077 | Fix

1.8K 161 107
                                    

"Yung tropa niyo ang pangit. May Munggago, May makulit, May Masungit at Ikaw bakla. Paano kayo nagkakasundo?" Takang tanong ni Daeyeon habang nakahiga sa sofa at kumakain ng Pringles na kulay pula. Parang baboy lang.

"Mas pangit ka" Sagot ko. Gaga tinawag pang pangit Hokage? Ang gwapo kaya naming apat.

Pusta tayo si Xad yung Munggago, Si Kiel yung Makulit, Si Himuro yung Masungit at ako yung bakla. Puta ako talaga yung bakla ah.

"Pero ang cute ni Kiel ah! Hindi ko akalain na may lahing Kpopper ang makulit na yun! Ang cute talaga!" Sagot niya habang nakatingin sa kisame

Sikretong malupit. Nakauwi na ang boyfriend niyang masungit. Kaninang umaga lang.

Ayokong ng alalahin ang dalawang taong pagbunton niyan sakin. Bakit kasi sakin pa binilin ni Himuro yan! Ang malala parehas pa kami ng kinuha sa senior High!

Hindi ko tuloy naiwasan. Akala ko nawala na to nung mga bata pa kami, nandito papala. Natakpan lang. Hindi nawala. Tangina Badtrip talaga.

"Kapag balik ni Himuro lumayo layo ka na sakin ah. Puta sawa na ko sa mga pang-alien mong kanta! Sinabayan ka pa ng dalawang gago. Buti hindi ako namatay sa dalawang taon na yun. Bangungot" Sagot ko na malayo sa sinabi niya kanina.

"Bakit hindi mo ba ko mamimiss? Sa ganda kong to? Hindi mo man lang mamimiss ang dalawang taong pagsasama natin? Hindi mo mamimiss ang girl bonding natin?!" Napatayo siya sa pagkakahiga niya.

"Baliw!" Binato ko siya ng unan "Girl Bonding, Lul"

Mamimiss kita. Ngayon pa nga lang.

"Hahaha di ka talaga mabiro Fix. Kailan pala uwi ni Himuro ng Buhay ko?" Tanong niya. Landi.

"Kaninang madaling araw. Baka nagpapahinga na yun ngayon sa bahay nila" casual na sagot ko sabay kain rin sa malaking piattos.

"NAKAUWI NA SIYA?!" Malakas na sigaw niya kaya napatakip ako ng dalawang Tenga. Mga babae talaga parang nakalunok ng megaphone. Tch.

"Surprise daw sayo" sagot ko ng may pagkairita.

Nakita ko namang siyang dalidaling tumakbo kaya mabilis kong nahawakan ang Braso niya.

"o o o! San ka pupunta babae? Dito ka lang magtigil ka nga!" Sita ko.

"Pero si Himuro nakauwi na! Pupuntahan ko siya!" Pangungulit niya.

"No. Pwede ba hayaan mo siyang magpahinga. Pupuntahan ka naman nun bukas! Excited masyado? Magkikita rin kayo!"Sinamaan ko siyang tingin para masindak.

"Bakit hindi man lang niya sinabi sakin na uuwi na pala siya?" Malungkot at pabebeng tanong niya ulit. Aba nakanguso pa.

"May surprise bang sinasabi? Tanga nito."

"Pero sinabi mo naman sakin! mas tanga ka!" Maldita na siya niyan.

Hinilot ko ang noo ko. tsaka muling nagsalita.

"Ayaw niya malaman mo! Ayaw ka rin niya makita ngayon kasi sobrang miss ka na niya. Baka daw hindi siya makapagpigil at maanakan ka niya. Puta landi."

Nakita kong namula ang mukha ni Daeyeon.

Tss. Edi sila na my lovelife. Ako na wala.

Okay lang yan Fix.

Wala namang forever. Magbibreak din sila.

Rakenrol!

Kpopper Vs. Otaku || Sungjoy ff. (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon