29

25.8K 546 38
                                    

Disappointed na umalis si Kiara sa opisina ni Aaron pag katapos malaman mula sa secretarya nito na wala parin ang lalaki. Ilang araw na rin syang nagpapabalik balik sa opisina at condo ng binata upang makausap ito ngunit lagi nalang wala.

Sinubukan nya na ding kontakin ito sa telepono ngunit parang nag-iba na nito ng numero.

Kaya naman papunta sya ngayon sa bahay ng mga magulang nito. Inaasam nya na sana ay maubutan nya doon si Aaron. O kung hindi man ay masabi ng mga ito kung saan nya makikita ang binata.

Ngunit gaya ng mga nakaraang araw ay bigo parin syang makita ito.

At kahit anong impormasyon tungkol sa kinaroroonan nito ay wala syang nalaman.

"Aaron, nasan ka na ba?" kausap nya sa sarili. Kasalukuyan syang nakaupo sa isang parke. Pilit man nyang labanan ay nakakaramdam parin sya ng matinding kirot sa tuwing iisiping sya ang dahilan ng biglang pagkawala nito.

"Ang unfair unfair mo naman. Kala mo ba ikaw lang yung nasasaktan? Nasasaktan din naman ako ah. Nahihirapan din ako sa sitwasyon natin. Mahal na mahal kita. Pero mahal ko din si Mama." Hindi nya alintana ang pamamasa ng kanyang mukha.

Patuloy lang sya sa pag-iyak at hindi na nya namalayan ang oras. Napansin nya lang ito ng makatangap ng tawag mula sa kaibigan. Nakikipag kita ito dahil labis na nya itong napag aalala. Kaya naman napag pasyahan nalang nilang magkita sa isang restaurant.

Ng makarating sa lugar aya agad syang humanap ng pwesto. Sya ang nauna kaya't makakapamili sya ng tagong lugar kung saan alam nyang malaya silang makakapag usap na dalawa.

Nang akmang uupo na sya ay nakita nya ang isang pares sa di kalayuan na mainit na naghahalikan. Iiiwas na nya sana ang paningin ngunit napansin nyang pamilyar ang lalaki.

"No this can't be!" bulong nya sa sarili habang pilit na sinisilip ang muka ng lalaki. Nakatagilid kasi ito sakanya habang nakikipag halikan sa kasama.

Lumapit pa sya ng konti sa pwesto ng mga ito upang mas maaninag pa ang lalaki. Hindi naman sya napapansin ng mga ito dahil parehong abala sa kanilang ginagawa.

At nang maghiwalay ang labi ng dalawa ay malaya nyang napagmasdan ang kabuuan ng mukha ng binata.

Nakangiti ito matamang nakatitig sa babaeng kaharap. Dahil dito ay hindi nya napagilan ang matawa ng mapakla.

Nakakaloko lang, iniiyakan nya ang lalaking masaya naman pala sa piling ng iba.

Napansin marahil nito ang kanyang pagtitig kaya naman humarap ito sa kanyang direksyon. Iiiwas nya sana ang tingin ngunit parang may sariling buhay ang mga mata nya at sinalubong nito ang titig ng binata.

Nakita nya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng muka nito. Kung kanina ay masaya iyon, bigla nalang itong nawalan ng buhay pagkakita sakanya. Parang ipinapadama nito na isa syang tanawing hindi kaaya aya na ayaw nitong makita.

"Babe lets go." Dinig nyang sabi ni Aaron sa kasama.

Gusto nyang pigilan ang mga ito, gusto nyang agawin ang lalaki mula sa babaeng kasama. Pero nang umalis ang dalawa ay wala syang ginawa. Tinignan nya lang ang mga itong lumakad papalayo sakanya. At sa hindi na nya mabilang na pagkakataon muli nanamang pumatak para dito ang kanyang luha.


___________

A/N:

Hala. Walang edit edit publish agad!

Pasensya na po busy lang.

Lockheart Series 2 - The Heartless ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon