Chapter 7: Red Eyes

10.4K 319 2
                                    

Pagkagising ko ay nagbihis ako ng uniform at lumabas.

Habang naglalakad ako sa hallway at napansin kong pinagtitinginan ako.

Nakita ko si Bryan at Aleister na palapit sa akin.

"Best!! Nagustuhan mo ba yung Dorm mo?" Bungad niyang tanong sa akin. Tinanguhan ko lang siya.

Narinig ko ang mga bulungan nila.

"Sino yan? Transferee?"

"Siguro. Haha. Mukhang mahina."

"Kabago bago palang. Lumalandi na agad. Kaibigan agad nya si Bryan at si Aleister my Loves."

"Oo nga!"

Napatingin si Bryan sa akin.
"Best, Kahit dito lang. Wag ka munang gumawa ng gulo"

Ngumiti ako at lumapit sa dalawang babae.

"Bago kayo manghusga sakin kilalanin nyo muna kung sino ako." Nang aasar akong ngumiti sa kanila.

"Bakit?! Sino ka ba?!" Mataray pang tanong ng isa.

"Sino ako? Ako si Aurelia Adams." Natawa ako sa expression nila

"Aurelia? Yung Legendary Princess?"

"Oo. Ako nga."

"Eh ano naman kung ikaw ang Prinsesa?! Di porket ikaw ang Prinsesa ay magtatapang tapangan kana!" Ramdam ko na ang takot niya, pero nakakabilib dahil nagawa pa rin niyang magtapang.

Napansin kong natulala sila sa akin at bigla silang sumigaw at tumakbo palayo sa akin.

"Ha? Anong nangyari dun?" Lito kong tanong

Humarap ako sa kanila. Napatulala sila sa akin.

"Huy! Anong meron?" Kumunot ang noo ko.

"Yung mga mata mo. Kulay red?" nagtatakang sambit ni Bryan

"Ha?"

Iniharap sa akin ni Aleister ang isang salamin at nakita ko ang mata ko na kulay pula.

"Waahhh! Ano to?!" I panicked.

"Natural lang yan dahil ikaw ang Prinsesa. Nagbabago bago ang kulay ng mga mata mo depende sa mood mo" paliwanag ni Aleister.

"Ha? Di naman ako ganito dati ah!"

"Yun ay dahil habang tumatanda ka ay palakas ng palakas ang kapangyarihan mo. Pagsapit ng iyong ika 18 na kaarawan. Lalakas pa lalo yan. At makakaramdam ka din ng matinding pananakit sa Birthmark mo."

"Paano babalik sa dati ang kulay ng mga mata ko?"

"Maya maya lang at babalik na yan." Kibit balikat na sambit ni Aleister.

"Okay. Tama na ang daldal. Kumain na tayo. Gutom na ako." singit ni Bryan.

Naglakad na kami papunta sa Cafeteria. Umorder na kami at kumain.

Pagkatapos namin kumain ay nag iikot ikot kami. Nung nakaramdam kami ng pagod. Pumunta na kami sa classroom namin.

Pagkabukas namin ng pinto. Sumalubong agad sa amin ang malakas na sigaw ng teacher.

"Bryan at Aleister!! Late na naman kayo!" mukhang galit na galit ang teacher.

Nung nakita ako nung teacher ay agad syang ngumiti.

"Di nyo naman sinabi na kasama nyo pala ang Prinsesa." nagbago bigla ang mood niya.

Nagulat ang iba naming mga kaklase pero di ko nalang sila pinansin at pumasok na sa loob.

"Mahal na Prinsesa. Umupo kana lang kung saan mo gusto." Sabi pa ng guro.

Nakita kong walang nakaupo sa gitna nina Bryan at Aleister kaya dun na ako umupo.

Nagsimula ng magturo ang Teacher. Ako naman ay nirest ko sa Table ang ulo ko. Nung nakaramdam na ako ng antok ay bigla akong hinampas ni Aleister ng libro sa ulo.

"Aray." daing ko kasabay ng paghawak ko sa ulo ko.

Humarap naman sya sa harapan para makinig sa Teacher.

"Tsk. Di mo ba alam na inaantok pa ako?" Inirapan ko siya.

"Di mo din ba alam na di ang tamang lugar para tulugan?" Nang aasar pang tanong ni Aleister.

Inismiran ko lang siya.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon