Chapter 20

22 2 0
                                    

Sulli's POV

May bisita pala kami kaya yata ako pinapunta dito. Hihihi. Dapat ininform agad ako. May mukang mamahaling sasakyan kasi yung nakapark sa labas ng bahay namin.

Pumasok na rin naman ako ng bahay at sinilip ko muna sa bintana kung sinong bisita. Kakarating ko lang kasi samin. Teka, amin pala tong bahay ba't pa ako natingin sa bintana. Aishhhh.

Pero infairness ang ganda nung babae na bisita kahot mukang nasa mid 30s na sya ay angat pa rin ang ganda nya.

So napagdesisyunan ko na lang sa likod dumaan. Nakakahiya naman kung sa harap pa at ako ang magiging center of attraction nila kapag ganon.

"Ate feyn ba't may bisita nang gantong kaaga?" Tanong ko na syang ikinagulat nya. Muka ba akong mumu? Ang haggard nya ngayon ahh.

"Moment of truth? Sulli nakikinig lang ako. Haisshhh wag kang maingay" saway nya saken. Chumichismis lang pala sya. Diba masama yon? Kapag nakikinig sa usapan ng iba? Di bale na para may info lang naman ahihihi.

"Ms. Sofia" halata sa boses ni mama ang pagkalungkot. Inaaway ba nya si mama?

"Ang tagal Mrs. Choi, ang tagal kong hinanap ang anak ko kung saan-saan. Alam kong napamahal na sya sa inyo. Hindi ko alam kung saan sya iniwan ng dad nya noon. At yun pala ay na sa inyo lang" sabi nung magandang babae na nasa Mid 30's. Sofia ang pangalan ayon sa aming nasagap.

'Sino yun?' Bulong sa akin ni ate feyn na pati pala sya naku-curious na din.

Nagkibit balikat ako at muling nakinig.

"No please. Hindi nya alam. Wala syang alam dito. Tahimik ang buhay namin" pagmamakaawa ni mama at si papa naman ay tahimik lamang at walang imik.

Anak? Baka si ate feyn yata. Infairness ang ganda ng mama nya ahh.

'Sino? Ang gulo neto ah. Muka talagang teleserye' komento ni ate feyn. Loka loka talaga yan naisip pang magbiro pero nakakatawa yung expressiom ng muka nya kaya napatakip ako ng bibig.

"Tahimik? I don't think so. Someone's playing on you Mr. Choi, they manipulated your partnership. Na bankrupt kayo right? I'll help you. Basta kasama kong uuwi ang anak ko. Remember I have my legal rights and besides I'm her biological parent---" hindi naituloy nung Ms. Sofia ng magsalita si papa.

"Hon, she have a rights and she also a mother wanting her daughter"nakita kong nakayukong sabi ni papa kay mama na naging dahilan ng pag iyak nito.

"She loves us, she didn't know about these. Gugulo lang, hwag! Hindi ako makakapayag!" Sigaw ni mama at si papa naman ay pilit na pinapakalma ito.

"Wala saatin ang pwedeng pumili, si Jinri lang ang may karapatan. Let her be" biglang tumigil ang lahat sa narinig ko kay papa. Ano daw? Anong ibigsabihin non? Joke joke lang ba yon? Panaginip lang ba to? Hindi magandang joke yon.

Nagtataka at tila naguguluhang tumingin saakin si ate feyn.

Kumunot naman ang noo ko at ayaw kong tanggapin ang narinig ko dahil hindi pa masyadong malinaw. Baka nagkamali lang sila nang sabi ng pangalan.

"Her name is Goo Jinri. She's not a Choi. Please ibigay nyo na naman saakin sya. Wag na natin paabutin to sa korte" pagmamakaawa ni Ms. Sofia.

Hindi ako isang Choi?

Ampon lang ako?

Bakit nila itinago?

Napatakip ako nang bibig. Unti-unti rin pumatak ang aking mga luha. Gustuhin ko mang magtanong at magsalita hindi ko magawa dahil sa pag iyak ko.

Naramdaman kong yumakap saakin si ate feyn at pilit akong pinapakalma. Kumalas ako sa yakap nya, hindi ko alam na dinala ako nang mga paa ko kung nasan nag-uusap sina mama, papa at Ms. Sofia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Present vs. Past (MinSul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon