Getting to know! Chapter 11

Start from the beginning
                                    

From: Excel

Actually people with dimples are really attractive, pero weird lang, kahit natutuwa ako sa mga dimples, hindi pa ko nagkakagusto sa isang tao nang dahil dun . ikaw ba? mas gusto mo ba pag may dimples o wala?

 

(So hindi naman pala mahalaga sa kanya yung may dimples, haha, kasi ako walang dimples. So pwede siyang magkagusto sa kin? :) Libre naman mangarap diba? Kaya nga sinusulit sulit ko na eh.)

 

Yep :) haha. medyo malaki ang cheekbones ko. Kaya protruding ang cheeks ko. baka sobrang naenhance lang sa picture dahil sa ilaw. :)

 

Natutuwa ako sa mga taong protruding yung cheeks, ang cute cute kasi nila, yung anytime ang sarap kurutin, tapos kapag stress ako ang sarap panggigilan yung taong malaki yung cheeks! Naiisip ko pa lang natutuwa na ako! Haha. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko minsan!

To: Excel

It doesnt matter kung may dimples o wala yung isang tao, basta kapag gusto ko, gusto ko...hehe, based sa physical appearance ng isang tao, walang definite type ng isang feature ng isang tao ang gusto ko. Ang mahalaga naman yung nararamdaman, hindi yung nakikita.

 

Oo nga kitang kita nga yung cheeks mo! :)

 

Ganun naman talaga diba? Kapag nagmahal ka, or nagkagusto ka sa isang tao, dapat plus points na lang yung physical appearance, ang mahalaga is yung deeper side ng isang tao.

Kasi kung sa physical appearance lang ako magbebase, I guess magiging mababaw yung feeling na meron ako.

From: Excel

Okay sabi ko nga. XD nacurious ako bigla. Gaano ka katangkad? :)

 

Seryoso ba tong nababasa ko? Na-curious siya sa kin! Bigla bumalis yun tibok ng puso ko. Napakasimpleng bagay pero bakit ako natutuwa ng ganito? Ang tanong kong paulit-ulit, na sa tingin ko hindi ko agad makukuha ang sagot.

To: Excel

Ako I think nasa 5'6 ako, but I’m not that sure... Why you suddenly asked?

 

Tanong ko lang, ano yung mga bagay na kinakatakutan ko? Random things na gusto ko lang itanong. :)

 

Gusto kong malaman bakit niya yun naitanong, kahit na nasabi na niya nan a-curious lang siya! Ang weird ko talaga. -_____-

From: Excel

Parang ang liit kasi ng ex mo sa picture. Now I know why, ang tangkad mo pala. Pinagpala ka.haha XD

 

Ilan kayong magkakapatid? tsaka kung may kapatid ka pang-ilan ka? :)

 

Ako, honestly ayoko sa mga nakakatakot na bagay, ikaw? anong mga ayaw mo? :D

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now