34

27.5K 593 17
                                    

Malungkot na bumangon si Kiara sa higaan. Panibago nanamang araw ang haharapin nya nang mag-isa na puno ng lungkot. Mag dadalawang buwan na sya sa dito sa davao.

Ang akala ng kanyang ina at mga magulang ni Aaron ay aalis sya ng bansa. Ngunit mas ninais nyang mapaglagi nalang sa pilipinas. And speaking of Aaron ay hangang ngayon ay wala pa syang ngiging balita dito.

Lumabas ng bahay si Kiara upang bumuli ng makakain. Sa araw-araw ay ganto ang kanyang ginagawa. Gigising, lalabas upang mag-almusal, babalik sa bahay at magmumokmok, magluluto, kakain at matutulog. Nung mga unang lingo nya ay may kasama pang iyak ang kanyang routine. Ngunit ngayon ay naubos na ata ang kanyang luha.

"Forget Kiara, move-on!" bulong nya sa kanyang sarili bago sya lumabas ng bahay. She want to move on and she think she should start it now. Kaya naman pinilit nyang pagaanin ang kanyang pakiramdam bago tuluyang pumunta sa paborito nyang kainan.

Habang kumakain ay masaya nyang pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Ngunit nagulat sya ng may isang babae na nagmamadaling umupo sa kanyang harapan. Muka itong may tinataguan na kung sino.

"Miss can I sit here for a while? May sumusunod kasi saking siraulong lalaki."

Mukang iritang-irita ito sa sinumang tinutukoy nitong lalaki. Kaya bilang tugon ay matamis nya itong nginitian.

It was weird na kahit estranghero ito ay hindi sya nakadama ng anumamg pangamba, nakakatuwa pa ngang pagmasdan ang muka nitong palinga linga habang maybalabal.

Ilang minuto pa ay nagsalita na ulit ito.

"Hay! Buti nalang umalis sa sya." Nakatingin ito sa kanyang likudan. Out of curiosity ay tinignan nya ang lalaking tinutukoy nito. Nakatalikod ang lalaki habang palinga linga na parang may hinahanap.

She can tell na maganda ang pangangatawan ng lalaki matangkad din ito and maybe handsome like Aaron.

"Ahem!" narinig nyang pekeng ubo ng babae sa kanyang harap.

Nakakunot ang noo nitong naktingin sakanya.

"You like him?" nahimigan nya ang selos sa tono nito na kanyang ikinatawa. Dahil dito ay mas nakita nyang kumunot ang noo ng bababae.

"No I don't! Silly. But-" sinandya nyang bitinin ang sasabihin upang makita ang reaksyon nito.

Nakita nyang umangat ang kilay ng babae na mas ikinagaganda nito.

"But?"

"His a good catch. Bagay kayo." Nakita nyang namula ang pisngi nito at nag-iwas ng tingin. Aliw na aliw naman sya sa pinakitang reaksyon ng babae. Halata dito na may gusto ito sa lalaking pinag tataguan.

"I'm Azalea, Zea for short." Pakilala nito sakanya pagkatapos maitago ang pamumula ng mukha.

"I'm Kiara." Tinangap nya ang palad ng dalaga upang makipag kamay.

Masaya syang nakipag kwentuhan dito ng kung anu-ano. Nalaman nya din na ang pangalan ng lalaking tinataguan nito ay Ravin.

"Ang gwapo ng name ah." Pang aalaska nya sa dalaga. Kahit konting oras nya palang itong nakikilala ay magaan na ang loob nila sa isat-isa. Para kasi itong asawang nagseselos kada pupurihin nya ang lalaki.

"Yeah, pogi sya pero siraulo."

"Kanina mo pa sinasabi yan. What makes you think na siraulo sya?"

"Dahil nasa lahi nila yon."

"Ang weird mo."

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang may lalaking nag salita.

"Finally nakita nadin kita girlfriend ko."

Iritado namang nakatingin si Zea sa lalaking tumawag dito. Pero hindi nakalampas sa kanyang paningin ang bahagyang pag kislap ng mata ng dalaga ng tawagin sya ng lalaking girlfriend ko.

"Pakipot"

sa isip-isip nya habang nakangiti.

And out of curiosity ay tinignan nya ang muka ng nag mamay-ari ng boses na iyon. And when she look at him ay napagtanto nyang tama si Zea, siraulo nga ito at nasa lahi. Cause the man standing behind her is no other than Ravin, One of Aaron's cousin.







_______________________

A/N

Pasensya na po sa napakatagal na update. Sobrang busy lang talaga. And until now po busy parin ako. :'(

Lockheart Series 2 - The Heartless ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon