1

78.3K 1.4K 30
                                    

"Kiara aren't you gonna drink?" tanong ng kaibigan nyang si amy.

Nasa isang bar sila at nagsasaya According to her friends, pero kung ang mga ito ay nagsasaya sya naman ay naglalabas ng sama ng loob sa kanyang ama. May gusto nanaman kasi itong ipagawa sakanya na labag sa kanyang loob.

All her life, ang ama nya ang nag dedesisyon kung ano ang kanyang gagawin. From her college course, summer activities, suitors, and even her friends ay gusto nito ito ang magdedesisyon.

Nung una ayos lang sakanya dahil hindi naman ito ganoon kahigpit, pero ng mag simula na itong pang himasukan ang kanyang buhay pag-ibig ay duon na s'ya umalma. Pero kahit magreklamo sya ay wala parin syang magawa dahil ito parin ang masusunod. Buti na nga lang ay kahit papano nakakapagkaibigan parin sya ng mga taong hindi personal choice ng kanyang ama although she still have to be friends with those he choose.

"Girl, ano na? ang KJ mo naman!" it was prescilla her fathers personal choice to be her friend.

Ang alam nya ay anak Ito nang isang kompadre nang kanyang ama. This girl doesn't have much people kaya sinabihan sya ng ama na kaibiganin ito.

"Pres, don't force her. Hindi sya sanay uminom ng alak kaya hindi sya iinom ngayon." Elzie said. She is her personal choice to be friends at masasabi nyang ito talaga ang kanyang tunay na kaibigan.

"Whatever" sabi nalang ni pres sabay irap nito sakanila at nag tungo sa dance floor.

"Ok ka lang ba? Kanina ka pa malungkot biie"

Tipid na ngiti na lamang ang kanyang isinukli sa kaibigan upang hindi na ito mag-alala pa.

"Comfort room lang ako" paalam nya upang umiwas sa mga tanong nito. Alam nyang pipilitin sya nitong sabihin ang plano ng kanyang ama. Nahihiya na sya sa kaibigan dahil nasasabit nalang lagi ito sa kanyang problema.

Nang papunta na sa CR ay may nadaanan syang iilang mga pares na nag mamake-out. Wala pa nga sya sa ladies room ay nagkalat na ang mga taong hindi kayang pigilan ang kati sa katawan, paano pa kaya kung pumunta sya doon? Sa naisip, imbes na sa ladies room pumunta ay dumiretso sya sa exit ng bar. Gusto nyang makalanghap ng sariwang hangin kaya't lalabas na muna sya.

On her way through exit ay may nadaanan syang lamesa na puro mga  lalaki ang nakaupo, napatingin ang mga ito sa kanya at base sa itsura ng mga ito ay hindi sila gagawa ng maganda. Agad syang nakadama ng takot ng tumayo ang dalawang lalaki mula dito at maglakad papalapit sakanya, kaya naman sa takot ay mas binilisan nya pa ang paglalakad.

Nakikita nya paring nakasunod at malapit na sakanya ang dalawang lalaki. Hindi na nya alam ang gagawin dahil tiyak na kapag nakalapit sakanya ang dalawa at hatakin sya ay wala syang laban kahit pa magsisigaw sya dahil nasa parte sila na madilim at maingay.

"Oh Gha----

Sigaw nya nang maramdamang may humatak sakanya na agad namang naputol ng sumubsob sya sa dibdib ng lalaking may hawak ngayun ng kanyang kamay.

Lockheart Series 2 - The Heartless ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon