Her's

21 0 0
                                    

Tandang-tanda ko pa nang batiin mo ako ng "magandang umaga" nang araw na yun. Aaminin ko, nagulat ako sa iyong biglaang pag sulpot. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko no'n kaya nag tuloy tuloy lang ako sa pagpasok sa ating silid-aralan.

"Anong pangalan mo?" Bigla mong tanong. Ni hindi ko nga napansin na nasa tabi na pala kita. "Rhia..." sagot ko. "Nice to meet you Rhia, ako nga pala si Kristoff" Pag papakilala mo.

Tanda ko pa nang ilahad mo ang iyong kamay para makipag kamay sa akin habang nakangiti. Hindi ko malilimutan ang mga mata mong nakangiti sa akin at ang maliit mong dimple sa gilid ng iyong labi. Handa na sana akong abutin ang iyong kamay para makipag kamay sa iyo ng biglang dumating ang terror teacher natin sa English. Agad kang umalis sa tabi ko at pumunta sa upuan mo sa bandang likuran.

Tanda ko rin nung araw ng PE class natin, hindi ako marunong lumangoy no'n. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil lahat kayo ay marunong at ako lamang ang hindi. Wala naman kasi kaming swimming class sa dati kong school eh. Lumapit ka ulit sa akin no'n at sinabing "Tara tapusin na natin yung 100 meters para tapos na tayo agad" nang hindi ako kumilos ay hinawakan mo ang kamay ko at hinila ako papalapit sa pool.

"H-hindi ako marunong lumangoy..." kinakabahan kong sabi. Mahina lamang ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig mo iyon. Senyales nito ay ang paghinto mo sa paghila sa akin.

"Gano'n ba? Edi tuturuan nalang kita" tila nasisiyahan mong sabi, ngumiti ka sakin at saka ako ulit hinila papalapit sa pool. Hindi ko alam pero yung kaba ko kanina parang unti unting nawala nang dahil sa ngiti mo. Bababa na sana tayo sa pool no'n ng lumapit yung isa nating kaklase na lalaki at sinabing pinapatawag daw kayong mga boys ng teacher natin.

Nag paalam ka saglit sa akin nun at sinabing babalik ka rin. Naiwan ako sa pool nun, habang hinihintay kita umupo muna ako sa gilid at binabad ang paa ko. Simula ng lumipat ako sa school na to, ikaw palamang ang kuma-kausap sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako kinakausap pero nagpapasalamat ako kasi atleast hindi na mapapanis ang laway ko.

Narinig kong nagtatawanan yung mga kaklase nating babae kaya lumingon ako. Pero bago pa man ako makalingon ay may tumulak na sa akin. Sa sobrang gulat ko ay nakainom ako ng tubig. Takot na takot ako no'n at hindi ko alam ang gagawin ko. Tuloy lang ako sa pag padyak ng paa ko pero patuloy pa rin ako sa pag lubog. Umiiyak na ako at nauubusan na rin ng hininga. "Tulong!" Pag hingi ko ng saklolo pero walang dumating. Hanggang sa isinarado ko na lamang ang aking mga mata at sumuko na.

Ngunit ilang sandali pa lamang ang nakalilipas nang may humawak sa katawan ko at iniahon ako sa tubig. Hindi ko alam kung sino ang nag-ahon sa akin, gusto kong idilat ang mga mata ko para tingnan kung sino at makapag pasalamat pero hindi ko magawa.

Ramdam ko ang paulit ulit na pag diin sa aking dibdib at ang paglapat ng malambot na bagay sa aking labi at pagdaloy ng hangin sa aking katawan.

"Rhia! Naririnig mo ba ako? Idilat mo ang mga mata mo!" 

Tatlong beses na ulit ang pagdaloy ng hangin sa aking katawan bago ko nagawang maidilat ang aking mata at maibuga ang tubig na nainom ko kanina.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin. "Salamat at ligtas ka Rhia..." bulong mo sa akin. Gusto ko sanang magpasalamat pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Marahil siguro dahil sa pagod at hinang hina ako. Hindi ko alam kung anong dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Dahil ba ito sa nangyari kanina o dahil sa mahigpit na pagkakayakap mo sakin?

May nag abot ng tuwalya at ibinalot mo iyon sa akin bago mo ako binuhat at dinala sa clinic. Nang maging ok na ako ay tinanung mo kung anong nangyari. Sinabi ko nalang na nadulas ako at walang nakapansin na nalulunod na pala ako. Alam kong hindi ka naniwala sa sinabi ko kaya sinabi ko nalang na wag na yung isipin dahil ok naman na ako.

Her's and His' OneshotWhere stories live. Discover now