Nakita ko ang gulat na may halong lungkot sa mukha ni mama, pilit na ngumiti sakin si papa halata pa rin ang lungkot sa kanya.

"To-to- totoo b-ba?" Pilit kong sabi dahil pinapangunahan ako ngayon nang lungkot ko.

Nag-iwas saakin nang tingin si mama dahil sa kanya ako nakatingin, unti-unti rin tumango si papa na lalong kinabagsak nang balikat ko at nanginginig kong tuhod. Napaluhod ako, gustuhin ko mang pigilan umiyak pero di ko kaya.

"B-bakit d-di nyo s-sinabi?" Ang sakit, yung mga pinaniwalaan ko hindi pala totoo.

"J-jinri" napalingon ako sa likod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit sya sakin at mahigpit nya akong niyakap.

"baby jinri" naramdaman kong may parang nababasa ang likod ko, naiyak sya.

"Sorry nabigla lang ako" nang makita nyang parang nag aalinlangan ako dumistansya muna sya saken.

"Sulli, kagustuhan ni Mr. Goo ng iyong tunay na ama na hindi ipaalam sa lahat kahit sa tunay mong mama na ikaw ay isang Goo, para sa kapakanan mo. Maraming threats silang natatanggap noon dahil sa business nila" sabi ni papa. Marami pa syang sinasabi pero hindi ko na maintindihan dahil kinakain na ko ng iyak ko at hagulgol.

Hindi ko lang kasi matanggap pa na nagsinungaling sila saken na kahit na ganon, dapat pinaalam naman nila sakin.

"Sulli, I'm really sorry, love ka ni mama. Love na love ka ni papa" sabi ni mama na humahagulgol na rin sa iyak.

"M-ma, P-pa---" natigil ako ng mapunta ang tingin ko sa tunay kong mama. Hindi ko alam kung anong itatawag sa kanya.

Naguguluhan ako. Gulong-gulo na ako sa nangyayari.

"Please give me a time" sabi ko habang nakatingin ako sa tunay kong mama na nangingiyak-ngiyak narin.

Umakyat na rin kaagad ako ng kwarto ko, hindi ko kayang mag stay pa don nang matagal dahil sa mga nangyari ngayon.

Gustong-gusto kong tawagan si Minho para naman mag iba ang mood ko. Kaso hindi ko kaya, na kahit tawagan ko sya at makausap malungkot pa rin ako ngayon.

--------------------------

Third Person's POV

"Looks who's here?" she said with her smile.

Bago pa man pumasok ang kanyang pinakagustong bisita ay tumkngun muli sya sa salamin para icheck kung magandang-maganda na ba sya.

"Yuri!" Tawag nya sa babae at padabog na sinara ang pinto.

Nasa isang dance room sila ngayon at walang katao-tao sa paligid kahit sa labas dahil nasa 1st floor ang karamihan sa mga tao.

"Why?" Maang-maangan nya pang tanong kay Minho.

Lumapit sya kay Minho at inayos ang pagkakabutones ng polo nito. Tiningnan naman sya nang masama ni Minho pero nginitian nya lamang to.

"Please leave me and Sulli alone" galit na si Minho habang si Yuri naman napaiwas ng tingin.

"Don't please me, alam mong hindi ko kayang ibigay ang please mong yan" iritang sagot ni Yuri. Kumuha sya ng tubig at uminom hhabang si Minho naman ay inis syang tiningnan.

"Ano bang kahibangan yan Yuri?! Don't you see that I'm happy. We are happy. Magiging masaya ka kapag pinakawalan mo na ako"

Walang pakialam si Yuri sa sinasabi ni Minho dahil marami na rin ang nakapag sabi nyan sa kanya at parang wala na lang sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Present vs. Past (MinSul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon