CHAPTER VI: CHRISTMAS PARTY(PART 2)

118 4 0
                                    


*continuation..

Huminto sila sa tapat namin. Ow-kay, so samin nga?

"Hi girls!" bati sa kanila ni Hans.

"Ahhhhhhh!"

"Kyaahhhhh!" Puro sigawan naman ang maririnig mo sa mga babae.

"Hi Kristel, Krizzelle." Bati naman ni Michael sa kambal.

"Hello." Sabay namang bati din nung kambal. Halatang kinikilig yung kambal, nagniningning pa ng mga mata! Crush kasi nila lahat ng Knights.

"Hi din boss." Sabi naman nung iba sakin.

"Hi din. Ba't kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Syempre, di naman namin makakalimutang bigyan ng reglo ang prinsesa ng Dark Knights." Nakangiting sabi ni Spade.

"Ang swerte naman ni Cheska, bibigyan sya ng regalo ng mga Knights!" girl1

"Hmmp! Ang daya, dapat kami nalang!" girl2

Ang dami nanamang mga bubuyog ang bumubulong bulong sa tabi tabi. Aawayin ko n asana sila nang lumapit sakin isa isa ang mga Knight. Unang lumapit, si Spade.

"Boss, para sayo." Sabay abot sakin ng isang box na kulay red.

"For you." Sabi naman ni Leo. At lahat sila ay nagbigay sakin ng regalo na halos di ko na madala. Hello? 10 kaya silang nagbigay!

"Thank you guys." Pagpapasalamat ko sa kanila. Naappreciate ko naman na nag effort pa sila para lang bigyan ako ng regalo.

"Teka, si Prince? Nasaan ang regalo nya kay Cheska?" biglang tanong ni Krizzelle.

Nasa likuran kasi ng mga Knights si Prince kaya di ko agad sya napansin. Humawi naman ang mga Knights na para bang nagbibigay ng daan kay Prince.

"Hoy Prince! Asan ang reagalo mo kay Cheska?" tanongni Kristel.

Honestly? Kinakabahan ako sa sagot nya. May hawak syang maliit na bag na may lamang maliliit na regalo. Siguro, mga 10 din yung mga boxes. Para sakin kaya?

"Bigay mo na Master." Sabi ni Rick.

"Not hers." Simpleng sagot ni Prince. Hindi sakin? Eh para kanino yung mga yun?

"Huh? Master di yan kay bossing? Eh kanino mo naman yan ibibigay?" tanong ni Vince.

"Nasaan yung para kay bossing?" tanong naman ni Louie. I don't know pero parang mas kinakabahan ako sa sagot nya ngayon. Parang ayokong marinig?

"Wala. Bakit, kailangan ko ba syang regaluhan?" sabi ni Prince. Nahimik ang mga Knights.

Ouch. Bakit parang ansakit? Di ako makapagsalita, di ko alam ang gagawin ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagsmirk pa sya sakin at saka lumakad papunta sa gawi ng mga cheerleaders ng school. Nakatingin lang ako sa kanya at pinapanuod ang ginagawa nya.

"Haha! Ayan kasi, masyadong assuming! Di naman pala para sa kanya!" girl1

"Oo nga. Buti nga sa kanya!" girl2

"Napahiya tuloy hahaha!" girl3

"Aba't hoy mga mukhang alien! Wag nga kayong magsalita ng kung ano ano dyan!" pang-aaway ni Krizzelle sa mga babaeng nagsasalita kanina. Pero kahit nakikipag-away na sila Kristel at Krizzelle, nakatingin pa din ako kay Prince. Nakikinig sa usapan nila.

"Hi girls!" bati sa kanila ni Prince. Nakangiti pa.

"Hi Prince!" kinikilig na sagot nung mga cheerleaders.

PLAYBOY GANGSTER'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon