Chapter 15 Kwarto

Start from the beginning
                                    

"Bakit ba? Pwede, wag ka muna mag-inarte. Alam mong napipilitan lang din naman ako. Di ko din ginusto to Zeph! Sino ba naman kasing lalaki ang papatol sayo? Bulag?" Di na ako nakapagtimpi sa mga masasakit na salita ni Zero. Punong-puno na ako. Kaya't sinampal ko siya.

Napahawak siya sa pisngi nya at hinimas-himas ito.

"Sa susunod, ingatan mo yang pagsasalita mo. Pikon na pikon na ako sayo. Oo! Alam ko! Walang lalaking sinuman ang magkakagusto sa isang tulad ko. Walang lalaking magmamahal sa isang panget na katulad ko. Maaaring bulag lang ang magkakagusto sa akin. Tama ka! Magaling ka!" Di ko napansing namumugto na ang mga mata ko at tumulo ang isang patak ng luha mula sa kanang mata ko.

"Dapat pala'y hindi ko na lang pinagpilitan ang sarili kong maging kaibigan kayo. Alam ko namang panget ako at feel ko na di ako deserve na maging friend nyo. Kung hindi lang sana ako umasa kay Tyrell, hindi na mangyayari ito. Alam mo namang simula pa lang ay gusto ko siya di ba? Pero friend zoned ako sa kanya. Sige tawanan mo ako, nakakatawa ako di ba? Di ba Zero?" Tumayo ako sa inis ko at gusto ko nang lumabas ng kwarto. Di ko na kaya ang kausapin pa ang isang tulad nya.

Hinawakan nya ako sa braso, "Wag kang umalis. Di pa tayo tapos." Tumayo siya at hinarangan ang pinto.

"Yan na naman tayo eh! Haharang ka na naman dyan at mag-aaway na naman tayo. Please. Enough na. Just get out of my sight!" Sabi ko sa kanya.

Unti-unting pumipikit ang mga mata nya at napahawak siya sa dingding. Nagbubutil ang pawis nya at namumutla.

"Hoy! ZERO! Anong kalokohan yan?" Baka naman kasi palabas lang lahat to. Baka jinojoke time lang nya ako.

Hanggang sa tuluyang pumikit ang mata nya at bumagsak ang ulo nya sa balikat ko. "HOY! ZERO! GISING! ANO BA!?! ANG BIGAT MO!" sabi ko habang pilit na inilalayo ang ulo nya sa balikat ko pero masyado siyang matangkad at mabigat. Medyo inurong ko ang ulo ko at inalalayan siya. Kaso dahil sa damulag siya, nahirapan akong iupo siya sa desk kaya naman isinandal ko na lang siya sa wall at dahan-dahang inupo sa sahig.

Wala siyang kamalay-malay kung ano ang ginagawa ko sa kanya. Kinakausap ko siya pero ni isang sagot, kahit man "ha" man lang ay hindi nya magawa.

Sinubukan kong tignan kung may lagnat siya,  pero nung itatapat ko pa lang ang kamay ko sa noo nya, nakaramdam na ako ng init.

May lagnat si Zero?

Inaapoy siya ng lagnat. Haay! Tong lalaking to! Masyadong nagpapabaya sa sarili. Kaya naman tumayo ako para lumabas at kumuha  ng gamot sa clinic.

"Hala!" Inikot ikot ko yung door knob pero hindi pa din ito bumubukas. Sinubukan kong baliktarin ang ikot ngunit wala pa rin. Hindi ko naman maaaring sirain ang bintana dahil baka magalit sa akin si mama dahil wala siyang budget na pambayad kung sirain ko man iyon.

"Letse. Nalock tayo Zero! Gumising ka dyan!" Sigaw ko sa kanya.

Kinapa-kapa ko ang aking bulsa pero wala, naiwan ko ang cellphone ko sa bag ko doon sa may room ng B.A.P. Balak ko pa namang tumawag para humingi ng tulong kanila Gunther. Asar naman oh!

Sinubukan kong sipa-sipain ang pinto pero naalala ko na naman ang salitang, "bayarin".

Bakit pa kasi nalock kami dito?!?!

Katok ako ng katok pero wala atang taong dadaan dito. Tae naman kasi! Wala masyadong dumadaan dito kasi nga medyo tago tong room na to. Ang malas naman!

Lumingon ako sa kinauupuan ni Zero, namumutla pa din siya at nakapikit. Alam kong putlain si Zero pero iba na talaga yung pagkaputla nya.

"Aha!" Napangiti ako at lumapit kay Zero, "Imposibleng wala siyang cellphone. Yes! Makakalabas na kami!" Kinapa-kapa ko yung bulsa ni Zero. Oo yung bulsa lang po at wala nang iba.

Best Absolute Panget [Completed]Where stories live. Discover now