CHAPTER 50: AMITY AND ARMISTICE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Amber, anak. You have to rest. The wound on your head has been stiched at kahit daplis lang ang tama mo sa binti..."

"Where's Gray and Ryu Mom? Dad?!" tanong ko ulit. My self is least of my concern now. I need to know where Gray and Ryu are. I need to see them. I need to check if they're fine. I need to talk to them. I HAVE TO TALK TO THEM! I'm preparing punches for them! Ang tanga nila! They're not heroes! Balak ba nilang agawan ng pwesto sa Luneta si Rizal?! Rizal died for the country and it's worth it! But those silly guys? They don't have to die for me! I'm not worth it!

"Anak―"

"JUST ANSWER ME!" nagulat sila sa pagsigaw ko. Agad namang dumaloy ang mga luha sa mata ko. Shit! I really hate this! Nagawa ko pang sigawan sina Mommy at Daddy. "I-I'm sorry. Mom. D-dad. I'm just so desperate to know their whereabouts. Please. Please answer me."

Napabuntong-hininga naman si Daddy. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Listen sweetie, but please be calm okay?"

Dahan-dahan akong tumango ngunit kinakabahan ako. I just hope that they're fine. I still want to see Gray solve many cases. Si Ryu, kahit araw-araw niyang pagbantaan ang buhay ko, ayos lang! Kahit mag-smirk siya sa akin sa buong buhay niya, fine with me as long as they have to live. Please. I'm asking You. Let them live.

"Both of them have undergone surgery kaninang madaling araw at natanggal na ang bala sa katawan nila. Ryu already gained conciousness but Gray," Dad paused for a while.

"Why? What happened to Gray?"

"Gray suffered too much blood loss when the bullet penetrated through his lungs and it complicates everything. He's in the intensive care unit now," wika ni Dad at napaamang ako sa narinig. I want to shout ngunit tila may blade sa lalamunan ko. It hurts like hell! I glanced at Dad's watch and it was already 3 in the afternoon. I've slept that much? Ang pagkakatanda ko ay hatinggabi nangyari ang lahat.

Marion. Bakit si Marion? No, I should put it this way. Bakit iyon nangyari? Bumangon ako sa kama ko. I really need to see them ngunit pinigilan ako nima Mommy at Daddy.

"Stay still Amber. Kailangan mo munang magpahinga," wika ni Mommy at pinigilan ako sa akmang pagtayo.

"I'm fine Mom. Wala akong nararamdamang sakit sa katawan. I had enough rest too," wika ko. That's a lie. Masakit ang binti ko at maging ang ulo ko but I need to see them.

"Just stay in―"

"Please Mom? Dad?" I looked at them with pleading eyes. Napabuntong hininga naman si Daddy.

"Fine. I'll just ask for a wheelchair. And you can only see Ryu. Not Gray dahil nasa ICU pa ito, got it sweetie?" he asked and I nodded. Gosh, what did I do to deserve such understanding parents and heroic friends? Kahit pa sabihin nating hindi ko kaibigan si Ryu.

Nang bumalik si Daddy ay may dala na siyang wheelchair at agad niya akong dinala sa hospital suite ni Ryu. Dad knocked few times at ang nakangiting mukha ni Artemis ang bumungad sa amin.

"Oh, Hi Amber. How do you feel?"

"Never been better. Where's Ryu?" I asked her. I don't want to reminisce the first time that I saw her kaya mas pinili kong maging komportable sa pakikipag-usap sa kanya.

"Hali ka," she said and guided me. Nagpaalam naman si Dad na sa labas lamang siya maghihintay. Agad na tinulak ni Artemis ang wheelchair ko palapit sa kama kung saan naroon si Ryu. He was lying on the bed and a pair of headset is tucked on his ears. Artemis pulled his headset to get his attention.

"Hey you've got a distressed visitor. Aalis muna ako upang makapag-usap kayo. Bye Amber!" wika niya at nakangiting tumango lang ako.

Nang makaalis na sila Artemis ay wala ni isa man ang nagtangkang magsalita sa amin ni Ryu. Hindi siya nakatiis, he smirked at pinitik ang ilong ko.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon