Chapter 15

3.5K 77 4
                                    

Two weeks pa kaya

"Andyan si Jeron, Alyssa." Narinig na tawag sakanya ng manager niya.

Nagulat si Alyssa sa narinig niya, lumabas siya para makita nga si Jeron. Nagtataka siya hindi ba nasa Cebu to ngayon? Bakit siya umuwi?

Pag-labas niya nakita niya doon si Jeron nag-hihintay sakanya. Nakangiti.

"Jeron..you're here." Sabi ni Alyssa at lumapit sa nobyo kuno at niyakap ito.

Niyakap din siya ng mahigpit ni Jeron para bang miss na miss siya nito. "I miss you so much..Hon.." Sabi ni Jeron para sadyang marinig ng manager ni Alyssa.

Nagulat ulit si Alyssa, pero kailangan niyang sabayan to dahil kung meron man silang kailangan paniwalain sila ay yun ang mga manager nila. "I miss you too!" At pumiglas na siya sa yakap nilang dalawa. "Akala ko ba next week pa uwi mo?" Tanong nito.

"Yeah. Babalik din ako mamaya sa cebu pag ka-hatid ko sayo sa Laguna." Sabi nito at ngumiti.

Hindi naman inakala ni Alyssa na gagawin iyon ni Jeron para sakanya. Alam niyang mali na gampanan talaga ni Jeron ang pagiging pagkukunwari nilang mag jowa ay hindi dapat pero bakit ganun? Ang swerte niya kay Jeron. Hindi niya deserve mga ang tulad neto eh. Masyadong mabait si Jeron para sakanya.

"Hay nako naman, Jeron. Sana hindi ka na umuwi, mag papahatid nalang sana ako kay Ate Rachel eh," Sabi nito at nahiya din kahit papano. "Sana hindi ka nalang nag abala, sayang kaya ang pamasahe." Panghihinayang niya.

Ngumiti si Jeron, "Alam mo kung ano ang mas sayang? Yung hindi kita maihahatid tapos dalawang linggo pa kita bago makita ulit." Sabi nito. "Kaya hayaan mo na ako, hon? Please?"

Tumili naman ang nasa likod nila, si Bea Tan, Ella at Dennise yon. Si Bea at Ella ang nangunguna sa sigaw. Samantalang si Dennise ay nakaupo lamang sa couch habang pinapanood ang 'moment' ng dalawa. Siguro kikiligin siya kung hindi siya broken at kung alam niyang hindi ito rebound ng bestfriend niya. Pano kasi nong isang araw lang kita niyang umiyak nanaman si Alyssa dahil kay Kiefer. Kaya pano siya kikiligin diba?

"Oh bakit andito din kayo?" Nagulat na tanong ni Alyssa sa mga kaibigan.


Kumibit balikat naman si Bea, "Ihahatid ka sana namin kaso i think boyfriend mo na ang maghahatid eh." Sabi ni Bea at kinindatan pa si Alyssa, well if she only knew. 

"Oo nga eh, okay na yung dumaan kami para makita ka namin ulit after two weeks." Ella commented.

Nilingon naman sila ni Jeron, "Actually girls, you can join us. Im sure Ly will miss you too, kaya ayos na yun may bonding pag dating kotse at sa biyahe diba?" Suggest ni Jeron, "And, mag fo-foodtrip tayo while on the road. You kinda like it Ells?" Taas kilay na tanong ni Jeron.

Para namang batang tumalon si Ella at tinulak tulak pa si Bea, "Of course! Sino ba ako para tumanggi, that's food men! Pagkain yun!" Sabi pa ni Ella.

Gusto sanang isipin ni Alyssa na nililigawan ni Jeron ang mga kaibigan niya para sakanya. Kitang kita ni Alyssa na lahat ginagawa ni Jeron para ma-prove na handa siya sa ganitong relasyon, kahit na hanggang ganon lang, masaya na si Jeron.

Umiling nalang si Alyssa, "Basta ba pagkain Ella eh noh?"

Tumawa naman sila, pero si Dennise nakangisi lang. Napansin iyon ni Alyssa pero isinantabi niya muna iyon dahil mamaya niya nalang ito kakausapin.

"Ly, you should get your things. Male-late ka pa." Singit naman ng manager niya.

Bigla namang naalala ni Alyssa na malayo pa biyahe nila. Agad siyang pumasok sa kwarto para kunin mga gamit niya. Isang maleta lang dala niya. Alam niyang hindi niya kailangan ng maraming damit kahit dalawang linggo siya doon. Masyado siyang maraming damit na nasuksuk sa isang malaking maleta gawa ng hindi siya mapakali sa sobrang excited.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now