Chapter 15 Kwarto

3.6K 108 12
                                    

Chapter 15

KWARTO

Lumabas kami ni Zero ng room para makapag-usap. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa kawalan at patuloy lang sa pagsunod sa akin si Zero.

"Te-teka nga, san ba kasi tayo pupunta?" Tanong nya sa akin. Marahil ay nababagot na siya sa kasusunod sa akin tapos hindi ko naman siya kinakausap.

"Hindi ko din alam." Totoo, hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon. Kanina pa kami palibot-libot sa hallway ng fine arts building.

"Pwede bang magpahinga muna tayo?" Reklamo nya. Napahinto naman ako sa paglalakad. Pagtingin ko sa kanya, nakasilip na siya sa bintana ng isang kwarto dito sa building. "Sakto. Walang tao. Dito na tayo mag-usap."

Binuksan nya yung pintuan at mga ilaw, naupo siya doon sa isang desk malapit sa may pintuan. Umupo naman ako sa desk katabi nya.

"Explain." Matipid kong sabi. Kailangan nyang ipaliwanag ang lahat-lahat sa akin ngayon. Okay na sana eh. Kaso pinalala pa nya. Edi hindi na sana kumalat pa.

"Okay." Huminga siya ng malalim at tumingin sa may white board. "I know. Alam kong galit ka sa akin dahil nagsinungaling ako. Kailangan kong gawin yon." Bitin nya.

"Anong kailangan mong gawin Zero? Alam mo bang pinalala mo ang sitwasyon nating dalawa ngayon? Alam mo bang nararamdaman ko nang pinag-iisipan na ako ng masama ng ibang tao dahil don? Alam mo bang naiisip ko na na baka sinasabi nilang ginayuma lang kita. Yung ang panget panget ko. At kung ano man ang pinakain so sa'yo at nagustuhan mo ako."  Tinitigan nya ako ng malalim.

"Bakit? Sa tingin mo ba ikaw na ang pinakapanget sa mundong ito? Zephne, tandaan mo na langing may masmababa pa sa'yo. May mga qualities na nakahihigit ka kaysa sa iba. May mga qualities din ang ibang tao na nakahihigit kaysa sa'yo." Alam ko. Pero di pa ako nakakakita ng taong sinasabi nya.

"It's not about looks Zeph. Kailangan ko itong gawin para manahimik na sila. Wag kang mag-alala. Tatapusin din naman natin itong kalokohang ito." Anong tatapusin?

"Ano bang plano mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kapag tumahimik na ang mga tao about sa pekeng relasyon natin. Then unti-unti na tayong maghihiwalay. Gets?" Ang gusto nyang sabihin ay, magkakaroon kami ng pekeng relasyon hangga't hindi pa natatapos ang issue about sa amin. Papaniwalain namin ang mga tao na boyfriend ko siya at girlfriend nya ako. Tapos, kapag nasatisfy na ang lahat, then, tapos na. Parang wala na lang nangyari.

"Lolokohin natin silang lahat?" Tanong ko naman.

"Siguro ganun na nga." Napahalukip-kip siya at ipinikit ang mga mata.

"Ano ba kasing kalokohan to? Hindi ako papayag." Hinding hindi. Isang kalokohan itong naisip ni Zero. Nasa katinuan pa ba siya?

"No. You must Zeph. Nakasalalay ang pangalan ko dito." So, makasarili siya? Di lang pala siya brat, makasarili pa.

"Hoy! Pangalan at dangal ko din ang nakasalalay dito!" Angil ko sa kanya.

Idinilat nya ang mga mata nya at masamang tumingin sa akin. "Zeph. Public person ako."

"I don't care!! Tao din ako, parehas tayong kumakain at tumatae. Parehas tayong namomroblema. Parehas tayo Zero! Ipit na ipit na ako sa sitwasyon natin. Pagod na ako! At sa loob ng ilang linggong nandito kayo sa school natin, puro problema lang ang idinulot nyo sa buhay ko! Lalong-lalo ka na. Pagod na pagod na akong sumunod lagi sa mga gusto mo. Muntik nang mapahamak ang buhay ko para lang hanapin yung kwintas mo. Tas ngayon, ano to? Gagawin mo akong pekeng girlfriend mo? Damn! Zero!" Napahawak ako sa noo ko at minassage ito. Huminga ako ng malalim at pumikit. Ibinuhos ko na siguro lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng galit, hinanakit at paghihirap na dinaranas ko, bukod sa pagmumukha ko.

Best Absolute Panget [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon