Chapter 19

19 2 0
                                    

Sulli's POV

Dalawang araw na ang dumadaan na kami lang, tinakasan muna namin yung trabaho, intriga o kahit ano mang issues ang ibato saamin basta kasama namin ang isa't isa.

"Minho, baka nag aalala na satin sila" muli kong paalala sa kanya pero ang sinusukli nya lang sakin ay ginugulo nya ang buhok ko sabay kiss pwede na sana eh. Ayaw lang sumagot.

"Don't worry baby alam na ni hyung at ni Victoria" nilagay nya sa likod ng tenga ko ang ilang buhok kong nakakalat na saakin mukha.

"You should stop working if we got married" nagulat ako sa sinabi nya. Tama ba yung narinig ko? Mukang haharangin yun ng mama nya. Kalimitan ganoon ang ginagawa ng magulang kapag ayaw nila sa girlfriend o boyfriend nang anak nila.

Pero hanggang ngayon ayaw kong sabihin. Hindi pa pwede ayokong madagdagan lang ang gulo o lumala pa. Ayokong namimili si Minho kung sino o ano ang dapat nyang sundin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ikaw talaga masyado kang upgrade sa buhay ano?" Pinisil ko pa yung dalawa nyang pisngi.

Lalo kong pinanggigilan nang makita ko syang magpout. "Para kang bata Minho"

Hinawakan nya naman ang aking kamay na nasa pisngi nya. Pero nagkamali yata ako ng iniisip dahil bigla nya rin pinisil ang dalawa long pisngi.

"Ikaw ang parang bata, ang cute mo baby"

Magsasalita pa sana ako nang bigla nya naman akong ikiss na nakapagpatahimik saakin.

Naglakad-lakad muli kami, tumigil kami sa isang cottage. Naglalaro na naman sa isipan ko ang mga tanong kung anong nangyari at parang ang tahimik ngayon ni Yuri na dati ay naghahabol sa kanya.

"May problema ba?" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako at nakatingin sa kawalan.

"Ahh, w-wala naman. Bakit?" Nakakunot ang mga noo nya na nakatingin saakin na para bang may iniisip.

"Ang layo nang tingin mo. Tell me" sasabihin ko ba? Ayokong manira ng moment namin pero kating-kati na yung dila ko.

Naalala ko tuloy yung nabasa kong pocket book. May nakasulat doon na masyado kong inisip.

'Kahit na kasi sabihin na ikaw yung mahal, baka mamaya dalawa kayo at until now mahal nya pa si ex'

Sa layo ng tingin ko pagkalingon ko muli kay Minho ang lapit-lapit na pala nya saakin.

"May connection pa ba kayo ni Yuri. I mean, close pa ba kayo? Nag-uusap pa ba kayo?" Andaming gusto ko pang itanong. Syempre di ko maitatanggi na naging sila ta minahal din nila ang isa't isa.

"No. Are you saying that you're jealous?" Ayan na naman yung nakakalokong tawa nya. Para na naman syang baliw. Tama na siguro yun sagot nya. May tiwala naman ako sa kanya, ayoko na magtalo pa kami tungkol sa ex nya.

"H-hindi ahh" ano ba ang dapat kong ikaselos? Wala diba? Wala na naman sila. Pero di talaga ako selos. Ako magseselos? Ayoko nga.

"Seriously?" Mas lalong ngumiti ng nakakaloko to na pati ako napapangiti na di ko alam kung bakit. Dahil hindi na ako makasagot, heto na naman sya at muli nyang inilalapit ang mukha nya saakin.

Kiss na sana, kung hindi lang tumunog yung cellphone nya.

"Sagutin ko lang ah. Mamaya ka saken baby" ano daw? Oo na, kinikilig na naman ako sa kanya. Araw-araw naman. Tumango naman ako sa kanya. Lumabas muna sya ng cottage upang sagutin yung nasa cellphone.

Mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila ahh. Lalapit sana ako para magpaalam sa kanya na mag-cr lang ako nang ang cellphone ko naman ang tumunog.

Lumayo muna ako bago ko ito sinagot.

Present vs. Past (MinSul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon