CHAPTER III: WIFE (PART 2)

174 1 0
                                    

CHESKA ELLAINE'S POV

*continuation...

Nakangiti pa rin sya. Di ako makapagreact o maka-imik. I am shocked!

Ano? Akala nyo kinilig ako sa pagtawag nya sakin ng WIFE? Nah ah! Isa lang ang ibig sabihin nun. WIFE means trouble. Kapag tinatawag nya kong wife, ibig sabihin may problema kami. At ang madalas naman na nagiging problema na kasali ako at sya ay pagdating kina Tito Francis at Tita Kelly, ang parents ni Prince. Tulad nung nagdecide silang patirahin kame sa iisang bahay pagkatapos naming ikasal nung sembreak nung October-November.

*FLASHBACK*

"Okay guys, tutal kasal na kayo, ito ang regalo ko sa inyo." Sabi ni Tito Francis sabay bigay samin ng isang susi.

"Para saan po yan? Susi ng locker o susi ng aparador?" tanong ko naman. After reception kinausap kami nina Tito Francis at Tita Kelly.

"Tsss. Slow." Narinig kong bulong ni Prince. Tatanungin ko na sana si Prince pero biglang nagsalita si Tita Kelly.

"Okay, Prince here's the address. Take care of Cheska. Now, go home." Sabi ni Tita Kelly kay Prince sabay bigay kay Prince ng isang papel. Pinapauwi na kame? Bakit mauuna na kami sa mansion? Address? Para saan naman? Eh alam naman naming ang address ng mansion ah?

"Prince, bakit di sasabay satin sina Tita pauwi? At para saan yang papel at susi?" tanong ko kay Prince habang naglalakad papuntang kotse. Saktong nasa kotse na nya kami ng sumagot sya.

"You'll know later, WIFE."

*END OF FLASHBACK*

I swear, kinilabutan ako nung tinawag nya kong WIFE nun. At nagulat nalang ako na sa ibang bahay kame pumunta at ang bahay na yun ay ang magiging bahay namin. Another proof?

*FLASHBACK*

*2 weeks after nung lumipat kame ng bahay...*

Kasalukuyan akong nagtitiklop ng damit sa kwarto ko. Buti nalang at hiwalay kame ng kwarto ni Prince, kung hindi, ay ewan ko nalang. Baka sa sala nalang ako matutulog kung iisang kwarto lang ang meron.

*tok tok tok

"Bukas yan." Sabi ko. Alam ko namang si Prince yun, haller? Eh dadalawa lang naman kami dito sa bahay. Ano naman kayang kailangan nun? Ni hindi nga ako pinapansin mapadito man sa bahay o sa school tapos ngayon kakatok sa kwarto ko?

"We're going to somewhere WIFE." Sabi nya at kinabahan nanaman ako.

*END OF FLASHBACK*

That time, Tito Francis required us to go with them to a party. Para akong tinorture nun dahil Tita Kelly said it is a formal party so I have to wear a dress and I don't have one, even heels. Sorry, pero boyish ako manamit, loose t-shirt at ragged jeans ang get up ko palagi. Kaya ayun, pinagshopping ako ni Tita and she even send me to a parlor! I have to wear dress and heels and put make up and I'm not a type of girl that does that. That was a nightmare! Si Prince? Ayun, masayang masayang pinapanuod akong nahihirapang maglakad dahil sa heels! Aishh!

And now, tinawag nanaman nya kong WIFE. I don't have a good feeling about this. Parang mas okay pa yatang tawagin nya ko sa second name ko kesa sa salitang 'WIFE'.

"Why suddenly being quiet? Nervous?" he said smirking. 'Nak ng tokwa, yan na nga ba sinasabi ko eh. Alam nyang alam ko ang ibig sabihin ng pagtawag nya sakin ng WIFE.

"O-oh? P-problema mo?" yan lang ang tangi kong nasabi.

"Ready to hear it?" natatawa nyang tanong. Alam kong sa pagtawa nya nun ay nang-aasar pa rin sya.

"F-fire away." Kinakabahan ko pa ding sagot. Ano nanaman this time?

"Mom gave us her belated wedding gift. We'll have our honeymoon next week at Hawaii." Boom! At parang may bombang sumabog sa tenga ko nang sabihin nya 'yon. At feeling ko, lumuwa din ang mga mata dahil sa sinabi nya.

"H-hah?" para akong nabingi dahil sa pasabog na narinig ko. H-honeymoon?

"Want me to repeat what I had just said?" halatang nag-aasar pa rin sya. Kainis! Mukhang talo ako sa pagkakataong to ah?

"Don't fool me." Pagmamatigas ko. Malay mo di pala totoo yun? Baka sinasabi lang nya yun para asarin ako?

"Why would I, WIFE?" nakangiti pa rin ang loko.

"Will stop calling me Wife!?" Inis kong sabi. Tsk. Mukhang di nga joke yun ah. Patay ako neto. Anong gagawin ko? Paano ko tatakasan to?

"You are my wife. Why can't I call you wife? And besides, I love calling you that." Pang aasar pa nya.

"Wife mo mukha mo! Ipis!" bulyaw ko sa kanya, nakakainis talaga!

"What?" sabi nya. Medyo nawala yung ngiti nya. Hahahaha siguro, dahil sa narinig nya. Haha, ayaw din nyang kinukumpara sya sa kung sino sino lalo na sa kung ano ano! Hahahahaha

"Sabi mo, I'm your wife so you're calling me Wife. Then, you're a cockcroach. Ipis! Kasi palagi mo nalang akong pinepeste!" sabi ko hahahaha. Nalukot ang mukha nya dahil sa pagcocompare ko sa kanya sa ipis!

"You really love teasing me are you?" seryosong tanong nya.

"Very." Simpleng sagot ko. Hahahaha totoo naman eh, pikon kasi sya kaya mas masarap asarin! Hahahahaha I think, I may be able to win this convo!

"Well, me too. So, what are you planning to wear on our special night?" nakangiting sabi nya.

Or not? Namutla ako dahil sa sinabi nya! Gosh, nakalimutan ko yung tungkol dun! Arg!! At pagnaiisip kong honeymoon yun, parang napupunta naman lahat ng dugo ko sa mukha ko! Feeling ko, pulang pla ko!

"I think I won this time Haha! You're red as a tomato. Don't be too excited Hahaha!" pagbubunyi nya. Pero, di ko na sya pinansin! Ugh! What to do? I'm doomed!


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

AUTHOR'S NOTE:

Hello! Pasensya na kung maikli lang tong chapter na 'to. Continuation lang kasi ehh haha. Babawi nalang ako :)

Up next: Kikilalanin natin ang mga Knights!

Thank you for reading :)

PLAYBOY GANGSTER'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon