Chapter 32

2.7K 87 8
                                    


Ang poster at standee

Limang oras na kaming bumibiyahe. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang nakangangang si Bea na naka-dantay kay Jhoanna. Mga walang hiya matulog. Umiling ako at tinignan ang nasa kaliwa ko.

She is peacefully sleeping. Medyo nakauwang pa ang bibig at naka taas ang salaming suot niya. She is still the simple pretty girl i fell inlove. Nakakamiss hawakan ang mukha niya, nakakamiss halikan. Napaka inosente niya padin tignan, masyado nang naka-dikit mga mata ko sakanya.

Kita ko sa mukha niya ang kasiyahan. Walang bakas nang galit at sakit. Para bang ang prino-problema niya lang ay ang nasira niyang sapatos, nabasag niyang baso, at makalat niyang cabinet. Yung mga ganon nalang ba? Yung lang ang iniisip niya na problema kesa yung dating ako lang ang kadahilanan nang pasakit at problema niya sa buhay.

Ngayon kung sasabihin ko sakanya lahat masasaktan siya ulit. Babalik siya sa dating miserable. Kaya ko ba makita ulit siyang ganon?

Kailangan ko ba talagang sabihin pa sakanya?

Bago pa ako maiyak sa harapan niya itinuon ko ang pansin ko sa unahan. Palagay ko ay tulog silang lahat. Naiihi na ako. I think i need to pee.

Tumayo ako at pumunta sa harapan para kausapin ang driver na mag stop over muna kami.

"Kuya, stop over tayo sa susunod na gas station?" Sabi ko.

Tumango yung driver. Tumango ako at nanatiling nakatayo naiihi na kasi talaga ako. Habang hinihntay ko pa na makarating kami sa susunod na Gas Station ay pinanood ko muna ang mga sasakyan na nauuna samin kinakabisado ko ang mga plate number. Kailangan kong libangin ang sarili ko para hindi ako maihi.

Kung bakit kasi ang dami kong nainom na tubig kanina! Eh kinakabahan kasi ako dahil katabi ko si Alyssa kaya dalawang bote nainom kong tubig kaya eto, ihing ihi na ako.

"Oh bakit ka nakatayo bro?" I heard Von's voice.

Tinignan ko siya na nakaupo at yakap yakap siya ni Laura na tulog na tulog. Mukhang kakagising niya lang siguro dahil sa puro buntong hininga ko dahil nga naiihin na ako. Binalin ko ulit tingin sakanya. "Naiihi na talaga ako." Sabi ko sakanya.

"I am too." Untas ni Von. "And Im also hungry. Anong oras na ba?" Tanong niya sakin.

Tinignan ko ang wristwatch ko. "Its 5am. I will just wake you up if we have our stop over." Sabi ko. Tumango siya at hinagkan pa si Laura.

Nakakainggit sila kung tutuusin. Ang tagal nadin nilla since when? 2014? 3 years na sila. Maraming temptations dito kay Von at maraming dahilan si Laura para iwan tong bestfriend ko but she remain and stay with Von. I know that's love.

Gustuhin ko mang mainggit sakanilang dalawa pero gusto ko nading umihi. Baka di kasi ako maka pigil at dito pa ako maihi.

Nang maaninag ko yung gas station sobrang napangiti ako ng sobra. Iisa lang kasi gusto ko ngayon, Cr. Ang mag cr!

Nang ma-ipark na ni Manong Driver sa tapat ng 7-eleven ay tumalon agad ako pababa. Ihing ihi na ko. Narinig kong may mga nagising pero di ko na aalamin kung sino yon dahil kailangan ko nang umihi!

Nang makarating ako ng Cr ay walang ka-tao tao siguro dahil madaling araw na kaya wala nang mga tao. Sobrang heaven sa feeling!

Lumabas ulit ako ng CR nang malaki ang ngiti. Siguro kung naririnig lang ako nila Rex ah tingin nila ay bakla na ako. Siguro nababakla na ako kasi katabi ko kanina si Alyssa.

Pagkalabas ko nakita ko silang lahat don sa 7-eleven. Ang ingay nila na parang hindi lang sila galing sa pagkatulog mga walang hiya parang mga lasing kung mag ingay. Buti nalang at walang tao dito dahil nga sa madaling araw.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now