Chapter 15

19 0 0
                                    

Rhianne's POV

1:00 pm na at kakauwi ko lang galing mall. Nakahiga ako sa sofa at nanonood ako ng TV.

Maya-maya, biglang may kumatok kaya napabangon ako.

" Sino yan? " sigaw ko dun sa kumakatok.

" It's me! " sagot niya. Boses pa lang, kilala ko na kung sino yung kumakatok kaya pinagbuksan ko kaagad.

" Kuya! " sigaw ko pagkabukas ko ng pinto tapos niyakap ko siya.

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. " Mukhang namiss mo ko bunso ah. "

" Syempre naman kuya namiss kita! " sabi ko tapos humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. " Teka, kasama mo ba si mommy at daddy? Nasaan sila? " tanong ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko sila mommy at daddy.

" Hindi bunso e. Busy kasi sila parehas. "

" Sayang naman. Miss na miss ko na sila. " malungkot na sabi ko. Kahit naman kasi araw-araw ko silang kausap sa phone, iba pa rin kapag sa personal.

" Wag ka nang malungkot, nandito naman si kuya e. " sabi ni kuya tapos ginulo niya yung buhok ko.

" Kuya naman e! Ang ayos-ayos ng buhok ko guguluhin mo lang. Tara na nga sa loob. " sabi ko tapos pumasok na kaming dalawa ni kuya sa loob ng condo.

Alam ni kuya tong condo ko kasi kasama siya nung hinatid ako dito nila mommy at daddy.

Nagkwentuhan kami ni kuya. Wala daw siyang klase at namimiss niya na daw ako kaya siya pumunta dito. Kinamusta niya ako at sinabi kong okay lang ako dito kahit mag-isa ako.

Kinuwento ko naman sa kanya yung first day ko sa SMU, yung pinakanta ako ng prof ko sa Eco dahil nalate ako, yung mga bagong friends ko. Hindi ko na kinuwento yung msamang nangyari sakin dahil I'm sure mag-aalala lang siya.  

Close kami ni kuya dahil dalawa lang naman kaming magkapatid. One year lang ang age gap namin. Minsan nga kapag magkasama kaming dalawa napagkakamalang kami e.

2nd year college na siya taking up BS Biology sa UPLB.

Ang totoo niyan, dream school ko ang UPLB and luckily nakapasa ko para makapag-aral dun pero may reason kung bakit di ako doon nag-aaral ngayon.

Pagkatapos naming magkwentuhan ni kuya, napagpasyahan naming manood ng movie. Madami naman akong dinalang dvd nung tumira ako dito kaya may mapapanood kami. 

'Divergent' yung pinanood namin. Nung matapos namin yung 'Divergent', sunod naming pinanood yung 'Insurgent'. Inabot na kami ng gabi sa panonood.

Habang nanonood kami, naihi ako bigla kaya nagpunta ko ng cr.

Paglabas ko, nadatnan ko si kuya na may kausap sa pinto. Sino naman kaya yung kausap niya?

" O Rhianne, nandyan ka na pala. May naghahanap sayo. " sabi ni kuya.

My Arrogant Neighbor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon