Sais

4 2 0
                                    


Mai Reica's PoV

I can't believe na makikita ko ulit si Senri after a few months. Maliit nga lang talaga ang mundo. I thought I wouldn't see him again but tingnan mo nga naman ang tadhana! Mapaglaro talaga! Siya pa talaga ang photographer ng Clothing company na pinagtrarabahuan ko.

Masaya akong nakita ko siya ulit kasi nakapagpasalamat ako ng maayos sa kanya sa pagliligtas niya sa'kin mula sa kamay ng mga pangit na rapist na 'yun. Jusko!

"Ang gwapo niya talaga!" Kinikilig kong sabi sa kapatid ko sa kabilang linya. Samantha called me para gisingin ako.

Oo! Para gisingin ako sa ingay ng phone ko. Tch. Akalain mo? Sarili kong phone pero boses niya ang ringtone ko? Kumakanta siya ng kantang pinakaayaw kong marinig sa buong buhay ko at ang boses niya? Na hindi ko alam kung saan niya pinagmanahan 😒

"Sinong gwapo Ate? Si Lukas ko? Ay! Matagal ko ng alam 'yun." Pahambog niyang sabi sa'kin.

"Sira! Hindi no! Si Senri babes ko ang hot at ang gwapo! Naaalala mo pa ba 'yung kwento ko sa'yo na nagligtas sa'kin ng muntik na akong matodas noon?" I excitedly asked Sam. Tumikhim s'ya sa kabilang linya. I knew she didn't like what she heard about the 'muntik na akong matodas' phrase but we both just shrugged it off.

"Ah. 'Yung fafable na naghatid sa'yo sa bahay at may-ari ng jacket na iniingatan mo, na itinatago mo pa talaga sa baul mo." Sabi niya na may halong pang-aasar.

I just rolled my eyes at her kahit alam kong di naman niya ito makikita.

"Syempre, sa kanya galing 'yun e. Iingatan ko talaga 'yun kasi isasauli ko pa 'yun sa kanya no." Kinikilig pa din ako habang sinasabi 'yun. Naaalala ko pa ang gwapo niyang mukha.

His dark brown orbs, his nose that's carve into perfection, those pinkish kissable lips, those perfect jawline, thick eyebrows and that million dollar freaking smile with perfect set of teeth. Damn! Nakakalaglag ng panty ang kagwapuhan niya. Hindi pa included kung gaano ka HOT ang katawan niya dun ah. Halatang may abs 'yun kasi halatang halata sa tindig niya na nagwowork out siya. 'Yung balat niya sobrang kinis kahit may pagkamoreno siya. Halatang anak mayaman talaga e. Kahit saan na anggulo mo siya titigan maglalaway ka talaga sa sobrang gwapo niya.

I'm one damn lucky woman when he saved me that night and became friends. Naghihimala yata talaga ang panginoon sa'kin.

"Ay sus! May mareason out ka lang para makita siya ulit. Landi mo, Ate! Hahaha 😂" Pang-aasar niya sa'kin.

"Pagbigyan mo na lang ako. Minsan lang gumana kalandian ko." Sabi ko sabay tawa. Tumawa din siya.

"So pa'no kapag nanligaw 'yun sa'yo? Hinalikan ka nga sa cheeks e! Ay talaga! Ang landi rin niya sa'yo."

Tumawa naman ako sa tinanong niya.

"Are you nuts? Bakit naman manliligaw sa'kin 'yun? Hindi ako type 'nun and hindi naman magkapareho ang mundo namin." Nanglulumo kong sabi at ngumuso.

Bakit naman magkakagusto ang isang Senrico Klein Sandoval sa isang dukhang katulad ko? Ni hindi nga ako gusto maging kaibigan ni Neki e, paano pa kaya na ligawan ako ni Senri? Na sobrang imposible!

"Ba't Ate? Saang planeta ka ba galing at hindi magkapareha ang mundo niyo? Basta ako, sigurado akong taga-Earth ako. Ewan ko sa'yo." Pang-aasar na naman niya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa medyo malaking salamin na nakasabit sa dingding ng maliit na apartment namin.

"Silly! Wala ka talagang common sense e no? Tch. What I mean is, imposible na magkagusto ang isang katulad niya sa katulad ko. Sobrang imposible." Sumimangot ako at tinitigan ang mukha ko sa salamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon