Naluha na naman ako at napatungo na lang ako . Nakaramdam naman ako ng tapik sa likod ko. "Sssh, uy, Baekkie. Wag ka ng umiyak. Come on, tell me, ano ba talagang problema, Baekhyun?"

Tiningnan ko siya sa mata, "Jongdae..." , at nagsimula akong ikwento ang lahat ng nangyayari sa buhay pag-ibig ko mula doon sa confeesion ni Chanyeol, pakikipaghiwalay ko kay Sehun pati na rin ang offer niya, hanggang sa mga nangyari samin nina Chanyeol kaninang lunch.



"Aba! Susugurin ko talaga yang si Park na yan. Paano niya yun nagawa sayo?! Tss. Lalaki ba siya?! MASASAPAK KO TALAGA YUN! ", nakita kong nagagalit talaga si Jongdae ngayon. "Wag ka ngang umasta ng ganyang Jongdae. As if kaya mong sapakin ang higanteng yun."

"Psh. Whatever! Eh, kayo ni Sehun, hiwalay na ba talaga kayo?"

"Yeah..pero nga kasi ayaw pa niya. But, nasasakal na ako. Ayoko na, Jongdae..."

Nagkaroon ng konting katahimikan sa amin. Isang nakakabinging katahimikan, "Baekhyun, paano kung kausapin mo ulit siya. Diretsuhin mo na. At si Chanyeol naman, wag ka na ulit magpaloko sa kanya. Don't you dare na balikan ulit siya kung gusto mong maging masaya at maging malaya sa sakit."

"Sa tingin ko tama ka...should I accept hyung's offer?"

"I think...you should. "




Nakapag-isip-isip na ako. I think, hindi naman makakasamang pumayag sa offer ni hyung eh. Kahit hindi ko alam yung dahilan sa kagustuhan ni hyung na manirahan na kami sa Italy. Ang tanging rason niya lang ay ang future ko. He once told  me na mas magandang mag-aral ng culinary sa bansang yun.

Pero may nababasa akong iba sa mga mata niya. I can see something, yet, I can't identify the meaning of those looks. Parang takot, galit at pag-aalala.


Nandito ako ngayon sa rooftop dahil tinawagan ko si Sehun kanina bago ako pumasok sa school na magkita kami. And after some minutes of waiting ay nakita ko na rin ang pigura niyang naglalakad papunta sakin.

"H-Hey,"panimula niya.

"Sehun. I think, kailangan na nating itigil lahat ng ito—"

"Stop."

"Pero Se—"

"Gusto ko ako ang makipaghiwalay sayo. Gusto ko ako ang magsabi ng mga katagang itigil na natin 'to. Gusto ko ako pa rin ang manalo. Gusto kong sabihin na wala na akong nararamdaman para sayo. At higit sa lahat....gusto kong ako ang magsasabi na wala ng tayo. Oo, masakit tanggapin at aminin lahat. Pero Baekhyun, wala ka ng dapat ipag-alala. Ako na mismo ang lalayo, ako na mismo ang susuko. Ganyan kita kamahal..."

Tumalikod na siya at akmang aalis na ay bigla ko siyang niyakap. Hindi ko alam ang tamang mararamdaman, pero ang tanging alam ko lang ay minahal talaga ako ni Sehun. He's ready to give up everything just to give my happiness.

"Se... thank you", tinanggal niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at hinawakan ang mga pisnge ko. "It's okay Baek. I'll be fine dahil alam kong sasaya ka na. Be happy with him, arrasseo?"

"Se, may kailangan nga pala akong sabihin."

"Ano yun?"

"But promise me first na hindi mo ito sasabihin kahit kanino, lalung-lalo na kay Park. Ikaw lang at si Jongdae ang tanging makakaalam nito. Kayo na lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko sa mga panahong madami ng manloloko at wala ng seseryoso sayo. "

Napatawa ng onti si Sehun sa mga sinabi ko, "Sure, sure. Pero bakit ayaw mong sabihin kay Chanyeol? Akala ko ba—"

"I'm leaving", naramdaman kong napatikom ng bibig si Sehun dahil sa mga binitawan kong salita.

Napabitaw siya sa pisnge ko at kunot-noong nagtanong,"W-What?"

"I'm leaving. Gusto ni hyung na pumunta na kami sa Italy."

"Seriously Baekhyun?! Italy na yun. Are you insane? Iiwan mo kami dito?"

"I don't want to, but I need  it."

"Give me a reason kung bakit dapat kang umalis?!"

"Dahil masayado ng magulo dito sa Korea. I need space."

"Napakahaba naman ng space na yan Baekhyun", sarkastiko niyang sabi.

"Yeah. Ganun kahabang space ang kailangan ko mula sa bansang 'to...at mula rin sa kaibigan mong nagngangalang Park Chanyeol."

"Seriously? Nakakatawa ka. Ano bang ginawa niya sayo?"

"He just LIED to me! Sabi niya wala na sila ni Luhan tapos kahapon makikita kong-argh!" at binato ang maliit na batong nakita ko sa may tabi ni Sehun.Habang ito namang kasama ko ay tumatawa lang. 

"That's it? Well then, you must find Chanyeol by now. Baka magsisi ka pa."

"No need. At nga pala, bukas na ang flight ko."

"HA?!!!!" nakita ko namang napatayo siya kaya ganun din ang ginawa ko. Kanina pa siya sigaw ng sigaw ><

"Nakakabingi ka Oh Sehun."

"Baekhyun aware ka naman siguro na Moving Up Ceremony na natin bukas. Last day na natin yun, tapos aalis ka pa?"

"That's my point. Last day na natin bukas, meaning, makikita ko lahat ng taong naging parte ng highschool life ko. Ayoko namang mahirapan pang umalis. Ayokong malungkot bago umalis."

"Pero Baek—"

"No buts Sehun-ah. Tara na, malelate na tayo sa first class natin", at hinigit ang kamay niya at sabay kaming bumaba ng roof top. Last day ko na ngayon dito. Bawal malungkot...bawal umatras. I'll stand for my decision.

 I'll stand for my decision

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


To be continued.

*

I know it's too short. But promise, I'll update tomorrow or on Sunday maybe. Thanks for reading this :)) Marami pang surpresa ang storya na 'to. Hindi 'to magtatapos sa pag-alis ni Baekhyun haha! Gomawoyoooo :*


Saranghae Bbuing!Where stories live. Discover now