079 [Epilogue]

2.7K 194 125
                                    


Pansin kong malapit ng umusok ang ilong ni Himuro. Pfft. Pikon kasi yang otakung yan!

"Pwede ba Daeyeon! Maglakad ka ng maayos! Tangina tingin ng tingin, ngingiti pa na parang tanga." Asar na salita niya ng tignan ko ulit siya.

"Hahahaha nakakatawa ka talaga Muro!" Hindi ko napigilang tumawa.

"Ano bang problema mo?! Naiirita ako Daeyeon Jung."

Tinigil ko na ang pagtawa. Iritado na siya. Tama na. Pfft.

"Oo na. Titigil na po" Hinawakan ko yung kamay niya. I intertwined our fingers. "Masaya lang ako kasi yung buhok mo pfft. Isa ka na uling living Patatas!"

Kagabi ko di ko alam kung tatakbo ba ko para yakapin siya o tatawa muna kasi blonde na uli yung buhok niya. Orayt! Namiss ko ang patatas na to.

"Tch. Ikaw nga tignan mo yang pinaggagawa mo sa buhok mo" Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko. "Ba't kalahati lang kulay green? Katangahan o naubusan ng pangkulay?"

"Uy grabe siya oh!" Hinampas ko siya sa braso.

Nung nakaraang linggo kasi napagpasyahan naming apat, Ako, si Fix, si Kiel at Xad na magpakulay ng sabay sabay.

Si Fix brown lang. Si Kiel taray nagpula. Si Xad astig silver at ako green ombre. O diba squad goals!

Ako na bagong member ng Hokage. Pinaltan ko na si Himuro. Hahaha.

"Upo tayo" Yaya ni Himuro at hinila ako sa isang bench.

Nandito kami sa isang mall. Wala stroll stroll lang. Namiss ko tong boyfriend kong pajapan japan pa.

"Patatas may napansin ka kay Fix?" Lol. Di ako manhid.

"Na type ka niya? Syempre." Hinila niya ko at inakbayan. O taray possessive. That's my Himuro!

"Selos ka?" Tanong ko. Wala pang asar lang.

"Bakit type mo rin ba siya?" Tanong niya pabalik.

Si Fix gwapo. Given na yun. Pero minsan parang babae. Pero wag ka, malambing yun! Kapag tulog nga lang. Di ko type. Tsaka yak kababata ko si Fix! Kapatid tingin ko sa kanya.

"Hindi. Mga koreano type ko." Casual na sagot ko.

"Paano yun Hapon ako?"

"Edi hindi kita type- Aray!" Tinulak ba naman ako!

"Dyan ka na. Maghanap ka ng koreano mo. Babalik nalang ako ng Japan." Arte niya. Nagpapalambing lang yan. Sus mga galawang hokage.

"Talaga! Maghahanap ako ng koreano as in now na!" Tumayo na ko at naglakad.

Nadaan pa naman namin kanina yung Nature Republic na my poster ni Taeyeon at isang Standee ni Sehun! Omaygadd ang bulol na yun nakita ko dito!

"Oy saan ka pupunta?" Sigaw ni Himuro.

Ang lakas makagago nito. Sabi niya maghanap daw ako diba?

"Maghahanap na." Naglakad uli ako.

"Oy pambihira naman. Nanglalambing lang! Di pa naman ako nakakabili ng kadena. Di pa kita matatali dito sa tabi ko."

Lumingon ako at nakitang nakaupo pa rin siya dun at parang tutang inabandona. Okay ang cute niya.

Bumalik ako tabi niya at humalik sa pisnge niya. Chansing orayt.

"Joke lang! Bati na tayo Patatas Muro Oppa Muro-Chan Himuro ni Daeyeon"

"Sige. Tara sa comic alley" napatigil ako. Teka bakit dun?!

"Ha?! Akala ko ba sa CNA tayo?"

"Asang sumama ako dun. Sa comic alley tayo" sagot niya at tumayo na.

"Hindi sabi mo CNA!" Protesta ko.

"Mamaya pagkagaling natin sa Comic alley" -Himuro.

"Ayoko nga! CNA muna!"

Nagpatigasan kami ng tingin dalawa.

Biglang may nagsalita sa likod ko.

"Pati ba naman pamamasyal pag-aawayan? Tumagal nawa kayo." Paglingon ko si Xad. Kasama yung dalawa pa.

"Mga Men!" Lumapit ako sa kanila at nakipag-apir.

Nagulat ako uli ng may humila sa braso ko at patakbo akong kinaladkad.

"Himuro! Anong kabaliwan to?! Shet ang bilis mo tumakbo! Sandali!"

Tumigil kami at hingal na hingal. Inabutan niya naman at ng tubig at habang umiinom ako pinunasan niya yung mga pawis ko. Sweet mga Bes!

"Ba't ka ba biglang nanghihila?" Nasabi ko ng makahinga na ko ng maayos.

"Wala. Ayoko lang ng may sagabal sa date natin. Akin ka lang kasi"
Sabi niya sabay halik sa labi ko ng mabilis.

Nagyelo lang ako at hinayaan na siyang tangayin ako kung saan.

Minsan hindi mo na kailangan mag-isip na ideal guy.

Para saan pa kung may dadating naman na kokontrahin lahat ng type mo at papatunayan niyang mas better siya.

Parang ultimate bias wrecker lang, gagawin lahat mapalitan niya lang bias list mo.

Sinong bang mag-aakala na maiinlove ako sa kalaban ko?

Wala eh, Hokage masyado si Himuro. Ninakaw puso ko.

End.


____________

Next time yung special chap!

Babaguhin ko rin to. Sabaw tangina.

Salamat sa lahat ng sumuporta sa KVO? :( Naiiyak ako! Natapos ko siya may gatt.

Tapos pumasok pa siya ng Rank 10, malala nag rank 2 pa sa SS! Dyusq!

Salamat sa lahat ❤ mahal ko kayo ❤

Babye na sa story ng MuroDae.
Kita tayo sa XadLy! Hart hart.

Special mention pala sa Fav. Chapter nito, Chapter 018! Kabog mga comment dun!

Okaee Lovelots :*

Kpopper Vs. Otaku || Sungjoy ff. (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon