CHAPTER IX: ZOMBIE APOCALYPSE

331 7 5
                                    

CHESKA ELLAINE'S POV

Time check, 1:32 am. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa kisame ng kwarto ko. Ugh! Di ko naman ugaling magpuyat eh. Kaya lang, iniisip ko pa din yung sinabi ni Prince kanina o kanina o kahapon? Ah basta! Aish! Para akong baliw dito, sinasabunutan ko ang sarili ko! Ilang hibla na ba ang nalagas sakin? Hay naku.. Nafufrustate ako kakaisip! Nakakainis!

*FLASHBACK*

Bakit naman kaya niya ko dinalhan ng pagkain? Anong meron? At ang mas pinagtaka ko ay nung may sinabi pa siya na sobra ko ding ikinagulat.

"Cancel all your appointments tomorrow. We'll have a date." Nakatitig lang siya sa'kin habang sinabi niya yun. As in date talaga? Tama naman ang rinig ko diba? Date? Teka nga, kanina may padala dala pa ng pagkain. Sinabi pa niyang para gumaling at umayos ang pakiramdam ko. Tapos ngayon naman ay inaaya niya kong magdate? Oh, scratch that. Sinasabi niyang magdedate kame? End of the world na ba?

Wait, sa mga telenovela, kapag bumabait yung isang tao, madalas ang ibig sabihin ay may malubha itong karamdaman o diya kaya ay malapit nang madeads.. Hindi kaya...

"A-are y-you..." Di ko masabi ng maayos ang dapat kong sabihin. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.. Pero kailangan kong makasigurado..

"A-ano, uhmm." I tried to ask him again pero kinakabahan talga ako kaya di ko maitanong ng diretso. What if totoo nga? I don't knw what to do or to say if ever totoo nga..

"What?" Tanong niya. Mukhang naiinip na siya sa gusto kong itanong. Hay.. Kaya mo yan Cheska, kailangan mong kayaning itanong. Fighting!

"A-are y-you..

.

.

DYING?" Sa wakas, naitanong ko din. Tinignan kong maigi ang reaksyon niya para makompirma ang hinala ko.. Una, wala pa siyang reaksyon, nakatitig lang siya sa'kin. Tapos bigla nalang siyang sumimangot at...

Pinitik ako sa noo!

"Aray ah! Bakit ka ba namimitik?!" pagrereklamo ko. Aba, eh masalakit naman talaga eh! Napahawak nalang ako sa nook o para himasin. Ang kawawa kong no, huhuhuhu T____T

"Ano ba naman klaseng tanong yan?" tanong niya sakin. Tamo 'to, tinanong ko pero tanong din ang sinagot sa'kin.

"Eh nagtatanong lang naman eh! Bakit kailangan pang may pitik ha?!" Ayan sige, magtanungan nalang tayo!

"Eh bakit kasi ganun yung tanong mo sa'kin?" tanong ulit niya. Okay, it's official. We have a question and question portion.

"Eh bakit naman kasi ganun yung sinabi mo sa'kin? Yung d-dat.. Ah basta!" di ko masabi! Naiilang ako noh!

"You mean date? Bakit, di ko ba pwedeng idate ang asawa ko?" sagot naman niya. Nagkagoosebumps ako nang marinig ko ang word na ASAWA. Ano bang gustong mangyari nito?

"Eh bakit nga bigla bigla?!" sige, walang sagutan ah. Puro tanungan lang!

"Eh bakit namn hindi? Masama ba?" tanong nanaman niya. Okay, medyo naiinis na din ako sa tanungan portion namin ahh - _______-'

"Pinangtitripan mo ba ko?" iyon lang ang dahilan na naiisip ko bukod sa may karamdaman siya or machuchugi na siya.

"Bakit naman kita pagtitripan?" tanong ulit niya. Wala na bang katapusan to?

"Eh bakit mo naman ako hindi pagtitripan?" tanong ko naman sa kanya.

"Eh bakit ba kasi ayaw mo nalang maniwala?" sabi niya. Okay fin, ako na nga ang unang sasagot nang matapos na ang walang kwenta naming pagtatanungan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLAYBOY GANGSTER'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon