CHAPTER 2: THE NEW DETECTIVE?

Start from the beginning
                                    

"Well you look handsome today kaya akala ko nagbago ka ng hairstyle. Long time no see nga pala BRO!" he said na mas lalong ikinagulat ko. BRO? Aba! Saan naman ito natuto ng ganoon?

Bumaling ako ng tingin kay Gray. "Tell me, is this his new year's resolution? An overall make over?"

Napaisip naman sandali si Gray. "I have a different thought. I guess it's a hangover from the previous holidays and events."

"I'll agree on that."

"Please stop talking about me on my front. Not that I like it if you do it on my back," wika nito. "How about a logic question from me?"

"Go ahead. I guess that's included in your total make over," wika ko sa kanya. He smiled widely at tumikhim.

"Here it is. May tatay, nanay at anak. They're in a boat. As they sailed, the father sang a song pero nahulog siya kaya kumanta ang nanay para sa kanya. Nang kumanta ang nanay ay ito naman ang nahulog kaya kumanta ang anak. Nang ang anak naman ang kumanta ay ito naman ang nahulog. The question is: SINO ANG KUMANTA SA ANAK?"

"None. Wala ng natira sa bangka," sagot ni Gray.

"No."

"Uh, ang bangka?" I asked and I received deadly glares from both of them.

"Kailan pa natutong kumanta ang bangka?!" wika ni Gray. Sorry na! Malay ko ba!

"You're so stupid Amber!" Jeremy said at siya naman ang binigyan ko ng matalim na tingin.

"Shoot Jeremy."

"Hindi ninyo talaga alam?" he asked again and Gray and I both shrugged our shoulders.

"The answer is FREDDIE AGUILAR! Siya ang kumanta ng anak! Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng mga magulang mo at ang kamay nila'y iyong ilaw! Teneneneneng! Teneneneneng! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" he laughed so hard hanggang sa napaubo ito.

Uh, I should have known! His puns will never change! Oh Jeremy! My poor Jeremy. Tsk!

Hindi na kami muling nag-usap pa dahil dumating na si Ma'am Mendez and just as I expected, pinasulat kami ng essay about our most precious moment during our christmas break.
Well my precious moment? Maliban sa nakasama ko sina Mommy at Daddy ay noong nagdate kami. Marahil ay wala iyong kahulugan kay Gray but for me it's a precious moment kahit pa isang friendly date lamang iyon.

I wrote everything in my essay maging ang tungkol sa date namin ni Gray ngunit syempre ay hindi ko inilagay ang pangalan niya! There's no way I'll be naming him! Nilagay ko lang doon kung ano ang nangyari. Nagulat na lang ako nang bigla na lang kinuha ni Jeremy ang papel ko at binasa iyon ng malakas.

"It's a precious moment when you spend time with someone in an unimaginable setting, a crime scene and in a —"

"Akin na!" I shrieked at agad kong hinila ang papel bago pa niya mabasa lahat iyon! Aaaaargh! Makakapatay ako! Ayoko pa naman dahil pwede na akong makulong! Sinulyapan ko si Gray na napatigil sa pagsusulat at napatingin sa aming dalawa ni Jeremy.

"Mind your own paper okay!" wika ko at inirapan ito. I'm sure Gray heard it! Ang lakas kaya ng boses ni Jeremy at isa pa ay tenga ng detective ang meron kay Gray! He can hear even a whisper! Aaaaaaargh! Ipa-ambush ko kaya si Jeremy?

Buong umaga ako nainis kay Jeremy. He keeps on pissing me by asking what happened in that crime scene. Ikuwento ko kaya yung luminol at chemiluminescence sa kanya at nang tumahimik?! Duh!

Wala masyadong pasok sa hapon dahil mukhang hindi pa nakaka-get over mula sa christmas break maging ang mga guro.

"Where's that weird?" Gray asked at inilibot ang paningin sa classroom. Galing kami ng cafeteria at bumili ng meryenda. I bought some pizza slice and a coke in can.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now