Pero mali pala yun, kasi may girlfriend siya. Nang hindi ko alam.

Nagalit ako sakanya, kasi syempre paasa yung labas niya eh. So nilayuan namin ang isa't isa.

Alam ng teammates ko, pati teammates nya yung nangyari. Eh one time inasar kami ni Jeron. Kaibigan namin.

"Jeron! Penge nga nung donut! Gutom na ako eh!" Sabi ko kay Jeron habang nagpupunas ng pawis. Kakatapos lang kasi nung training. Ako nalang naiwan na babae dito. Tapos sakto magppractice sila Jeron at kumakain sila ng donuts.

"Ah sige teka, Thom! Pakibigyan naman ng donuts si Ara!" Nagulat ako kasi siya yung may dalang dalawang box ng donuts.

"Ay sige, Je, okay na pala ako. Salamat nalang." Ramdam ko kasi na palapit na si Thomas. Nagmmove on ako, mga teh! Kailangan ng space!

"Asus! Akala ko ba okay na kayo?" Tanong ni Jeron.

"Okay naman kami, ah?" Bigla akong kinabahan kasi nasa tapat ko na siya.

And sht, ang pogi pogi niya.

"Edi bigyan mo ng donuts! Ikaw naman Ara Idol tanggapin mo!" Tinanggap ko na. Sht na malagkit buti nalang di ko nahawakan kamay niya kung hindi..

Umalis siya agad pagkabigay saakin. Tapos tsaka ko hinampas ng hinampas si Jeron.

"Bakit mo ginawa yon, Je?! Lam mo naman na nagmmove on ako eh!!" Patuloy lang yung hampas ko sakanya. Siya naman aray ng aray.

"Eh kasi--aray! Teka Ara pagexplainin mo ako!" Tumigil naman ako at natawa kasi kita mo sakanya na nasasaktan na talaga!

"Kasi naguusap kami ni Thom tungkol sa basketball. Tapos biglang nagchange topic..."

"Ikaw yung binanggit nya." Tumaas baba pa kilay niya, nangaasar talaga. Binatukan ko siya.

"Ituloy mo na!"

"Tapos tinanong ko siya kung gusto ka ba niya.." Ngumiti sya sakin ng nakakaloko.

Bago magsalita si Jeron, inunahan ko na siya. "Je, alam ko naman na yun. May girlfriend na siya. Ayoko na manggulo, okay? Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ako para sakanya. Tanggap ko na. Magiging masaya nalang ako para sakanya. Sige, Je, una na ako. Bye."

--

After 3 years, okay na kami. Time heals all wounds nga diba?

Okay na ako sa volleyball career ko, nakagraduate na ako sa La Salle. Siya naman, may isang taon pa sa UAAP. I'm currently playing sa F2 Logistics sa PSL.

And, I'm single na. Nagbreak kami ng ex ko three months ago. Sawa na kasi ako intindihin siya. Sarili ko muna iintindihin ko ngayon.

Wala na akong balita kay Torres. Busy kasi ako sa business ko at volleyball. Makakapaglovelife pa kaya ako nito?

Sakto, day off ko ngayon. Nakatambay lang ako dito sa condo, nang tumawag si Mama.

"Hello, Ma?"

(Victonara! Alam kong day off mo ngayon pero pumunta ka sa Tita Jane mo! Mag Sky Ranch daw kayo!) Shet, e nanay ni Thomas yun ah!

"HA?! Bakit naman ako pupunta dun!?"

(Pupunta kasi silang Tagaytay, Sky Ranch. Niyaya niya tayo. Eh busy ako. Kaya sabi ko ikaw nalang.) HAY NAKO NANAY KO TALAGA!!!

"Ma naman...inaayos ko yung business ko!!"

(Hoy Victonara, day off mo ngayon at kahit kelan sa day off mo di ka nagtrabaho. Tsaka first time mo pumunta sa Sky Ranch diba? Wag na maarte. Ibababa ko na 'to. Mag ayos ka na jan, bye.) Pagkatapos niya iend yung call nagtext na si Tita Jane.

Alternate UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon