Chapter 47

4.1K 148 37
                                    

Ang pagsubok

Sa totoo lang ay hindi alam ni Alyssa ang gagawin niya. Tulad nang sinabi ni Kiefer ay tinigil niya ang mga pinag-gagawa niya at sinunod ang sinabi ni Dennise na—be yourself. Yun ang laging nakatatak sa utak ni Alyssa: be yourself.

Dumaan ang mga araw mas napapadalas ang pag-attend nang squad sa rehearsal nang wedding ni Bea at Thirdy. Alyssa was really happy about the thought of the wedding of her favorite couple. Hindi niya talaga akalaing magkakatuluyan ang dalawang magkabangayan noon.

"Ate Alyssa!" Tawag ni Bea nang makita niyang nakarating ang ate niya sa rehearsal nang ceremony nang kasal nila Bea. Nang makita niya na bumaba din sa kotse ang isa pa niyang kaibigan. "Kuya Kief!" Tumingin ang basketbolista at ngumiting tinanguan si Bea.

Tumingin si Alyssa sa direksyon nang tinitignan ni Bea at nasilayan niya si Kiefer doon na may kausap nanaman sa cellphone. Kinagat niya ulit ang labi niya para pigilan ang nararamdaman niya nang maalala niya ang nangyare nong nakaraang linggo. Masakit parin ang marinig mula dito na—mukhang tanga ang ginagawa niya para makuha ulit si Kiefer. Pero alam niyang dapat hindi sumuko, kasi pag mahal mo hindi dapat sinusukuan.

Lumapit si Bea kay Alyssa at nakipag beso siya dito. "Ate sabi mo kay Ate Ella hindi ka makakapunta?" Tanong ni Bea.

Ngumiti nang pilit si Alyssa sa nakakabatang kaibigan. "This is my first time to attend your wedding rehearsal. Bei, i cannot believe you're really getting married." Natutuwang sambit ni Alyssa.

Bea felt warm. Talagang sweet sila sa isa't isa at parang kapatid na ang turingan, kaya naman nang malaman ni Alyssa at isang chat lang ni Bea sakanya na ikakasal na ito ay umuwi agad ito nang Pilipinas para makadalo—para narin kay Kiefer pala.

"Ako din ate, i don't actually think Im really gonna settle down. Pero ganun pala yun Ate noh? Pag nakilala mo na ang taong mamahalin mo, all your qualities and standards are not important. Pag nakilala mo na siya, kahit nakakatakot mag risk you are willing to do it because—you just love the guy so much." Para namang nag-kwekwento lang si Bea nang love story sa sinasabi niya. "Parang ang risky nang love kasi akala mo alam mo na ang mangyayare pero hanggat di ka nag-ririsk you will never know what is after love."

Napangiti naman nang husto si Alyssa, hindi niya lang akalain na sa bibig ni Bea manggagaling ito. "Im glad you took a risk." Sabi ni Alyssa.

Ngumiti si Bea. "Because its worth it, he is worth it."

Pumasok na sila sa loob nang simbahan pagkatapos non, nag simula na rehearsal pero nagkakagulo sino ang mag sasama na maglakakad sa altar. Nagtuturuan pa si Ella at Rex kung sino ang maingay na sinasabi nang wedding organizer at nag kasundo ang dalawa nang tinuro nang dalawa si Sumang.

Umupo si Alyssa sa tabi nang upuan, pinapanood niya lang ang mga abay na naglalakad na sina Therese lang naman din. Iniisip niya kung ano ba ang pakiramdam na maikasal. 27 years old na siya pero wala pa rin siya sa settling down stage. Pero nakakatawa kasi pano siya makikipag settle down sa taong mahal niya kung hindi pa—settle ang relasyon nila.

Tinignan ni Alyssa ang paligid sa pagkakaalam niya ito ang dream wedding ni Bea. Pinuno ito nang white roses sa buong simbahan at nagbigay nang malaking kahulugan sa dalawang ikakasal. Naalala niya tuloy ang gusto niyang proposal kasi ang wedding? Dream wedding? Wala siya non. Kasi ang gusto niya lang makasama ang taong pinakakamahal niya which is—Kiefer sa harap nang altar.

Inalala niya tuloy nang tanungin siya ni Kiefer noon kung anong klaseng proposal ang gusto niya, napaisip siya bigla dahil para saan yong tanong na yon kung hindi naman pala si Kiefer kahit kailan nag propose kay Mika. Naalala niya, sobrang nasaktan siya non at ang nakakatawa pa broken hearted din si Dennise noon pero si Den pa ang nag comfort sakanya.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now