Part -3

6 0 0
                                        


Hanggang sa dumating yung araw na sana mas maaga nangyari. Yung araw na mas nalinawan yung pag-iisip ko. Kasabay ko si Rain lumabas ng campus. Papunta kami sa sasakyan nila Rain at na excite ako kasi nakita ko sa window si Ilyana. Si Ilyana kasi yung pinsan na bata ni Rain na pinagpala ng cuteness overload.

"Hi Ilyana!" –sabay pisil pa sa pisngi niya dahil nanggigigil akong talaga.

"I'm Ate Thaliah, What is your name?"

"I'm.." –sinimulan niyang magsalita at dahil 4 yrs.old lang siya, dahan-dahan lang siya sa pagsasalita.

"Ilyana.. Miraflor... " – tumawa ako ng bahagya dahil ang cute niya at ang tagal pa niyang masabi yung last name niya.

"Ugbamin.." – Ugbamin..paulit-ulit lang yun sa utak ko, pabalik-balik dahil ayokong maniwala sa narinig ko.

"Yeyy!Very good!"

-Tinignan ko si Rain, siya mismo, natulala dahil sa sinabi ni Ilyana..

"Bakit Ugbamin?"

"Huh? Uhmm basta.." – basta.. sagot niya na lalong mas nakapag pagulo sakin.

Ugbamin ang last name ni Kevin, at sabi ni Rain na she's no longer related with Kevin, ang Ugbamin daw sa Manila raw na last name yun..but Ilyana's last name was Ugbamin.. ayoko nang maniwala, pagod na'kong maniwala... Inis-stalk ko si Rain sa fb, at dun ko nakita yung mga post na nakatag siya, mga auntie niya, Ugbamin yung apelyido.

Pag-uwi ko nabigla ako kasi biglang nag reason out si Dj na nagpanggap lang daw si Kevin na Ugbamin siya, hindi niya inexplain sakin kung bakit pero hindi ko pinahalata na nagdududa na'ko. Wala namang ibang nakakaalam na may narinig akong something about Ilyana's surname, only me and Rain.

Lumipas ang mga araw at mas lalong lumalim ang duda ko kasi sa tuwing may ishi-share ako tungkol sa pinag-usapan namin ni Dj, alam niya, may idea siya at siya mismo yung tumutuloy sa sinasabi ko. Syempre alam ni Angel kung ano yung nararamdaman ko, sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Kevin kung paano naging Ugbamin si Kevin, yung tungkol sa mga kinukwento ko kay Rain, at pati na rin yung tungkol sa pagkakasabay-sabay ng lahat ng schedule ng skwelahan ni Dj sa skwelahan namin, pati na rin sa mga occasions kagaya ng sinulog sa cebu, wala namang sinulog sa Manila kaya bakit nila i-cecelebrate ng program yun sa school nila? And everytime na nandun si Leah na classmate ko rin at pinsan ni Rain, ayaw ni Rain na pinag-uusapan namin si Dj but then isang beses nadulas ako at napag-usapan namin si Dj sa harap mismo ni Leah, si Leah tumawa lang at sinabing "si Rain lang yan". Kaya nung hindi na'ko nakapag pigil, kinompronta ko na siya.

"Ano ba Rain!?Yung totoo?Ikaw ba talaga si Dj?"

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala akong alam diyan sa sinasabi mo"

"Rain bakit parang may tinatago ka? Bakit mas alam mo pa yung pinag-uusapan namin ni Dj kesa sakin?"

"Aba malay ko ba"

-Umiyak siya sa harap ko, yung iyak na ang lalim ng pinanggagalingan. Syempre kasama ko si Angel nung ginawa ko yun. Pero hindi ako nakatiis, nung umiyak siya, niyakap ko nalang siya at binulong na naniniwala ako sa kanya. Ayokong nakikita siyang umiyak dahil parang kapatidna siya sakin. Halos mapaiyak na rin ako sa nangyayari. Wala eh, wala akong nagawa para mapaamin siya.

Pagdating ko sa bahay, expected ko na, na alam na ni Dj yung nangyari at hindi ko pa rin alam kung paano niya nalalaman yung mga nangyayari sakin sa school. Nagtalo kami ng bahagya. Pero hindi naman nagtagal naging okay rin ang lahat. Yung pagkakaibigan namin ni Rain, pilit kong dinidikit ulit.

Nagtapos ang school year 2014-2015 at naging maayos ang lahat. Okay kami ni Rain, okay kaming magbabarkada pero wala na yung isa, nagbago daw si Kevin, sabi ni Dj samin maski siya hindi na masyadong pinapansin ng pinsan niya. Natatandaan ko nung sinabi sakin ni Dj na sumali daw ng gang si Kevin dahil sa hiwalayan nila Angel at hindi nila mapabalik kung hindi si Dj ang mismong kukuha sa kanya. At sabi pa nun na yung mga kagrupo daw ni Kevin, galit kay Dj at gustong saktan yung dalawa. Naaalala ko nung biglang nag chat sakin yung kasama ni Kevin sa gang at pinagmumura ako kaya minura ko rin. Ako yung punong abala nung mga panahong yun, kinuha ko yung loob ng "Gang leader" umano. (A/N: Well, tanga pa'ko nun eh kaya madaling mauto) And hopefully nakuha ko naman, sabi pa nung leader na dapat si Dj talaga at wag magsama ng iba pero nabanggit niya yung tungkol kay Kuya Morgan... Morgan..ang nakakainis ay nagduda ulit ako bakit ganun? Tugma-tugma yung mga pangalan ng mga taong konektado kay Dj at sa mga taong konektado kay Rain. Morgan kasi pangalan nung Papa ni Rain. At Morgan rin ang pangalan ng assisstant umano ni Dj.

&p6_X

Poser or not?Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang