Chapter 13

21 0 0
                                    

Rhianne's POV

Kinabukasan, kailangan ko pa ring gumising ng maaga kahit Sabado dahil may NSTP class kami. Tinakpan ko ang mga pasa ko sa braso at mukha gamit ang concealer para hindi mahalata ng mga blockmates ko at ng ibang taong makakakita sakin.

8:30 am ang start namin at maaga akong nagising kaya 7:30 am pa lang, nasa school na ko.

Nandito ako ngayon sa MPH ng school dahil dito kami tuwing NSTP. Wala pa yung mga blockmates ko dahil maaga pa. One hour pa bago mag start ang klase.

Dahil wala akong magawa, kinuha ko ang earphones ko sa bag at nakinig ng music.

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide ~

Maya-maya ay may naramdaman akong umupo sa likod ko. May mga upuan kasi dito sa MPH dahil nga dito nagk'klase kapag NSTP. Nilingon ko kung sino yun. Si Brent pala.

Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at kinausap si Brent. " Uhm.. Brent thank you nga pala sa paglibre ng dinner kagabi. " pagkatapos ay nginitian ko siya. Hindi kasi ako nakapag thank you sa kanya kagabi. Nawala sa isip ko.

Tinanguan niya lang ako.

" At tsaka may favor sana ako. " dagdag ko pa.

" What? " tanong naman niya sakin.

" Wala na sanang makaalam nung nangyari sakin. Kahit yung mga kaibigan mo. " ayoko na kasing maalala pa yung masamang nangyari sakin at hindi mangyayari yun kung madaming nakakaalam. Wala din akong balak sabihin kay Caroline dahil I'm sure magpapanic yun kahit wala nang dapat ikapanic.

" Alright. "

" Salamat. " sabi ko tapos ay humarap na ako sa unahan at nilagay ulit ang earphones sa tenga ko.

Pagkatapos ng NSTP ay napagdesisyunan namin ng mga groupmates ko sa PE na magpractice para sa practicum namin next week. Tutal naman NSTP lang ang klase namin ngayong araw.

Nandito kaming walong magkakagrupo sa gym dahil dito namin napagpasyahang magpractice.

" Anong sasayawin natin? " biglang sabi ni Cristhal kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

" Social dance malamang. Di ka ba nakikinig kay sir?! " si Rod ang sumagot.

" What the? Alam kong social dance ang sasayawin. What I mean is what kind of social dance. Stupid! " sabi ni Cristhal tapos inirapan niya si Rod. 

Sasagot na ulit sana si Rod pero pinigilan ko siya. " Tama na. Wala tayong mapapractice kung mag-aaway lang kayo. "

Tumigil naman sila pagkasabi ko nun pero ang sama pa rin ng tingin nila sa isa't-isa.

" I suggest waltz na lang ang sayawin natin. Nagresearch na ko about dun at madali lang yung steps. " biglang sabi naman ni Caroline.

My Arrogant Neighbor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon