Part -2

7 0 1
                                        


But then 1 issue changed everything. Just one night nang naabutan ko sa group chat na nag-aaway yung dalawa,it was about a poser thingy. Poser, as in hindi totoo si DJ? Seryoso? Muntik na silang maghiwalay at nagdesisyon si ate na cool-off daw muna sila.

Sabi ni ate search daw namin yung "huang xinhao" sa google. Sinearch ko naman, nagulat ako kasi kamukha nga ni Dj. Medyo naguluhan ako, bakit niya naman gagawin yun? Nag message ako kay Dj kung anong nangyayari, sabi niya mahabang storya daw, kaya sabi ko kahit summary man lang. Sabi niya, kuya-kuyahan niya raw yun sa Korea, kamukha lang daw niya. Ang imposible naman ata, hindi sila magkapatid pero lahat ng features sa mukha kapareha? Pati yung lugar ng lunal?

Kinabukasan kinausap ko agad si Rain tungkol dun. Sabi niya hindi niya raw alam ang tungkol dun. Kaya naniwala nalang ako kay Dj, nabulag na ata ako. Kaming tatlo naniwala kay Dj, para kaming tanga kasi inaway namin si ate, binash, nilabasan ng hatred. I still remember nang sinabihan namin si Ate na wala siyang tiwala kahit boyfriend niya yung tao. Syempre ako, nagagalit kasi bakit ganun si ate, bakit pinagdudahan niya si Dj. Nagkwentuhan kami ni Rain nang sinabi niya sakin na may sakit daw si Dj, na natamaan raw ng gun bullet si Dj sa ulo noong bata pa siya..mala "Got to believe" lang ni Daniel Padilla ang peg ni Rain nung kinukwento niya samin yun. Syempre kami, alalang alala kay Dj dahil nga sa nalaman namin. Pagkauwi ko, nabalitaan ko kay Kevin na na hospital si Dj, ewan ko pero natataranta ako, nag aalala, nagagalit kay ate basta ewan kung bakit naghahalo na yung nararamdaman ko. Kinamusta ko agad kung ano yung lagay ni Dj, tinanong ko kung bakit na hospital siya. Ang sabi lang ni Kevin, nahimatay lang daw bigla. Kaya kinausap ko nalang si Kevin na sabihan si ate pero maski siya galit na siya kay ate, sabi niya bakit daw pinagdudahan ni ate si Dj kung mahal niya talaga ito. Ganun rin yung nararamdaman ko nung mga panahon na yun.

Lumipas yung mga araw at nagkaayos yung dalawa dahil nga sa pagkahospital ni Dj, nag sorry si Dj dahil hindi niya sinabi agad, nag sorry din si ate kasi pabigla-bigla siya. Balik sa dati ang lahat matapos nun, nakalimutan namin yun. Si Kevin at Angel, naging sila. Kaso nga lang wala pa ring fb si Kevin kaya ginawan ni Angel, ayun masaya na ulit. Si Dj mas naging close sakin kasi ako daw yung mas nagtiwala sa kanya imbes na si Ate yung girlfriend niya. Naaalala ko pa nung sinabi niya sakin na sana hindi na maulit yun, na sana pagkatiwalaan siya ni ate ng kagaya sa pagtitiwala ko sa kanya. Naaaalala ko rin kung paano niya hiningi yung number ko. Kung paano siya nahihiya at hindi masabi nang deritso.

"La, may cellphone ka?"

-Lolo koh at Lola koh kasi yung tawagan namin kasi pino"po" namin yung isa't-isa at walang tumatanggap kung sino ang mas matanda kaya nag desisyon kaming lolo't lola nalang.

"Meron"

"Penge.."

"Ng cellphone? Hala jusko Lo, hindi ako mayaman, nanghihingi ka pa ng cellphone"

"Hindi ganun La.."

"Uy Lo ha, ang yaman yaman mo, sakin ka pa nanghihingi"

"Hindi naman cellphone yung hinihingi ko La"

"Eh ano?"

"Ayy wag na nga lang"

"Aww okay."

"Eh penge nga.."

"Ng ano nga?"

"Number"

"Number?number 1"

"Lola naman eh."

"Ayy ayoko nga, hindi ko pinapamigay number ko"

-Kaya ayun hindi ko binigay number ko kasi nahihiya ako. Umabot ng 1 week yung panghihingi niya kaya wala akong nagawa kundi ibigay nalang. Naaalala ko nung 1st tawag niya, nagtago ako sa likod ng bahay namin para hindi ako marinig ni mama. Sobrang kinikilig ako nun, para akong timang kasi hindi ako masyadong makapagsalita. Yung text namin araw-araw, yung tawagan naging araw-araw rin, ni halos ayaw ko ng bitawan yung cellphone ko, pinagalitan ako ni mama kasi wala na'kong ibang ginawa kundi mag cellphone, lahat ng oras ko nasa kanya na.

Hanggang isang araw biglang may naghiwalay, biglang may naging cold. Nagtapos yung relasyon nilang dalawa.Nagtapos si Angel at Kevin, 2 months ang tinagal nila. Naghiwalay sila dahil lang sa ibang kabarkada ni Angel, hindi sila boto kay Kevin at talagang idinidiin nila na poser siya, at si Dj. Oo aaminin ko nagalit ako kay Angel, hindi ko siya pinansin kinabukasan dahil ang babaw ng rason niya para hiwalayan yung tao. Minura niya ako kaya mas lalo akong nagtampo sa kanya, ni isang beses hindi ko siya narinig mag mura pero sa harap ko mismo minura niya ko. Dahil daw yun sa isang picture na pinagselosan ni Kevin, sinadya kasi nung mga kaibigan niya na padalhan si Kevin ng picture at sila yung gumamit nung facebook ni Angel. Hinayaan niya lang dahil parang napapagod na siya sa relasyon nila. She found it unusual. Ako mismo, nagdududa na rin pero ayoko munang husgahan sila, wala akong ebidensiya.

Wala akong nagawa, binalewala ko nalang yung issue. Sakin tumakbo ng advice si Kevin, wala naman akong ibang maibigay kundi," baka hindi pa talaga siya yung babae na para sayo". Naging close ako kay Kevin, naging kababatang kapatid ko pa ata. Hanggang sa lumipas yung mga araw na mas nagiging masalita na siya sakin at marunong ng magbiro. Tinukso niya ko na gusto ko yung kuya Dj niya, ako naman todo deny. Hanggang sa inamin ko nalang dahil sa kakulitan niya. Pero ang nakakapagtaka ay kung paano niya nalaman yun.

Dumating yung araw na nag usap na kami nila Angel, sabi niya kukunin niya raw yung fb ni Kevin kasi siya naman raw ang gumawa nun. Um-oo nalang ako dahil desisyon niya yun. Nagpaalam nalang si Kevin sakin na may sama ng loob, na nagbago yung mood, basta ang sabi niya na salamat sa pagiging ate niya. Nagtaka rin ako kasi sinabihan niya ako na baka yun na daw ang huling pag-uusap namin eh wala naman akong naaalala na sinabihan ko siyang kukunin na ni Angel yung fb niya.Inaamin ko nalungkot ako nun kasi nawala nalang bigla yung kapatid-kapatid ko.

Si Dj naman nalungkot rin na nagalit sa desisyon ni Angel. Naaalala ko yung mga katagang binitawan niya.

"La, pag ako nagpunta sa Cebu, lalapitan ko siya at hahawakan yung kamay niya at ilalapit sa mukha ko at sasabihing, oh ano? Totoo diba?"

Tumawa ako pero kinabukasan sinabi ko naman kay Angel yun, hindi naman apektado yung pagkakaibigan namin.

����$p�Q�k

Poser or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon