CHAPTER IV: DARK KNIGHTS

167 1 0
                                    


SPADE'S POV

Palabas na kami ng gym ngayon para pumasok sa kanya kanya naming klase. Hahahahaha si Master, ayun! Cool na cool na naglalakad! Akala mo nanalo si bingo eh! Hahahahaha! Samantalang si boss, tulalang naglalakad. Parang humiwalay yata ang kaluluwa dahil sa ibinalita ni Master hahahahaha.

"Psst, Vince." Sitsit ko kay Vince. Nasa unahan sina prinsesa at Master kaya di nila kami maririnig kung magbulungan man kami.

"Ang astig ni boss noh? Barado palagi si Master! Hahahahaha!" natatawa kong sabi kay Vince.

"G*go Spade, hinaan mo tawa mo at baka marinig ni Master, yari tayo! Hahahahaha." Sabi naman ni Vince.

"Hahaha oo nga 'pre" sabi ni Louie.

"Pero seriously, si boss lang ang kilala kong kayang makipagsagutan kay Master ng ganun! Ibang klase! Hahahahaha" sabat naman ni Ash.

"Oo nga 'pre! Kundi lang dahil sa balita ni Master, taob sya kay boss! Hahaha" singit ni Louie.

"P*tcha! Nakahanap ng katapat si Master!! Hahahaha." Opinyon ni Rick.

"Bagay na bagay yung dalawa. Kahit parating nag-aaway, may spark! Ayaw lang aminin na gusto nila ang isa't isa! Hahaha" komento ni Michael.

"Tang*na 'pre, ang cheesy mo, para kang bading hahahahaha" pang- aasar ni Hans

"Tarant*do! Nagsasabi lang ako ng totoo!" medyo pagalit na sabi ni Michael.

"Well, boto ako kay boss para kay Master. Buti nalang at sya ang napangasawa ni Master." Seryosong sabi ni Jack.

Lahat naman ay tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Jack. Dati, hindi namin nakikitang ngumiti man lang si Master eh. Di rin madalas magsalita at halos walang kinakausap. Pero unti unti itong nagbago simula nung makasal sila ni boss. Kahit na dahil lang sa pang-aasar kay boss kaya sya nagsasalita ng mahaba at ngumingiti. Atleast, may improvement diba? Pero alam ko namang sa likod ng inis at pang-aasar ni Master kay prinsesa ay ang pag-aalala nito sa kanya. Di pa lang nila marealize pero mukhang nadedevelop na sila sa isa't isa at masaya ko para sa kanila. At mukhang ang ibang Knights ay masaya rin para kay Master. Sana, magtuloy tuloy na at wag naman sana nilang mapatay ang isa't isa! Hahahahaha

"Pero imba pa din si Master pagdating sa prinsesa nya! Hahahahaha si 'Prince the Great' na leader ng Dark Knights ay under sa asawa nya! Hahahahahahaha" Sabi naman ni Rick.

"Tang*ina! Mamamatay na yata ako kakatawa dahil jan! Hahahahahaha" halos gumulong si Chris kakatawa.

"Why are you laughing?" Napatigil kami lahat sa pagtawa nang marinig naming ang kakilakilabot na boses ni Master. Seryoso lang syang nakatingin samin. Patay. Naaliw kami masyado sa usapan kaya di namin napansing lumapit si Master. Sana lang ay wala syang narinig kung hindi, pipili na kame ng ospital na pagdadalhan samin.

"A-ano Master. W-wala po ha ha ha" awkward na tawa ni Louie. Halatang halata namang may tinatago 'tong g*gong 'to.

Tumaas lang ang isang kilay ni Master. Patay, di sya naniniwala. Lagot na. Walang humihinga samin.

"Tang*na mo Chris, ang ingay mo kasi. Ayan pagbibigyan ka na, mamamatay ka na! Idinamay mo pa kame!" bulong ni Hans kay Chris.

"Spill." Utos ni Master. Tang*na pinagpapawisan na ko ng malagkit! Magdadasal na ba ko? Sana kaya pa kong irevive ng mga doctor pagkatapos nito. Nagkatinginan nalang kaming 10 na parang nagkakaintindihang mag-umpisa na kaming magdasal.

"Hoy! Ano pa bang tinatayo tayo nyo jan? Malelate na tayo! Ang kukupad nyo!" Sigaw ni boss.

"Ouch! Can't you lower down your voice?" inis na sabi ni Master kay boss dahil sa likod mismo ng tenga ni Master sumigaw si boss.

"Eh ang bagal nyo naman talaga eh! Para kang pagong!" sagot ni boss. Wala pa ring gumagalaw saming 10. Baka kapag may gumalaw, bumalik samin ang atensyon ni Master at matuluyan kami.

Tumalikod na si boss at naglakad papuntang room. Sumunod naman si Master habang nagsasalita.

"You're comparing me to a turtle?" galit na tanong ni Master.

"Oo, ano naman ngayon?" sagot ni prinsesa.

"A while ago, you are comparing me to a cockcroach and now to a turtle! Do I look like those ugly animals?!" tanong ulit ni Master.

"Eto salamin, tignan mo!" sabay bigay ni boss ng salamin kay Master. T*kte! Kung di lang kami nasa alanganin ngayon, baka tumawa na kami ng malakas! Ibang klase talaga si boss! Panalo!

Pagkalikong pakaliko nila, huminga na ulit kaming lahat. Tang*na, tagal din naming nagpigil ng hiniga!

"Coast is clear!" sabi ni Hans.

"Hooooh! Hulog talaga ng langit si boss!" sabi naman ni Michael.

"Buti nalang dumating si boss kundi baka pinaglalamayan na tayo ngayon!" sabi ni Jack.

"Oo nga. Madaming iiyak na babae panigurado." Pagmamayabang ni Ash.

"Mababawasan ang kakaunting populasyon ng mga gwapo sa mundo pag nagkataon." Pagmamalaki ni Rick.

"G*go kasi tong si Chris, napakaingay!" sabat ni Louie.

"Tarant*do. Ikaw kaya yun!" sagot naman ni Chris.

"Tama na nga yan. Pumasok na tayo't baka mapagdiskitahan pa tayo ni Master 'pag di pa tayo nakitang nakasunod sa kanila!"sabi ko nalang para matigil na ang walang kwentang pagsisisihan at pagtatalo nila. Pasalamat nalang kami at nadugtungan pa ang buhay namin dahil sa pagdating ni boss. Bagay talaga sya kay Master.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

AUTHOR'S NOTE:

Hi! Pasensya na ulit kung maikli. Pasensya na din pa sa mga bad words..

Marami pang kulitan ang mga Knights!  Stay tune :)

Thanks for reading! Tingin nyo, papayag kayang magPOV si Prince?

PLAYBOY GANGSTER'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon