Chapter 15: Dream

7.6K 238 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin dumeretso agad kami ni Bryan sa dorm ni Aurelia para mangamusta.

Aurelia's Pov.

"Aray. Ang sakit ng ulo ko. Ang sama pa ng panaginip ko." Daing ko

May kumatok sa pinto kaya naman tumayo ako para pagbuksan sila.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Pangangamusta ni Bryan

"Ha? Okay naman. Bakit? May nangyari ba?" Nagtataka kong tanong

"Naging apoy ka lang naman kanina at muntik mo ng gawing abo yung kaaway mo kanina." Si Aleister ang sumagot

Nanlaki ang mga mata ko. "What?! So. Di pala panaginip yun?! Pero paano ko nagawa yun?"

"Malay ko sayo." Nagkibit balikat si Aleister.

"Sigurado ka bang okay kana?" Tanong pa ni Bryan

"Oo. Pero kung nangyari nga yun. Bakit nakapantulog pa rin ako?" Kumunot ang noo ko.

"Nasunog kasi yung damit mo kanina" kumamot siya ng ulo.

"Ano?!" Hinawakan ko ang suot ko.

"Wala kaming nakita. Wag kang mag alala" umiling iling pa si Bryan

"Bakit nakadamit ako? Sino nag bihis sa akin?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Si Alice." Simpleng saad ni Aleister

"Alice? Sino yun?"

"Kaklase natin yun. Di mo kilala?" Di makapaniwalang tanong ni Bryan

"Magtatanong ba ako kung kilala ko?" inirapan ko siya.

"Sige na. Magpahinga kana ulit." sabi pa ni Aleister

"Kakagising ko lang. Pagpapahingahin mo ako agad? Lupit mo naman"

"Sundin mo nalang sya." natawa si Bryan

"Sige na nga. Umalis na kayo"

"Babye." sabi pa ni Bryan kasabay ng pagkaway niya.

Pagkaalis nila ay bumalik ako sa kama at nagtalukbong ng kumot, muli akong nakaramdam ng antok kaya naman natulog ako ulit.

Teka, Asan ako? Bakit puro alikabok at usok ang nakikita ko? - Ako.

Naglakad lakad ako. At nakita ako ng Patay. Maraming Patay!

Oh my gosh! What the hell is this?!
May lumapit na matanda sa akin.

"Ganyan ang mangyayari kapag hindi ka pa naghanda"

Tumingin ako right side ko at nakita ko dun si Aleister at Bryan na duguan.

Napatakip ako ng bibig at humikbi.

Napabangon ako ng bigla sa kama ko, pinagpapawisan ako at nanlalamig. Panaginip lang. Thanks God.

Pumunta ako sa Cr at naligo.
Pagkatapos ko ay lumabas ako ng dorm ko at naglibot libot sa garden.
Tumingin ako sa wrist watch ko. 11:56pm na.

"Grabe. Nakakatakot yung panaginip ko. Parang ayoko na ulit matulog. Kahit naman masama ang ugali ni Aleister di ko naman gusto na mamatay sya no." bulong ko sa hangin.

"Ano yun? Masama ugali ko?" nagulat ako sa nagsalita.

"Shocks! Ginulat mo ako!" Napahawak ako sa dibdib ko.

"Bakit ka ba kasi nandito? Diba sinabi ko sayong wag kang lalabas ng Mag isa?" tanong pa ni Aleister.

"Ang boring kasi sa dorm ko kaya lumabas muna ako." Palusot ko.

He sighed. "Pasaway ka talaga."

"Sige na. Pumasok kana sa loob. Mag iikot ikot muna ako dito" sabi ko sa kanya.

"Kailangan kitang bantayan. Ikaw ang Prinsesa at malaking problema kapag napahamak ka."

"Ikaw din naman ang prinsipe ng Benis diba?"

"Oo. Pero inutos ng mga magulang ko na protektahan ka."

"Ahh"

"Bakit?"

Umiling ako. "Wala"

Umalis na ako at naglibot libot. Pero sumunod lang sya sa akin.

May nakita akong puno kaya umakyat ako sa sanga nun at umupo. Pinagmasdan ko lang ang view sa ibaba.

"Alam mo Aurelia. Mabait ka naman eh. Masungit ka lang talaga" sabi pa niya.

"Ano?"

"Magpakabait ka, sabi ko."

"Tss. Sinundan mo ba ako para sermonan? kainis ka. Pumasok kana lang sa loob kung ganyan ka." inirapan ko siya.

"Anong masama sa sinabi ko?" Kumunot ang noo niya.

"Che! Panget mo!"

Umalis na sya at pumasok na sa loob.

"Daming sinabi, atleasr maganda ako" natawa ako.

Pumasok na din ako sa loob at dumeretso na sa dorm ko.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon