Chapter 11

3.5K 83 3
                                    

Im worried about you



"So hindi na natuloy yung Japan mo?" Jeron asked in the video call.

Tumango naman si Alyssa at ngumiti, "Hindi ko din alam Je, kahit naman sabihing i-move ko i'll be having a workshop in two weeks so baka hindi nalang siguro." Sabi ni Alyssa at ngumiti.

Napakunot naman ng noo si Jeron, well 1 week palang naman siyang nawawala sa bansa pero parang ibang iba na si Alyssa. The last time she saw her 'pretend' girlfriend ay parang stress at upset ito. Pero ngayon, parang masaya pa nga.

"You look happy, bakit? Sino ba makakasama mo sa workshop na yan?" He asked.

"Si Kiefer."

"Kiefer.." Sabi nito at nag bago ang aura ng mukha, "Pumayag ka?"

Nagkibit balikat si Alyssa at parang hindi pa nakikiramdam, "Why not? I mean we're in good terms naman na. Besides, sayang din yung offer." Katwiran nito.

"Do you hear what you're saying Ly? you decide without telling your boyfriend first?" Halata sa boses nito ang pagka-dismiya. Naiinis siya kasi parang wala lang kay Alyssa ang relasyon nila na kahit peke ay dapat gampanan padin kahit papano ang relasyon nila ng mabuti. Kasi kahit naman anong gawin mo, mag boyfriend sila sa paningin ng iba.

"Last time i remember, we're pretending. And we don't have commitments sa isat isa." Sabi ni Alyssa.

Parang natamaan doon si Jeron, napailing nalang siya kasi masakit din pala marinig ang mga iyon. Huminga siya ng malalim, "Oo nga pala..nag papanggap lang pala tayo. Ano bang role ko sa buhay mo? Im just your pretended boyfriend."

Na-guilty naman si Alyssa. Dapat pala hindi niya nalang nasabi iyon, masyado kasi siyang nawala sa sarili habang nakwkwento ang masasayang mga nangyare sakanya ng nakaraang linggo.

"Hi Jeron!!" Napatingin si Alyssa sa nakita niya it's Ara and Kim who say hi.

"Hi girls," malumanay na bati ni Jeron.

"Sige na Alyssa, mag-usap nalang tayo mamaya. Sige bye. Enjoy ka diyan." Sabi nito at pinatay na ang call.

Pinatay nang naiinis sa sarili si Alyssa ang phone niya. Hindi naman niya kasi sinasadya yun eh, she's just happily sharing her story to her bestfriend who happened to be her pretend boyfriend. Di niya alam na masasaktan pala damdamin nito.

"Tanga mo kasi Alyssa eh." Bulong niya sa sarili niya.

"Bakit ka naman naging tanga?"

"Oh Mika.." Tawag nito sakanya.

Ngumiti naman si Mika ng tipid. "Baka gusto mo ng kausap, Ly. Pwede mo naman ako maging kaibigan." Sabi nito.

Ngumiti si Alyssa at umiling. "Hanggang ngayon ba naman Mika? We're friends." Sabi nito sa kaibigan.

"Alam mo ba ang saya saya ko ngayon?"

Napataas naman ang kilay ni Alyssa, sa loob ng dalawang taon iniiwasan niya lang si Mika. Naisip din niya hindi naman kasalanan ni Mika ang lahat kaya dapat hindi siya magalit dito. "Why naman?"

"Eh kasi sa wakas, kinakausap mo na ako ngayon." Sabi nito na medyo nahihiya pa.

Napa tango naman si Alyssa hindi niya akalaing ganon ang sasabihin ni Mika. Hindi siya handang pag-usapan pa ito noon pero ngayon? Hindi na. Siguro nga okay na talaga siya.

"I know. Sorry ah, ang selfish ko. Hinayaan ko yung galit ko noon kay Kiefer at nadamay ka pa."

Then the silence was filled in the room. "But hey, lets not talk about it. Kasi wala na yun eh. Matagalna yun,"

Secret Love SongWhere stories live. Discover now