[Ma?] Bigla kasi ang tawag nya usually kasi tumatawag sya every morning and evening at ngayon naman ay tanghali pa.

[Sul? You need to go home next week] kinabahan ako sa sinabi ni mama. Bakit? Anong meron. Wala naman akong natatandaang party o gatherings namin.

[Bakit po?] Tanong ko.

[We have something to tell you] ano yun? Why not now? Pero naisip ko rin na baka mas okay nga na nandun ako at napaka importante nito.

[Okay po. I miss you ma, pasabi rin kay papa miss ko rin sya atsaka kay ate feyn]

[I miss you too sulli]

Pagkatapos non ay binaba na rin nya ang telepono. Bumalik na rin ako sa cottage at nakita ko rin na nandun na si Minho. Ngumiti ako nung nakita sya at ganon rin sya.

"We need to go home now baby, I'm sorry" nilagay nya ang kanang kamay ko sa pisngi nya. Gustuhin ko mang manatili muna dito, kaso di pwede eh.
"Okay lang, may mga trabaho pa tayong dapat ayusin" sagot ko.

May part talaga saken na ayaw ko munang umalis dito, siguro dahil na rin kapag umuwi na kami mas magiging madalas ang usapan namin sa text.

Inayos na namin yung mga gamit namin. Bumili na nga lang kami ng damit buti na lang at may souvenir shop dito. Naisipan ko munang manood sa laptop habang nasa byahe, mahaba-haba rin to.

"What are you doing baby?" Kahit na obvious akong naglalaptop dito?

Wait. Tama ba yung nacopy ko kay Victoria unnie? Ito ba talaga yun. Sinimulan kong panoorin. Di ko na kailangan ng earphones dahil tahimik rin naman.

"Hey" ay oo nga pala hahaha. Nakalimutan ko, pagnahawaan ka nga naman ni unnie. Tumingin ako sa kanya pero busy naman sya sa pagda drive.

"Manonood lang ako" nakita ko ang pagpout nya. Mamaya ka saken hahaha. Kinuha nya naman ang kaliwa kong kamay at hinawakan nya yon. Hinayaan ko na lang din.

Grabe naman yung lalaki dito saka yung babae dinamay pa yung nanahimik na babae. Nakakainis yun kasi parang pinagpustahan nila yung babae tapos pinaniwala pa nung lalaki na!

Mahal nya yung babae na nanahimik. Para saken nakakainis at nakakawa yun. Tss. Kabadtrip kaya mamaya na lang ulit ako maglaptop dahil masyado kong dinamdam.

"Ohh. Napatigil ka"

Hanggang ngayon pala holding hands pa rin kami. Kilig si ako hihihi.

"Nainis kasi ako sa pinapanood ko" kwento ko sa kanya na kinakunot naman ng noo nya.

"Pfft.Why? Chill lang baby nanonood ka lang" medyo natatawa pa sya nyan. Mamaya ka talaga saken.

"Chill? Pero maganda naman yung kwento, sigi na nga kwento ko na sayo hahaha" hindi ko na sya hihintayin pa at ikukwento ko na talaga.

"Yung lalaki kase may girlfriend tapos si gf at sya nagkaroon ng pustahan na kapag minahal sya nung babaeng walang kamalay-malay na nakaupo lang at kumakain ay babalikan nya toh. Kabadtrip ano? Ang mas nakakabadtrip yung lalaki naman sunod. Parang shunga lang." Sabi ko

Bakit naman ganto si Minho affected din? Sabi na maganda yung story pati bf ko feels hahaha. Normal lang yan sa susunod yayain ko syang mag marathon ng drama.

"Gaanong kasakit yun?! Kung sakin yun tas ginanon ako, pasensyahan na lang talaga! Kaya ikaw minho umayos ka" pinakita ko pa sa kanya ang kamay ko na nakapormang suntok. Hahaha alam ko namang di nya gagawin yun.

Present vs. Past (MinSul)Where stories live. Discover now