Heto na, heto na ang kwentong hindi ko alam kung paanosisimulan .Kwentong hindi ko alam kung masaya ba ang kakahinatnan o sadyang malungkot lang talaga. Ako si Thaliah Cruz Gonzales. Isang highschool student na isinusulat ang sarili niyang kwento. Kwentong lahat ng nakasaad rito ay sadyang galing sa kung ano ang nasa kailalim-laliman ng puso ko. Hindi utak ang ginagamit sa pagsusulat ngunit ang sariling damdamin ang nagpapahayag ng kung ano ang mga salitang isusulat. Isa lang naman akong simpleng babae na nag-aaral na may simpleng buhay. Hayaan ninyo akong dalhin kayo sa mundo ng buhay ko, buhay ko na minsan iniisip ng iba na wala ng kulay, siguro habang nagbabasa kayo ngayon ay iniisip niyo na baka maiinip lamang kayo sa kwento ko .
Ito angkwento ko... It was just September 2014 when I was so closed with a girl-friend. Minsan nga napagpapalit ko na siya sa mga kaibigan ko na mas matagal ko ng kilala just like Angel, simula Gr. 5 kaibigan ko na si Angel but then this Rain came and I spend almost all of my time with her and the strings between me and Angel were no longer tied. Syempre pag kaibigan mas nakikilala mo yung tao. Then Rain and I were so closed just because of the same personality we have. Both of us have a jolly personality, yung personalidad na kaya mong pakisamahan. Kung kantahan ang pag-uusapan, lagi kaming nagkakasundo. Pero nang lumipas ang mga araw, naging parte na rin si Angel ng pagkakaibigan namin. Daig pa namin ang mga girl group dahil sa kakulitan naming tatlo. Then, just one day we were talking about a certain k-pop boy group, hindi naman sa mahilig ako sa k-pop pero minsan naiimpluwensyahan na'ko ni Angel, na kung minsan hindi ko naiintindihan kasi nag ko-korean. We were sharing each other's thoughts ng bigla nalang sinabi ni Rain na, "May pinsan akong half-korean". So the common reaction was shocked pero may halong excitement aba! Minsan lang may abot kamay na Korean noh.
"Anong pangalan?"
"DJ"
-Wala akong magawa kung hindi tumawa kasi nililipad na'ko ng imagination ko na baka may forever na'ko. Tanong kami ng tanong ni Angel kay Rain ng tungkol sa pinsan niya umano. I still remember when we asked Rain kung nakapunta na ba ng Cebu yung pinsan niya dahil sa Manila ngayon nakatira then she answered yes.
"Uhmm.Anong surname?" – tanong naman ni Angel na kabisado lahat ng apelyido ng mga Korean.
"Basta, parang bulaklak.."
"Bulaklak?Anong first letter?"
"R"
-Kaya yung utak ko nag-iisip na ng mga bulaklak.
"Rose?" – tanong ko ng may alinlangan kasi hindi ko naman napapansin na may Rose na apelyido sa korea.
"Hindi" – nag isip ulit ako pero wala na akong maisip na ibang bulaklak na nagsisimula sa 'r' kaya nagbiro nalang ako.
"Rumamela?Rantan?"
-tumawa nalang sila kaya tinanong ko nalang kung ano ba talaga
"Rose hahaha"
-Kaya umarangkadana ang tanong na ating k-pop na si Angel LopezStanford
"Wala namang Korean na Rose ha? Baka mama niya yung Korean at hindi yung papa niya?"
"Yung papa niya talaga"
-Kaya no imik nalang kami, sabi ni Rain ipapakilala niya raw kami at bibigyan daw ng pictures kung papasa ba daw sa amin.
But then I was not able to see the photo so I let Angel see it first. Then she said to me in the morning na pogi naman daw kaya mas lalo akong na excite. So when I got home, pagkatapos ng lahat ng gawain binuksan ko agad yung laptop at nag fb para makita ko na yung photo ng sinasabing pinsan ni Rain. At yun nga pogi nga siya..sobrang pogi niya..
Kaya kinabukasan ang harot ko, ang ingay ko, at pinagpapalo si Rain dahil ng dahil sa kanya nagka instant crush ang lesbian attitude ko at masasabing hindi nga ako lesbian.
"May fb account ba siya?
-See? Kababae kong tao ang landi ko?
"Meron naman"
"Sabina nga ba Thaliah, crush mo na"
"Crush lang naman"
"Anong fb account? Siya nga pala Rain, paano kayo naging magpinsan?" – Tanong na naman ng magandang si Angel.
"Huh? Ah basta pinsan ko siya tsaka Derek James Rose yung pangalan niya sa fb niya"
-Kaya nun nakauwi ako, hinanap ko agad kaso yung nakita ko babae yung profile picture kaya nagdalawang isip muna ako kaya tinanong ko nalang si Rain sabi niya yun daw, yung babae girlfriend daw kasi ni DJ yun. Medyo nalungkot ako, may girlfriend daw kasi yung crush ko pero ayan in-add ko pa rin, wala eh..crush ko lang naman kaya anong magagawa ko kung may girlfriend, alangang magpaka kontrabida ako.
Walang 10 minutes in-accept niya yung request ko kaya nag message ako agad. Natatandaan ko nung tinanong ko kung girlfriend niya ba talaga yung profile niya sabi niya namang "Oo" with matching malaking ngiti ng emoticon pa kaya nawalan nako ng pag-asa kaya kaibigan nalang talaga ako kaya friendzone alert na to the highest level. Everytime na pumapasok ako puro nalang kami chikahan tungkol sa pinsan ni Rain. Si Rain naman tawa ng tawa dahil sa inaakto ko na sobrang crush na crush yung pinsan niya. Dahi kay Dj, mas naging close kami ni Rain. Halos hindi na kami magkahiwalay. Eto namang si Angel, may nakilala ring pinsan umano ni DJ, Kevin Rose Ugbamin yung pangalan at dahil dun ginawan na ng paraan ng tadhana na magkausap yung dalawa. Unlike DJ, mas seryoso at mas cold si Kevin. Parang 4 yrs. Old na bata na walang masyadong alam na words kasi tag tatatlong salita lang ang reply sa tuwing kinakausap ito. Ang kaso nga lang, walang fb si Kevin kaya nakikigamit lang siya ng fb ni DJ, wala ring phone kaya ayan sa tuwing online ako, si DJ nalang yung unang nag memessage sakin para malaman ko kung siya ba yung gumagamit at hindi si Kevin. Nakilala ko rin yung girlfriend ni DJ na mahal na mahal niya raw. Taga Cebu rin kaya long distance relationship sila. Mabait siya, maganda kaso may asthma at hindi nagtagal naging ate-ate ko na siya. Happy naman sila kaya happy na rin kaming magkakaibigan.
Naaalala ko pa nung ginawan pa namin ni Rain ng pangalan yung barkada namin. "Tropang Makukulit" ikanga. Galing sa tawagan nila DJ at Ate na "kulit". Ewan ko kung sa'n galing yun. Lumipas yung mga araw mas naging malapit kaming magtropa sa isa't-isa. Kahit sa fb lang nagkaka-usap usap talagang ginawan pa namin ng group chat. Masaya, masayang magkaroon ng mga kaibigan na kagaya nila kahit na aminin kong nagseselos ako sa love team na "kulit", sino ba namang hindi maiinggit eh sa group chat naghaharutan yung dalawa, may pa "Kulit, sabi ni pooh I love you daw" kahit alam naman namin na nag aa-I love youhan na yung dalawa sa group chat.
YOU ARE READING
Poser or not?
Short StoryPoser or not? Kung nasubukan niyo na na mapaglaruan, lokohin, paikutin lalo na ng matalik na kaibigan? Hindi ka nag-iisa, feel na feel kita kaya sino pa bang magsasasama-sama? Edi tayong mga pinagmukhang tanga.
