Chapter 16: Infinitely

Start from the beginning
                                    

"Dapat pala nag-tingin din ako ng mga pictures mo noong bata ka when I stalked you last night." She added. Napangisi ako sa sinabi niya. She stalked me. Wow.

"I mean!" Gulat din siyang napatingin sa akin nang marealized ang sinabi niya, "Aksidente ko kasing na-click yung account mo so—STOP GRINNING!"

Humalakhak ako at inakbayan siya. Sabay naming pinagmasdan ang mga pictures ko noon. Well, actually, I'm not really looking at the photos. I'm staring at Savanna because she's a nicer view than my old pictures. And I love her reaction everytime she tells me I'm so, so cute.

"Alam ko 'to!" She laughed and showed me the photo. I was forced to look at it dahil hinawi niya ang mukha ko. It was a photo I shared way back.

Uso kasi noon yung mga FLAMES at kung anu-ano pang ways para umasa ka na may pag-asa kayo ng crush mo. Yes, I tried flames too but that's not important.

Sa picture na 'yon ay iyong isang technique na nagsasabing kapag pinagdaop mo ng isang beses ang kamay mo tapos nagtama ang ang linya ng mga palad mo, destiny daw kayo ng crush mo. I'm not really believing that but I shared the photo anyway.

"Ginawa ko 'yan dati. I'm going to try it again." Sav chirped and gave me my phone. Bago ko pa siya mapigilan ay pumikit na siya at nilayo ang magkabilang kamay niya. I watched her as she clasped her hands strongly.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at binuksan ang isang mata habang unti-unting ibinubuka ang nagkadaop na palad. Bumungisngis siya nang makitang magkatapat ang linya ng magkabilang palad. She showed and to me, "See? We're destined!"

We're?

"I mean!" She immediately said, "Me and my crush are destined to be together."

Tumipa ako ng sasabihin at pinakita sa kanya.

Cryd: Sino ba yang crush mo? Me or Dwight?

"What?" She snorted, "Bakit nasama ka sa choices?"

Ngumuso ako.

Cryd: But I'm your first crush :<

Namula ang pisngi niya nang mabasa iyon. She slightly punched my arms, "Kalimutan mo na 'yan!"

I laughed and caught her wrist before shaking my head, "No...way..."

Pinanlisikan niya ako ng tingin, "Lagi mo akong aasarin eh!"

I sticked my tongue out and she just rolled her eyes, "I had a crush on you, okay? Pero dati pa 'yon! It doesn't matter now."

Cryd: It matters to me.

"Past na nga." Giit niya pa rin. Natatawa nanaman ako sa kacute-an niya. I'd never get tired appreciating her cuteness.

Cryd: Your past can also be your present and future, Miss Esquivel.

Her cheeks flushed pero sinubukan niyang mag-sungit. Humalukipkip pa siya at tinaasan ako ng kilay, "And you mean by that?"

Cryd: Well, I was saying is, hindi naman imposible na bumalik ka sa past mo. Like, you could have a crush on me again or you're probably crushing on me, right now. You're jealous of Lady Kiana and you stalked me. You literally chose me over Dwight earlier tonight. Then you let me in your room.

I even winked at her. Mas lalo lang siyang namula, "Cryd!" Hinampas niya ulit ako sa braso. Namumula na 'yon panigurado, sa dami na ng paghampas niya. I chuckled.

Cryd: Am I right, Angel?

I smiled cockily. She slammed her fist on my arm, "You're so full of yourself, Mr. Constantine!"

I Heard YouWhere stories live. Discover now