Getting to know! Chapter 11

Magsimula sa umpisa
                                    

Eto na ba yung stage na tinatawag nilang “Getting to know”?

 

Andrea’s POV

 

Sa totoo lang ang dami kong gagawin ngayon, pero kahit na ganun, eto pa rin ako, kachat si Clarice, somehow natutuwa ako sa kanya, kasi dati usually ako yung nagtatanong ng nagtatanong tapos yung ibang mga kausap ko, sumasagot lang. Siya naman, nagtatanong din siya, yung conversation namin… its like give and take.

 

From: Clarice

Ikaw ano bang height mo?pinagpala ka din bang tulad ko? :)

 

(Bakit kelangan pa nyang magtanong ng height ko? Nalungkot tuloy ako bigla. Kasi naman maliit lang ako, pangarap kong tumangkad pero, eto ako bansot!)

 

3 kaming magkakapatid, panganay ako, yung pangalawa lalaki, 3rdyr college, yung bunso naman babae, 1st year college... ikaw ilan kayong magkakapatid at pangilan ka?

 

Bigla akong napaisip kung ano nga bang kinatatakutan ko, hmmmm… yung mga horror or nakakatakot na palabas, ok lang sa kin, hindi kasi ako matatakutin sa dilim or ghost? Ewan ko kung bakit, basta chill lang ako sa mga ganung movie. Pero... natatakot akong maiwang magisa, natatakot akong malungkot. Nasubukan ko ng maiwan at malungkot dahil dun, kaya ayoko ng maulit pa yun.

 

Kung titignan mo, parang ang simple lang nung kinatatakutan niya, pero kung iisiping mabuti, at kung iintindihin ko yung sinabi niya, para siyang may pinagdaanan siya na isang malungkot na pangyayari sa buhay niya. Naramdaman ko yung pain na dala niya.

To: Clarice

Sa kasamaang pala, isa ako s mga pinagkaitan ng height XD Pero maswerte n akong umabot ng 5 feet flat.

 

(Nalungkot akong aminin yung height ko, hehe, kasi naman gusto ko talagang maging matangkad, kaso wala eh. Buti pa xa umabot ng 5’ 6”, nainggit ako bigla.)

 

Wow. So ang kaedad ko ay ang kapatid mong lalaki.  Apat kami and pangalawa ako.:) 4th year yung sunod sakin na lalaki at yung bunso namin na lalaki din 1st yr hs. ang ate ko grumaduate na last april :)

 

(Hindi talaga ako sanay magkwento, I mean na ako ang iniinterview, ngayon lang ata nangyari to sa taong hindi ko kilala.)

 

Lol. Ang weird ng fear mo. Baka kung ikaw ako baka magbreakdown ka XD kidding. Alam mo madaming perks pag mag-isa ka. ang daming privacy. Yun lang nakakalungkot nga din minsan :D

 

Ano naman mga gsto mo? Mahilig ka ba sa sweets?

 

Pagkasend na pagkasend ko ng message ko. Napansin kong may message na din xa agad.

From: Clarice

I have to go now, if you want, text mo na lang ako, eto number ko, 0917*******.

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon