The Real Ending- When I'm with you I'll make every second count

1.3K 27 16
                                    

Last Chapter

Irvin's POV

Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ay ang kasal ko, ang kasal namin ni Eyedea. Ngayon ko lang naramdaman ito, yung pakiramdam na kuntento ka na sa lahat. Ang gaan sa pakiramdam, parang kahit anong sandali lulutang ako sa langit.

Ayos na ang mga tao at mga bagay sa paligid namin. May IBANG TAO na wala na kaming balita ni Eyedea. Hindi na lang namin masyado binibigyan ng pansin. Kami ni Eyedea, nag uumapaw na sa kasiyahan. Wala na kong hahanapin pa. Siguro nga hindi maiiwasan ang away pero ngayon alam na namin kung paano i-handle ang mga bagay. Ang tangi na lang namin ginagawa ay mahalin ang isa't-isa.

Wala na naman siguro kokontra. Ayos na naman kay Jarah at LV eh. Masaya ako at tanggap na nila.

Levi's POV

"Kapag nasaktan siya o nawala siya ng dahil sakin, binibigyan kita ng pahintulot na gawin ang lahat sakin.. Hanggang mamatay ako.. hanggang hindi ko na din kaya.. Pero imposible naman mangyare kasi yun! Gagawin ko naman ang lahat maingatan ko lang siya..."

Sabi ni Irvin nung kausap ko siya kanina sa telepono.

Bukas na ang kasal ni Lorraine. Kung tinatanong niyo kung anong nararamdaman ko? Masakit :( ang hirap tago pero hangga't kinakaya ko, ayaw kong ipakitang sobrang sakit. Hindi ako makahinga sa sakit. Yung babaeng alam kong mapapa sa iba na, isipin ko palang yun, unti unti nawawalan ng lakas ang tuhod ko.

Alam kong hindi na dapat ako umasa sa mga bagay na simula't sapul ay, wala na talaga.

Ako lang naman ang may gustong umasa, yung gustong umisip na SANA NAMAN MAGBAGO ANG ISIP NIYA AT AKO ANG PILIIN NIYA. Ang stupid ko noh? Humihiling ako sa isang bagay na imposible.

Pag nagmamahal ba, kelangan talagang may masaktan? Kelangan talaga may nagpaparaya? Yun ba talaga ang nirerequire pag nagmamahal?

I am deeply inlove with her to the point na tinanggap kong hanggang kaibigan lang ako.

Wala akong pinagsisihan, wala. Kasi yung mga ngiti niya, yung mga tawa niya, yun ang naging sandalan ko. Hangga't alam kong si Irvin yung dahilan ng lahat ng yun...

Wala lang ako.

SAKIT.

Bukas. Wala na akong karapatang mahalin siya. Wala na akong karapatang titigan siya sa gantong paraan. Wala na kong karapatan na mahalin siya sa gantong paraan.

Kasi bukas, kanya na siya. Na from the start, alam na ng puso at isip ko na yun naman talaga.

Unti unti akong nanghihina, unti unti akong nawawalan ng gana. Yung luha ko, after ng ilan taon, ngayon lang ulit pumatak. At bawat patak nun, nararamdaman ko yung sakit, ang hapdi sa puso. :( Kung may anesthesia para sa puso, siguro bibili na ko.

Pero kahit kailan hindi kayang tabunan ng pera at ng kahit anong materyal na bagay ang pagmamahal na wagas at tunay.

Sa bawat patak ng luha ko, bumabalik lahat ng sakit. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Yung bawat halik niya sa pisngi na akala niya, wala lang sakin :( Yung bawat yakap niya everytime na ang saya saya ng araw niya with Irvin.

Takte, ang sakit. Tumatagos sa puso ko lahat.

Yung alam mo namang mali pero ginagawa mo pa rin.

BUKAS. Can I erase 'tomorrow'? Can I just bring back 'yesterday'? Yesterday, when she was still mine. Yesterday, when I was the reason behind her sweet smiles?

There is no turning back tomorrow. There will be no turning back tomorrow.

"Oy! Levi. Look oh, kakadating lang ng gown. :)) I'm so happy na talaga!!!"

Please Say Don't Book Two- Continuation [15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon