048 | Daeyeon

2.1K 196 54
                                    


Nandito palang ako malapit sa gate ng school kita ko na ang lukot na mukha ni Himuro. Hmmp.

"7:48 na. Muntik ka ng malate! Dami pa kasing kabalbalan. Pasalamat ka inantay kita" Bungad niya. Oh diba? Paano ko sasagutin ang kamoteng yan kung makapagsungit tinalo si Lola?

"Oh? Sinong nagsabi sayo na antayin mo ko?"

"Ako lang. Nanliligaw ako kaya dapat lang. Wag ka nga maarte. Pasalamat ka may nanliligaw pa sayo"

Umiling nalang ako sa kanya atsaka naglakad na, kaso hindi pa ko nakakapasok ng gate hinila niya agad ang bag ko

"ARAY! Bat ka ba nanghihila?!"

"Akin na yang bag mo bilis"

Anong katangahan nanaman ang nais ng isang to?

"Bakit? Aba inggit ka sa pink kong bag? Ba wag uy! May logo panaman ng snsd mahal bili ko dyan!"

Nagulat ako ng bigla niyang hinila ulit kaya binigay ko na, masira pa.

"Sa susunod papaltan na natin tong bag mo. Ang pangit"

"Wow ha! Nahiya naman ako sa bag mong may mga butong design!"

"Tanga ganyan talaga logo ng one piece!" Sabay irap niya. Aba ang maldito talaga nito!

"Ayaw talaga kitang maging boyfriend! Manglalait na nga ng Kpop, Anime Shit lover pa! Yak lang"

"Arte mo! Pasalamat ka nga nagustuhan kita kahit puro ka kpop shits. Tanggapin mo rin ako!"

Naglakad na ko. Tae drama niya.

"Nang iwan pa. Kapag talaga ako naging boyfriend mo, ikakadena kita dito sa tabi ko"

Ang landi niya.

Kpopper Vs. Otaku || Sungjoy ff. (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon