Part -4

5 0 0
                                        


-School year 2015-2016, bagong bukas pa lang ng klase. June 2015, mas naging challenging sakin ang section ko dahil nasa pilot section ako and that sounded scary for me knowing na matatalino ang mga kaklase ko. Classmate ko pa rin si Rain at Angel, mas close ako kay Rain this time kesa kay Angel. May kanya-kanyang kaibigan na kasi. Mapa recess, lunch, at pag walang discussion nasa upuan ako ni Rain na nakikipag –usap, may nadagdag din kasi sa mga malapit sakin, kagaya ni Adel, at Kyla kaya mas naging makulit at magulo ako. Yung "tropang makukulit"?wala na, bumagsak na. Wala na talagang tiwala si Angel sa Grupo kaya mas gusto nalang niyang kalimutan ito. Pero heto ako, nananatili pa ring tanga at bulag sa katotohanang alam ko namang wala talagang mangyayari kung ipipilit ko pa yung issue ng poser thingy, parang ako na nga lang ata ang naniniwala. Si Dj at Ate, naghiwalay na rin, 1 month ago, sinubukan ko pa ngang maging referee dahil baka pwede pang maayospero wala talaga akong nagawa .Yung reason? Na fall-out daw si Ate at nagkaroon ng ibang ka MU habang sila pa ni Dj; yun yung sabi ni Dj sakin nun at hindi ko narinig ang side ni ate nung panahon na yun. Napagod si Dj dahil wala ng time si ate sa kanya. Kinausap ko si ate ilang araw pa lang ang nakakalipas, napag-usapan namin yung tungkol sa poser thingy at sumang-ayon ako sa mga naobserbahan niya, yung pinsan ni Rain na si Ilyana, may pinsan din daw si Dj sa Manila na Ilyana rin ang pangalan, yung tungkol rin sa palaging napopostpone na pagbisitani Dj sa Cebu, sabi niya kasi bibisita siya nung December pero sabi niya na hospital daw siya at ang nakakatawa na amnesia daw siya at sinabi niya na sa April nalang raw kaso wala pa rin. Sinabi ko rin yung mga opinyon ko, at napagkasunduan namin na hayaan nalang muna at ako nalang ang bahala. Pag sinabi ko kasing ako ang bahala, sinasabi ko rin sa sarili ko na ako nalang ang tutuklas kung si Rain ba at si Dj ay iisa. Pero ang naglalaro sa isipan ko ay bakit boses lalaki ang naririnig ko sa tuwing tumatawag si Dj eh babae naman si Rain.

Ang gusto ko lang kasi gawin nung mga panahong yun ay malaman talaga ang katotohanan. Hindi naglaon kami ni Dj ang mas naging malapit sa isa't-isa. Yung kahit hindi pa kami, alam na namin na may something pero ayaw naming aminin. At nung nagdesisyon siya na manligaw, ang nasa isip ko lang talaga ay gagamitin lang ang pagkakataon para kung sakali, siya na mismo ang umamin. Iba siya sa lahat ng lalaking kilala ko, siya yung tipong, pag tinetext mo walang 30 seconds, nag rereply agad. Ako yung palaging inuuna niya sa lahat ng priority niya. Yung pagiging sweet niya na dinadaan sa kanta lahat ng gusto niyang sabihin sakin. When you think you found a man in your dreams pero yung kalooblooban mo alam mong babae yung nahanap mo. Alam ko naman na poser na talaga, na si Rain siya. Pero alam mo yung feeling na iniisip ko na baka natuluyan nako sa pagiging tomboy ko kasi kahit anong gawin ko hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Dj, minsan hinihiling ko na sana mali lang yung duda ko, na imbes siya yung mahulog, ako yung nahuli sa sarili kong bitag. Yung tipong sa bawat may basketball game daw siya, sobra akong nag-aalala kasi baka anong mangyari. Yung ganitong mga message;

"Uy Lo, seryoso maglalaro ka? Eh Lo pa'nu pag sumakit ulo mo?"

"Lo baon ka ng tubig tsaka towel ha? Wag magpapa tuyo ng pawis baka mapasma ka, Yung tubig inumin mo everytime may time out"

"Lolo koh, pag may problema sabihin mo agad kay coach para pagpahingahin ka muna"

"Play fairly okay? Iwasan mo yung mga physical maglaro, sumbong mo agad kay coach :)"

-Yung mga ganun tapos pinaghahanda ko pa siya lagi ng cheer tas isesend ko sa kanya before the game. Then every ten minutes ni reremind ko siya sa mga bilin ko. Lagi ko pa siyang sinesendanng mga "Yehey! Nakailang paulan ka na ng three points lolo koh!?"

"Kamusta ang game? MVP ka na noh?"

And everytime sinasabi niyang tapos na yung game at sila yung panalo, nagiging proud ako. Sinasabihan ko pa siya na "umuwi ka kaagad ha at kung pagod ka, pahinga ka muna di na muna kita didisturbuhin." Kung may contest lang ng pagiging tanga malamang undefeated nako.


Poser or not?Where stories live. Discover now