CHAPTER II: WIFE (PART 1)

222 4 0
                                    

CHESKA ELLAINE'S POV

*Tuesday

Maaga akong pumasok ngayon. Ayoko ngang makasabay yung Prince na yun!

"Cheska!!!" nagulat ako nung niyakap ako nung kambal ng tadhana.

"T-teka, di ako makahinga! Bitaw!" nagpupumiglas kong sabi.

"Okay ka na ba? Wala ka namang sugat?" tanong ni Kristel.

"Naligtas ka ba ng maayos ng mga Knights?" sabay na tanong ni Krizzelle.

"Hep! Hep! Hep! Isa isa lang ang tanong pwede? Una, okay naman ako, buhay pa. At pangalawa, oo, niligtas nga ako ng mga Knights." paliwanag ko.

"Haayy. Buti nalang talaga at nandoon sila sa hideout nila kaya nasabi agad naming ang nangyari sa'yo. Nga pala, pasensya na kung wala kaming nagawa kahapon para tulungan ka ah?" malungkot na sabi ni Krizzelle.

"Oo nga. Ni hindi ka man lang naming naipagtanggol. Tinutukan kasi kame ng kutsilyo ng mga panget na kidnappers eh!" dagdag pa ni Kristel.

"Hoy, wag nga kayong magdramang dalawa. Kayo nga ang dahilan kung bakit ako naligtas eh. Kung hindi nyo sinabi sa mga Knights na nakidnap ako, edi sana di ako naligtas kaya cheer up!" sabi ko sa kanila

"Thank you." Masayang pasasalamat ko pa.

"Awww. You're welcome Cheska!" natouched nilang sabi.

"Sige na, mauna na ko at malelate na ko sa first subject ko. Kita nalang tayo mamayang lunch." Paalam ko sa kanila. Di kasi kame magkakaklase eh. Pero may ilang subject na kaklase ko sila. Buti nga at pare-pareho ang time ng lunch break at uwian namin eh.

Naglalakad na ako sa hallway papuntang room nang may humarang saking isang grupo ng mga babae. Patay. Ang Dark Knights fans club. Sila ang mga babaeng patay na patay sa mga myembro ng Dark Knights. Sila din ang kilalang mean girls sa school.

"Hoy ikaw Cheska! May nakakita sa'yo na nakasakay ka sa motor ni Spade kahapon!" sabi ni Jessica, leader nila.

"Oo nga! Asawa mo na nga si Prince, pati ba naman si Spade tinatarget mo?!" sabi ng isa sa mga alipores ni Jessica.

"Inagaw mo na nga samin si Prince, pati ba naman ang ibang Knights, aagawin mo ha?!" dagdag pa nung isang nagmukha ng clown sa kapal ng makeup.

"Hoy mga palakang mukhang clown! Unang una, di ko inagaw sa inyo si Prince! Pangalawa, di ko tinatarget si Spade! At pangatlo, wala akong aagawin sa inyo dahil wala namang sa inyo!" pasigaw kong sabi sa kanila. Di naman ako magpapaapi sa mga 'to noh.

"A-anong tinawag mo samin? How dare you! Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" galit na sabi ni Jessica.

"Oh, relax ka lang. nagiging kasing pula na ng labi mong pinukpok ng dos por dos yang ilong mo eh. Lalo kang nagmumukhang clown! Hahahahahaha" pang-aasar ko sa kanya.

"You b*tch! Girls! Hawakan sya!" utos nya sa mga kampon nya.

May humawak sa dalawa kong kamay kaya nagpumiglas ako.

"Ano ba! Bitawan nyo nga ako!" pagalit kong sabi.

"Now, kailangan kang maturuan ng leksyon. Dapat kilalanin mo kung sino ang babanggain mo, b*tch!" sinugod nya ko at sasabunutan na sana ako pero bigla nalang syang napaatras nang may magsalita sa likod ko.

"Ikaw ang dapat kumilala sa binabangga mo Jessica." Boses ng isang lalaki ang nagsalita sa likod ko. Nakakatakot ang tono ng boses nito, para bang kahit anong oras, kaya ka nyang patayin. Bigla na rin akong binitiwan ng mga alipores ni Jessica.

PLAYBOY GANGSTER'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon