room pero kahit konting pagod wala akong naramdaman." Sabi ko sa kasama ko habang patuloy na kumakain.

"Sadya yun. Isa yun sa mga kapangyarihan mo" bigla na namang sumulpot si Bryan.

"Oo nga pala. Diba ako ang Prinsesa? Diba dapat may kaharian ako?" Tanong ko.

"Oo. Meron nga." Si Aleister ang sumagot

"Sinong nakatira dun?" Tanong ko pa.

"Fita at tito mo. Pero bihira lang sila dun dahil binabantayan ka nila." Si Bryan naman ang sumagot.

Nagkibit balikat nalang ako.

"Tara na sa training room" yaya ni Aleister

"Teka. May klase pa tayo diba?" Tanong ko pa.

"Hindi na mahalaga yun. Magtraining kana muna."

"Oo nga naman. Nung nasa Mundo tayo ng mga tao tamad na tamad kang pumasok. Tapos dito. Ang sipag mo" natatawang sabi ni Bryan.

"Walang basagan ng Trip. Tsk." inirapan ko siya.

Nagpunta na kami sa training room at nag umpisa na ulit magtraining.

Napatingin ako sa Wrist Watch ko

"Hey! 9:55 pm na. Magpahinga na tayo. Nakakaramdam na din ako ng pagod!" Sigaw ko kay Aleister.

"Okay fine. Matulog kana" maikling sambit niya.

"Grabe. Di man lang ako ihahatid." bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Ano yun?" napatingin sa akin si Aleister.

"Ah. Ang sabi ko napakaGentleman mo!" Sigaw ko.

Umalis na ako sa training room, at agad nagtungo sa dorm ko. Naglinis muna ako ng katawan bagi pabagsak na humiga sa aking malambot na kama.

Someone's Pov

"Mahal na prinsesa"

Takot niyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong paligid. "Sino ka?!"

"Balang araw mapapasakin ka din at ang kapangyarihan mo." Napangisi ako

"Hindi ako papayag!" Sigaw niya habang inililibot pa rin ang kanyang paningin.

"Hindi ka papayag?! Kahit kapalit nun ang buhay ng sarili mong kapatid?"

Aurelia's Pov.

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong kumakatok sa pinto ng dorm ko. Panaginip lang pala iyon.

Tumayo ako kahit di pa ako nakakapag ayos at binuksan ang pinto.

"Oh. Bryan. Bakit ka nandito?" kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.

"Narinig kitang sumigaw. May nangyari ba?" nag aalala niyang tanong.

Umiling ako. "Wala. Binangungot lang ako"

"You sure?"

"Yeah. Oh sige na. Pumunta kana sa dorm mo at magpahinga."

Umalis na sya at sinara ko na ang pinto.

"Ang lalakas talaga ng pandinig nila." bulong ko pa sa sarili ko.

Humiga ako sa kama ko at tinitigan ang Kisame.

May meaning kaya yung panaginip ko? Argh! Ayoko na ng ganito! Nagpagulong gulong ako sa kama.

Ayon sa schedule ko, today is our PE. Kaya naman PE uniform ko ang sinuot ko ngayon.

Dumeretso na ako sa classroom. Dahil nabanggit ni Aleister na wala kaming Training ngayon. Nakita ko sa room si Bryan.

"Oh. Best. Ang aga mo ata. Kumain kana ba?"

"Hindi pa. Wala akong gana"

As usual. Narinig ko na naman ang chismisan ng mga kaklase ko tungkol sa akin. Pero di ko nalang yun pinansin.
Napatingin ako sa pumasok sa pinto at nakita ko si Aleister na nanghihina. Dumeretso sya sa upuan ko at umupo sa sahig.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.

Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko.

"Mag iingat ka. Aurelia." Bulong ni Aleister sa akin, napataas ako ng kilay hanggang sa bigla nalang siyang nawalan ng malay sa tabi. I panicked, mabuti nalang ay agad itong napansin ni Bryan kaya tinulungan niya akong buhatin si Aleister papunta sa clinic.

"Ano kayang nangyari dun?" tanong ko sa katabi kong si Bryan.

"May binulong sya kanina sayo diba? Anong sabi nya?"

"Mag iingat daw ako."

"Ngek. Natural lang naman na mag ingat ka noh. Ikaw kaya ang Prinsesa. Yaan mo na yun baka napagod lang yun ng sobra kaya nahimatay."

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon