CONFESSION [17]

1.3K 36 12
                                    

Chapter 17

Hinabol ko si Irvin sa labas, tsk. Grabe naman yun. Di ko naman sinasadyang pagselosin siya eh! >>.<<

"Ano ba Irvin?"

Humarap siya sakin dala yung dark aura niya. Magkasalubong ang kilay at namumula sa galit na pisngi.

"Ano ba din Eyedea? bakit sinundan mo pa ko? Dun ka na kay Levi mo!"

"Wag ka ngang ganyan! Ikaw naman nagtataboy sakin? "

"Hindi.. ikaw yung lumalapit sa kanya.. Kung hindi naman ako dumating siguro kayo na ngayon eh.." bakit ba napunta dito usapan namin dalawa? Nakakainis! Naiiyak ako kasi nararamdaman kong nagsisisi siya at bumalik pa siya.

"Ganto na lang? ibabalik mo na naman ang mga panahong, wala ka? Yung mga panahong di mo sinasagot mga tawag ko, bakit? busy ka.. busy ka kay Jarah at Cent.. samantalang ako, nagpapakabaliw kakahintay.. malay ko nga naman di ba?"

"Wag mong idamay pati si Cent!" Dun ako nagulat. Hypothesis ko lang yung kay Jarah pero mukhang.... totoo :'(

"So may Jarah talaga ha?!"

Pinunasan niya yung luhang biglang tumulo sa mata ko. Yung parang ayaw niyang malaman ko kung ano man ang tungkol kay Jarah...

"Ayokong magsinungaling sayo. ayoko na magsinungaling sayo... nung mga panahong hindi ko sinasagot mga tawag mo, yun ang mga panahong tinatanggap kong HINDI NA KO BABALIK, HINDI NA KITA MABABALIKAN." nagulat ako . yun pala talaga? hindi niya na ko babalikan?

Haha. Ansarap tumawa. Yung taong hinihintay ko , wala naman pala balak bumalik., Eh anong ginagawa nito dito?

Sarap pumatay

"Yun yung panahong, inubos ko lahat ng oras ko kay Jarah." </3

"Siya kasi yung tinuring kong Eyedea ko, habang magkalayo tayo.. Hahawakan ko ang kamay niya, iniisip na ikaw yung hawak ko... Yayakapin ko siya ng mahigpit, para maramdaman kong nasa tabi lang kita... Hahalikan ko siya sa pisngi, para malaman kung gaano pala ako nananabik sayo. na, nung una, hinahanap kita sa kanya... pero nung huli, WALA NA KONG MAKITANG EYEDEA, SIYA NA LANG YUNG NAKIKITA KO... "

Alam niyo yung masakit? Yung pinipigilan kong mahulog ng tuluyan sa iba, habang siya hinayaan niyang mahulog na lang siya..

Yung pinikit ko ang mata ko para hindi makahanap ng iba, tapos siya, idadahilan niyang hinahanap niya ko sa iba kaya hinayaan niyang bukas ang mga mata niya.

.... na dumating pala yung oras na, wala na ko sa isip niya kasi iba na yung hinahanap niya.

"dun ko unti unting natanggap na hindi na ko babalik... pero... tumawag si Levi"

Levi? wala siyang sinabi... hindi niya sinabing tinawagan niya si Irvin..

"may sakit ka nung mga panahon na yun, at minura niya ko ng minura"

O__O not Levi, hindi niya ugaling magmura..

"at nagmakaawa siyang bumalik na ko"

O__O si Levi :'( Paano niya nagawa yun?

"at sinabi niyang talo siya nung panahon na yun... na kulang ang sampung siya, para sa isang ako na kelangan mo.."

all this time. si Levi ang dahilan.. di ako nagtaka kung bakit minahal ko siya.. pero mali siya, kung binigyan lang ng longer time, di ko na kailangan ng isang Irvin , kasi kuntento na ko sa isang Levi..

"at sinabi niyang pag di pa ko bumalik, aagawin ka na niya sakin... na dun ko nakita ikaw sa isip ko... masayang masaya ynng Christmas Ball, yung nayakap kita nung muntikan ka ng mabunggo... at yung masakit... nakita kitang kayakap mo si Levi.. dun nabuksan yung mata ko... na sobrang nanikip ang puso ko... ayokong mangyare yun... ginawa ko ang lahat para makauwi... nagalit si daddy, ipinadala niya lahat ng papeles ko dito para dito na ko mag aral... para mabalikan kita.. tinalikuran ko sila ;'( I'm sorry Eyedea for being stupid... for being jealous .. sabi ko pagbalik ko, dodoblehin ko ang effort ko para maingatan ka... sorry... "

Ang sakit ng sinabi niya.

kung di pa pala tumawag si Levi at sabihing aagawin ako sa kanya, hindi niya na talaga ako babalikan. :'(

hinawakan niya mukha ko pero dali dali akong pumasok sa kwarto ko , humiga ako dun at umiyak ng umiyak.

Ang sakit talaga.

IRVIN'S POV

nasabi ko na sakanya lahat. nasaktan ko na naman siya.

Pumasok ako sa kwarto niya at nadatnan dung iyak siya ng iyak.. hinahawi ko yung buhok niya para makita yung mukha niya..

"ssh.. tahan na... tahan na.. patawad.. eyedea"

"get out." O_O

"get out please... "

wala na kong magawa... hinalikan ko yung ulo niya at niyakap siya habang nakahiga dun..

"Mahal kita. Kahit galit ka,, tandaan mo, mahal pa din kita :("

Lumabas ako ng kwarto.. at hindi naman ako aalis.. dun lang ako sa veranda... nasa tapat ng pinto si Levi, bago ako makalampas sa kanya...

"gag* pinaiyak mo pa din." sinuntok niya ko. "kulang pa yan sayo para sa pananakit sa babaeng mahal na mahal ko... hindi ka karapat dapat sa kanya.. "

tiningnan ko siya, "at ikaw? karapat dapat ka sa kanya?MAGMAMAKAAWA KA BA SAKING BALIKAN SIYA, KUNG SA TINGIN MO IKAW ANG KARAPAT DAPAT SA KANYA? "

Lumabas ako ng pinto at naupo dun sa upuan sa labas.. Matagal akong nagisip.. Kulang pa ba mga sakripisyo ko?

KUNG ALAM MO LANG EYEDEA... KUNG ALAM MO LANG EYEDEA LAHAT LAHAT NG GINAWA KO MAKABALIK LANG SAYO... KUNG ALAM MO LANG SANA, KASO HINDI PA TAMA ANG ORAS PARA SABIHIN SAYO..

antagal ko naghintay,, hindi ko naman kayang matulog ng galit siya sakin eh,.. kaya nung nagdesisyon akong pumasok sa bahay nila,

nakita ko yung isang pangyayareng ayaw na ayaw ko makita..

yung pangyayareng huling sumagi sa isip ko nung tinawagan ako ni Levi...

Si Eyedea na nakayakap kay Levi habang umiiyak...

Please Say Don't Book Two- Continuation [15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon