Chapter 4: The Note

12.2K 357 0
                                    

Kinabukasan.

Pagkagising ko ay tumayo na ako para nag ayos. Nung natapos ako dumeretso agad ako sa garage para kunin ang sports car ko. Sumakay na ako at pinaandar ng mabilis.
Nung nasa parking lot na ako ng Academy. Narinig ko ang mga taong pinag uusapan ako pero hindi ko nalang sila pinansin. Lumabas ako ng car ko at naglakad na papunta sa classroom namin.

Binuksan ko ang pinto at umupo na ako sa upuan ko.
Napatingin ako sa upuan ni Bryan.

"Wala pa sya." Bulong ko sa sarili ko.

"Obvious ba?"

Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko syang nakatayo sa harap ng upuan. Nakapamulsa at bahagyang nakabukas ang kanyang polo.

"Wag ka ngang makialam." Pagsusungit ko.

Umupo na sya sa upuan nya. Nanatili pa rin akong nakatayo. Ipinatong nya sa Table nya ang kamay nya at nakita ko ang bendang nasa Wrist nya.

Napaupo ako at naalala yung nangyari sa panaginip ko.

"Nagkataon lang siguro." Bulong ko pa

Kinuha ko sa bag ko ang isang sketch pad at pencil at nagsimulang magdrawing.

Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang sa classroom. Nakita ko si Bryan.

"Wow. Ang aga mo ah!"

Kumunot lang ang noo ko at umupo na sya sa upuan nya.
Dumating na rin ang teacher at nagturo.

Break.

Nakaramdam ako ng pananakit sa balikat ko na para bang tinutusok ng maraming karayom. Nagpunta ako sa Cr para tingnan ito at nakita ko ang birthmark ko.
Mukha itong pangil na may korona sa itaas.
Maya maya ay nakaramdam ako ng uhaw.

Pumunta ako sa water dispenser na nasa cafeteria at uminom.
Nung naubos ko yung tubig sa baso. Hindi pa rin napawi yung uhaw ko.

Nakita ko si Bryan na palapit sa akin.

"Best! Kain tayo!" Magiliw niyang pag aaya sa akin.

Umiling ako "Mamaya na."

Naglakad na ako palabas ng cafeteria at pumunta na sa classroom.
Napatingin ako sa table ko. Nakita ko na may metal na lalagyan ng tubig dun. May notes na nakalagay.

"Apple Juice. For you"

Binuksan ko ang Lalagyan at inamoy. Iba ang amoy nito sa apple juice. Natakam ako ng naamoy ko ito kaya naman nilaklak ko na.

Nung naubos ko na ay nakita kong nahulog yung lencil ko sa sahig.
Kaya pinatong ko yung lalagyan sa table ko at umupo para kunin ang pencil.
Nung tumayo ako at nakita kong wala na dun yung lalagyan. Nilibot ang paningin ko pero nasa labas lahat ng kaklase ko.
Binalewala ko nalang yun at nag punta na sa rooftop.
Pag akyat ko at sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Nakita ko si Aleister dun at pinagmamasdan ang view sa ibaba. Bahagyang ginugulo ang buhok nya ng malakas na hangin

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Nagpapahangin. Bakit? Masama?" Inismiran ko siya.

Di ko na sya sinagot at umupo na sa favorite spot ko.
Napatingin ako sa kanya.

"Who are you?" Tanong ko sa kanya.

"Aleister Harrison." Inirapan ko siya.

"Idiot."

Tumawa sya at humarap sa akin.

"Kung gusto mo talaga malaman kung sino ako. Edi alamin mo." sabi pa niya kasabay nt weirdo niyang pag ngiti

Naglakad na sya pababa ng rooftop. Ako naman nakaupo pa rin dito.

Di ko namalayan na nakaidlip pala ako.
Ginising ako ni Bryan.

"Hey. 6:55 pm na. Wala ka pang balak umuwi?"

Humikab ako at nag unat.

"Palagi ka nalang dito natutulog. Ano bang nangyayari sayo?" nakakunot na ang noo niya.

"Nothing. Bored lang talaga ako".

Tumayo na ako at nagpunta na papunta sa parking lot. Sumakay na ako sa car ko para umuwi.

Pinark ko na yung car sa garage.
Nung nasa front door ako ng bahay namin may narinig akong kausap ni Mom and Dad.

"Nalalapit na ang itinakdang panahon"

Nung marinig ko yun ay agad akong nagtago sa likod ng mga halaman. At sakto naman may lumabas na dalawang lalaki na mula sa bahay.

Sinundan ko sila ng tingin. Nung makasigurado ako na wala na sila ay pumasok ako sa loob ng Bahay. Nakita ko si Mom na umiiyak sa sofa.

"Mom? What happened? Sino yung mga lalaking yun?"

"Oh. It's nothing. Nagugutom ka ba? Ipaghahanda na kita." Pasimple niyang pinunasan ang luha niya.

Umakyat na ako sa kama ko at patalon na humiga.

"Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na ako" bulong ko sa sarilu ko habang pinagmamasdan ang kisame

Maya maya ay tinawag na ako ni Mom para kumain. Pagkatapos ay naligo na ako at natulog.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon