Chapter 2

40 0 0
                                    

Rhianne's POV

Nandito kami ni Caroline sa cafeteria. Vacant kasi namin. Dito namin napiling tumambay. 

" Grabe girl. Ang g'gwapo ng mga blockmates natin no? Lalong-lalo na si Maru. " kinikilig na sabi ni Caroline.

" Whatever. " sagot ko sa kanya sabay irap.

" Ay ang sungit. Is it because of Brent? Alam mo bagay kayo. "

" Yuck! Kami? Bagay ng Brent na yon?! No way! " sigaw ko. Tama siya. Naiinis ako dahil sa Brent na yun.

Siya na nga yung nangbato sakin siya pa yung may ganang magyabang. Hindi man lang nag-sorry. Sasagutin ko na sana siya kanina kaya lang biglang dumating si prof.

" Why so defensive? Yiee! Ikaw ah. " asar sakin ni Caroline. 

" Alam mo bumili ka na lang. Gutom ka na yata e. Kung ano ano ng lumalabas sa bibig mo. "

" Okay fine. Basta ako, crush ko si Maru. Hihi. "

" Oo na. Bumili ka na dun. " at tinulak ko na siya paalis para bumili ng pagkain. Kaya naiwan akong mag-isa sa table.

Maya-maya narinig kong nagsalita yung isang babae sa kabilang table. Meron siyang kasamang dalawa pang babae.

" OMG! Girls nandito sila! " sabi nung babae. Maganda siya. Kaya lang para na siyang clown dahil sa kapal ng make-up niya.

" Kyaaah! Ang gwapo talaga nila. " sabi naman nung dalawang kasama niya.

Nilingon ko yung tinitignan nila para malaman kung sino yung tinutukoy nila. Tss. Yung lima pala.

Napatingin sakin si Brent at nakita kong nag smirk siya.

Inirapan ko siya at di ko na sila tinignan.

Leche! Ang yabang talaga! Naalala ko na naman tuloy yung kanina. Naiinis na naman tuloy ako.

Alam niyo crush ko na sana siya e. Kaya lang ang yabang niya. Kaya wag na lang.

Tumayo naman yung clown este yung babae kanina sa kabilang table tapos nagsalita.

" Brent! Here oh! Meron pang limang vacant seats. " turo niya dun sa table nila. Nasabi ko ba sa inyong ang flirty ng boses niya?

Yung tables kasi dito sa cafeteria ay pwedeng ioccupy ng walong tao.

Since tatlo lang silang nakaupo dun sa table, pwedeng pwedeng umupo dun yung lima.

Teka, kilala niya si Brent? Hindi naman namin siya kablock ah. Oh well, ano bang pake ko.

Ang tagal naman ni Caroline. Naalibadbaran na ko sa atmosphere dito.

" I'm sorry Casey. I don't want to seat with a freak like you. " rinig kong sagot ni Brent dun sa babae. Casey pala pangalan niya.

Grabe! Ang sama talaga ng Brent na yan. Tawagin ba namang freak yung Casey?

My Arrogant Neighbor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon